kabanata 15

88 21 3
                                    




Pagkatapos magamot si elder Samuel ay pinuntahan agad ito ni ka-tenyong upang malaman agad Niya kung ano ba ang nangyari sa bakuran nito. inilahad nga nito kung paanong nakaenkwentro nila ang tatlong adventurer mula sa angkan Gustav, Ang pagsira ng mga ito sa mga pananim nila dahil gusto ng mga ito na sila ay umalis sa kanilang tiretoryo. At nung muntikan na siyang mapatay kung hindi lang dumating sa Tamang oras si Kaizen. E-kweninto din Niya kung paanong nilabanan ni Kaizen ang Tatlo at nung muntikan na nitong manalo sa pamamagitan ng bolang apoy nito.

"Yun po ang dahilan ng pagkakabali ng ilang mga puno at pagkakasunog ng mga ito". Huling Saad ni elder Samuel.

Iba't ibang reaksyon ang naipakita ni ka-tenyong habang nakikinig, may galit, gulat, mangha , at pangamba. Nagagalit siya sa angkan Gustav dahil patuloy parin ang mga ito sa panggugulo at mukhang patindi pa ang mga balak ng mga ito sa kanila. Namamanghang naman siyang malaman ang nagawa ni Kaizen. Nakakabilib na sa murang edad nito ay nagawa nitong makipagsabayan sa tatlong adventurer na mas malakas at mataas ang antas kaysa rito. Pero hindi rin Niya maiwasan ang mangamba dahil tiyak na pupuntiryahin ito ng kanilang kalaban.

Napansin ni elder Samuel ang pananahimik ng kanilang pinuno. Nakikita niyang nangangamba ito para Kay Kaizen.

"Pinuno, huwag na kayong mangamba, dahil bukas narin naman ay susunduin na si Kaizen para sa kanyang pagpasok sa goldbath Academy." Paalala Niya rito

Dahil sa narinig ay nakahinga siya pansamantala. "Mabuti, dahil siguradong babalikan siya ng ating kalaban, hindi pa siya gaanong kalakas, at mas lalong hindi rin tayo ganun kalakas para siya ay protektahan mula sa ating kalaban. Lalo na at nabalitaan Kong nasa 5th gold rank ang kanilang pinuno.higit na mas malakas Sakin ng maraming beses. hanggang ngayon nasa 5th silver rank parin ako, ni hindi ko magawang umunlad pa" nanlulumong Saad Niya. 'tumanda na ako, Kaya naisin ko man ang maabot ang mataas na antas ay napakaimposible na, ang mga kayamanan amin nakakalap ay mas mabuting ipaubaya nalang sa aking mga kaangkan na bata pa at mas may potensyal katulad ni kaizen.,' sa isip Niya

"Kung may sapat lang tayong kayamanan, siguradong hindi lang ganito ang antas natin ngayon pinuno. Sadyang salat lang tayo. Pero sa pamamagitan ni Kaizen, may pag-asang hindi matulad satin ang ating mga kabataan at sa susunod pang mga henerasyon ng ating angkan." Makikitang kumislap ang mga mata ni elder Samuel ng bangitin Niya si Kaizen.

Napatango si pinuno. "Tama ka elder Samuel. Sa lahat ng mga kabataan ngayon, tangin si Kaizen lang ang tangin kilala Kong nakayang tumaas ang ranggo ng ganun kabilis sa napakamurang edad."

"Di lang yun pinuno, siya lang rin ang kilala Kong napakabatang adventurer na nakayang lumaban sa mga adventurer na higit pa ang antas sa kanya. At higit sa lahat, nagawa Niya ng palabasin ang kanyang natural na kapangyarihan, ang kapangyarihan sa apoy." Dugtong pa ni elder Samuel Habang nababakasan ang pagkamangha sa kanyang mukha.

Sumeryuso ang mukha ni pinuno. "Kaya mas kailangan natin tulungan at suportahan si Kaizen, kahit na anong nangyari, proprotektahan natin siya mula sa ating mga kaaway hanggang wakas." Matiim itong tumitig Kay elder Samuel.

Napatiim-baga ito, habang mahigpit na nakakuyom ang mga kamay. "Makakaasa ka pinuno. Proprotektahan natin siya hanggang wakas, kahit buhay ko ay iaalay ko sa batang Yun, siya ang natatangi  nating pag-asa."


-----

Kinabukasan,,,

sa lugar ng angkan gustav, ay makikita ang nagwawalang si pinunong Ronaldo. "Mga inutil!" Kinuntrol nito ang upuan at malakas na inihagis patungo  Kay Berto, nakasalukuyang nakayuko. Dahil sa galit ay Mabilis niyan nilapitan ito at sinakal. Dahan Dahan Niya itong itinaas, makikitang namumula na ang mukha nito at nahihirapan ng huminga. "Dahil lang sa Isang bata kaya nagkaganyan ang mga anak ko!?" Gigil na gigil nitong Saad, bago pa man malagutan ng hininga si Berto ay inihagis Niya na ito sa dingding, makikitang nagkalamat ang dingding. "Patayin niyo ang batang iyon! Dahil kung hindi, kayo ang haharap Kay kamatayan!" Nangagalaiting Huling Saad nito bago umalis.

The Prophecy From Lower Realm Where stories live. Discover now