kabanata 57

59 16 2
                                    



Ang bayan ng Bura ay napapaligiran ng kabundukan. Maunlad ang bayan kahit na ang mga residenting naninirahan dito ay nakakulong sa kadahilanan hindi sila nakakalabas dahil sa may kung anong Harang ang nakapalibot sa buong Bayan.

Tangin mga Dayo lamang sa lugar ang hindi apektado ng Harang kung kaya tuloy-tuloy parin ang ginagawang transaksyon ng mga nais bumili sa mga produktong ibenebenta ng mga naninirahan dito. Sikat ang Bura sa kanilang produktong mga dyamante, kaya sila dinarayo rito ay dahil sa mga iba't ibang dyamanteng kanilang namimina.

Mayroon tatlong klasi ng dyamante ang bayan ng Bura. ang una ay ang esmeralt, ito ang klasi ng dyamante na para lamang sa Paggawa ng palamuti sa katawan ng tao tulad ng mga alahas. Ito ang pinakamababa na Uri na dyamante at ang kalidad nito ay hindi masyadong mataas. kumon lamang ito para sa mga adventurer.

Ang ikalawang klasi ng dyamante naman ay tinatawag na  Rubyant, ito ang mga dyamanting mahirap matagpuan sapagkat nasa pinakailalim ito ng lupa. Marami ang nagkakainteres dito tulad ng mga alchemist dahil sa Nagagamit nila ito bilang Isang sangkap para sa ginagawa nilang produkto sa alchemy. At Ginagamit din ito ng mga blacksmith para sa kanilang pinapanday na mga Armas.

At ang huling klasi ng dyamante na siyang pinakamahirap at minsan lang mahanap o matagpuan ay ang krystalize sapire, ito ang  uri ng dyamanteng nagtataglay ng kapangyarihan, kaya lahat ng mga adventurer na nakakahanap sa ganitong dyamante ay handang makipagpatayan huwag lang maagaw at maangkin ng iba.

Ang Rubyant at krystalize sapire ang pinakadahilan kung bakit marami parin mga adventurer ang dumarayo sa bayan ng Bura. Dahil mayaman ang bayan Nato sa mga dyamante, malaki rin ang posibilidad na makakahanap ng krystalize sapire ang mga adventurer na pumunta at humahalughog sa mga kuweba ng kabundukan ng bayan.

Kasalukuyan naglalakad ngayon ang grupo ni Kaizen sa pinakasentro ng bayan kung saan maraming mga taong abala sa Kani-kanilang benibenta at mga taong gusto rin mamili.

"Hmm guro, saan po tayo pupunta?" Tanong ni Kaizen.

"Sa bahay ni alkalde Rizmo, sila ang nagpadala ng misyon sa atin kaya doon tayo pupunta upang makipagtransaksyon." Marahang sagot ni Lexington.

Nagtuloy-tuloy sila sa Paglalakad, sinusundan lamang nila ang kanilang guro dahil mukhang Alam nito kung nasaan ang bahay ng alkalde.

Kanina pa napapansin ni Kaizen na sa lugar na kanilang dinadaanan ay wala siyang nakikitang mga batang tulad Niya.

Nagtataka siyang lumapit Kay hara at pabulong na nagsalita. "Ate hara, may napapansin po ba kayo?"

Lumingon naman sa kanya si hara at kumunot ang noo. "Napapansin? (Tumingin -tingin ito sa paligid) Hmm wala naman, bakit Kaizen? May kakaiba ba dito?"

"Hmm wala naman ate, napapansin ko lang, parang wala pa akong nakikitang bata dito simula ng pumasok tayo sa bayan na ito."

Sa sinabi ni Kaizen ay parang may napagtanto si hara. "Oo nga, Wala rin akong nakitang kahit Isang bata na pagala-gala dito, Pero baka nasa kani-kanilang bahay lang?."  Alanganin nitong Saad.

Kanina pa nakikinig si deon na nasa kanilang likuran lamang kaya lumapit din ito sa kanila at sumabay sa Paglalakad, marahan itong nagsalita. "Imposibli, sa ganitong tanghaling tapat, dapat mayroong mga batang naglalaro o di kaya ay kasa-kasama ng kani-kanilang mga magulang sa Pagtitinda. Pero ni Isa, simula ng pumasok tayo sa bayan na ito ay wala tayong nakitang kahit Isang batang paslit. At hindi ito normal para sa Isang bayan."

Napatango naman si Kaizen. Kanina pa Niya pinagmamasdan kahit ang mga tendero at tendera, ang kanilang mga mukha ay hindi kababakasan ng sigla, parang ang lungkot-lungkot ng kanilang mga mata kahit na sila ay nakangiti sa tuwing humaharap sa kanilang kustumer.
Pakiramdam Niya ay May hindi Tama dito.

The Prophecy From Lower Realm Where stories live. Discover now