kabanata 1

250 26 1
                                    

Note: para sa aking mga mambabasa, pasensya na sa mga typos error, di ko pa naeedit masyado, ang lahat ng mga bagay na inyong mababasa ay pawang gawa lamang ng aking makulit na imahinasyon. Kung may pagkakapareho man sa pangalan ng Isang tao o lugar, ito ay di sadya.

PS: Plagiarism is a crime

Author

----------

Kabanata 1

Boogshh,,,

Natumba ang Isang batang lalaki dahil sa pagtadyak sa kanya ng Isang bata, matangkad lang ito sa kanya ng ilang pulgada. Di nagtagal nakarating narin ang dalawa pang bata na kasamahan nito.

"Ayan! Bagay nga sayo!" Hingal na bigkas ng batang may salamin sa mata,  "grabi ka pinagud mo pa kami sa kahahabol sayo" bigkas din ng Isa pang matabang bata habang  humahawak  sa kanyang tuhod na hinihingal.

" Bos! Anu? Tirahin na natin?" Bigkas ng matabang bata at inilabas ang kanyang  kahoy na pamalo at akmang ihahambalos nya na ito  sa batang nakaupo.

" Teka, masyado ka naman mainipin" pigil ng batang tinatawag nilang boss.
Tumingin ito sa batang nakaupo na mahigpit ang hawak sa Tila isang supot. Kaawa-awa ang hitsura nito, madungis, walang saplot ang mga paa, at punit-punit pa ang suot na damit. Nakayuko lamang ito  at mahigpit na hinahawakan ang supot, prinuprotiktahan para hindi maagaw ng mga batang humabol sa kanya.

"Kaizen ibigay mo na sa amin iyan para hindi ka na masaktan pa!" Maangas na Sabi ng bata. "Oo nga, hanggat mabait pa kami sayo, ibigay mo na samin yan!" Sulsol ng matabang bata na may hawak na pamalo. Pero nanatiling walang imik ang batang tinawag nilang Kaizen. Nawalan na ng pasensya ang tinatawag nilang boss, lumapit ito Kay Kaizen at sinuntok. Hudyat ito para sa dalawang bata na sumugod din, pinalo ng kahoy nung mataba ang kamay ni Kaizen kaya nabitawan nya ang supot at kinuha naman ito agad ng batang payat.

"Huwag! Ibalik nyo Sakin yan!" Pilit niyang inaabot ang supot Pero tinadyakan sya ulit ni zenu. Ang batang tinatawag na boss ng dalawang bata. Napahiga nalang ang kaawa-awang bata.

" Sa amin na ito ngayun!. " Ngising Saad ni zenu habang tinitignan ang laman ng supot. "Sa susunod ibigay mo agad kung anuman ang makukuha mo para di ka na masaktan ha!. " Akmang papaluin pa ulit Sana siya ng matabang bata.

Matalim niyang tinignan ang tatlong batang papaalis  habang masaya ang mga itong kumakain ng tinapay. Oo, tinapay lang naman ang laman ng supot, Pero ito ay napakaimportanti para sa kanya. Pinagtrabahuan nya yun para Sana ibigay sa kanyang ina at ama. Nais man niyang lumaban Pero hindi Niya kakayanin ang Tatlo, napakapayat niya, buto't balat na nga kung maituturing.

Napabuntong hininga nalang sya. Hindi na siya umiiyak pa sa panbubugbog ng mga ito, sanay na siya. Pilit siyang tumayo at paika ikang naglakad. Ang tatlong batang iyong ang palaging nang-aapi sa kanya. Sina zenu, nanu, at bebe. Si zenu ang lider sa Tatlo, pasimuno sa pang aapi sa kanya, Sina nanu at bebe naman ang mga alipures nito. Magkakasing edad lamang sila, nasa sampung taon gulang. hindi Niya lang kayang lumaban dahil sa napakahina Niya kumpara sa Tatlo. Ni hindi Niya pa maabot ang first bronze rank o magawang manlang maging aktibo ang kaniyang star system. Kung magagawa lang Sana Niya tiyak katulad ng mga ito  magkakaroon din siya ng pambihirang lakas kumpara sa normal na lakas ng tao. Sa ngayon Ang tangi Niya lang maipagmamalaki ay kanyang pagiging mabilis. Pero dahil si zenu ay  nakatapak na sa first bronze rank. Hindi na imposible ditong mahabol sya. Tiyak na palagi na syang aalipinin nito.

"Anak! Anung nangyari sayo?" Nag-aalalang ani ng kanyang ama. Hindi nya namalayang nakauwi na pala sya sa lalim ng kanyang iniisip, ang kanyang ama ang sumalubong sa kanya, nasa pintuan na pala ito ng kanilang bahay habang may hawak na mga kahoy panggatong. Mukhang nag sibak ito. Halatang pagud at hinihingal pa ito.

The Prophecy From Lower Realm Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon