kabanata 50

59 16 3
                                    


Nakarating sila sa Isang masukal na parti ng gubat. Mabagal na naglalakad si Shaira sa likod ng Isang malaking tipak na bato.

Tumingin ito Kay Kaizen at Tinuro ang Isang patay na puno na may butas sa gitna. "Nakikita mo yung puno na iyon. " Pabulong nitong Saad. Tumango naman si Kaizen.

"Sa butas na iyan tayo dadaan patungo sa bahay ng halimaw, nasailalim kasi ng lupa na ito ang kanyang tirahan. Malakas ang pakiramdam ng halimaw na iyan kahit na itago pa natin ang ating mga awra, basta sa oras na tumapak tayo sa kanyang bahay ay mararamdaman Niya agad tayo."

"Kung ganun, ano ang gagawin natin? Hindi naman natin siya pweding labanan dahil tiyak mamatay lang tayo." Tanong ni Kaizen.

Ngumisi si shaira "hindi natin siya kailangan labanan. Dahil mabilis ka naman tumakbo at nakakalipad ka pa. Magpahabol ka sa kanya habang kinukuha ko ang kabibi ng kanyang supling." Paliwanag nito.

Tumango naman si Kaizen. Ayos lang sa kanya ang maging pain, tiwala naman siya na hindi siya kayang mahabol ng halimaw dahil unang una, hindi ito nakakalipad, at pangalawa may kakayahan siyang pabilisin pa ng Tatlong beses ang kanyang kakayahan sa pagtakbo o Paglipad man.

Ang inaasahan ni Shaira ay aalma si Kaizen na maging pain kaya naghanda na siya ng sasabihin Sana upang pumayag ito, ngunit hindi ito nagreklamo at tumango lang bilang pagsang-ayun at dahan-dahan na itong lumabas sa kanilang pinagtataguan.

Lumingon naman ito sa kanya ng napansin nitong hindi siya sumusunod. Kaya ngumiti siya at tumayo agad, at Dahan Dahan rin naglakad patungo dito. Pasulyap Niya itong tinignan. Sa loob-loob Niya ay namamangha siya sa pag-uugali mayroon si Kaizen.

Napapansin ni Kaizen ang Panakaw na pagsulyap sa kanya ni Shaira. Hinayaan Niya nalang ito, dahil kung may nais itong sabihin ay tiyak magsasalita ito maya-maya Lamang.

Ng papasok na Sana siya sa butas ay pinigilan siya nito agad.

"Huwag Kang humawak." Pabulong nitong Saad. Kaya agad niyang binawi ang kanyang kamay ng akma na Sana siyang hahawak sa puno. "Papasok tayo sa pamamagitan ng paglipad mo, kaya mo naman akong kargahin sa iyong likuran kaya sasakay nalang ako sa iyo dahil hindi naman ako marunong lumipad."

Napakunot noo naman si Kaizen. "Bakit?"

Napairap naman si shaira bago magsalita. "Dahil tulad nga ng Sabi ko, malakas ang pakiramdam ng halimaw na iyan, kapag humawak ka kahit hibla ng mga ugat ng punong iyan ay mararamdaman Niya agad ito. Ang Isa sa kanyang espisyal na kakayahan ay ang kumunekta sa lupa. Lalo na kapag nasa teritoryo Niya." Paliwanag naman niya.

"Ah ganun ba, sige, halika ka na at sumampa sa aking likuran." Lumuhod na ito patalikod sa kanyang harapan.

Biglang nakaramdam ng hiya si Shaira ng mapagtanto Niya kung ano ang kanilang magiging itsura, kaya di Niya maiwasan mamula. Napansin naman ni Kaizen na parang ang tagal naman ni Shaira sumampa sa kanyang likuran Kaya lumingon siya dito, nakita niyang nakatungo ito. "Ayos ka lang ba? Bilisan na natin dahil baka maramdaman Niya tayo" pabulong niyang Saad dito

Natauhan naman si Shaira, kaya agad siyang sumampa sa likuran ni Kaizen. Sa isip Niya. 'bahala na, walang ibang ibigsabihin ang Kanyang nararamdaman. Kinakabahan lang siya dahil sa halimaw. Yun lang Yun! Wala ng iba pa!'

Sakto lang naman ang laki ng butas para magkasya ang katulad nilang mga bata. Pagpasok ni Kaizen ay binulungan siya ni Shaira na lumipad pababa. Parang Isang balon malalim ang loob ng patay na puno. Nasa gitna lang sila at iniiwasan dumampi sa gilid ng lupa. Habang palalim na sila ng palalim ay padilim ng padilim naman.
Narinig ni Kaizen ang pabulong na Saad ni Shaira sa kanyang sarili. "Naku po, nakalimutan Kong dalhin ang ilawan, masyado palang madilim sa daanan na to."

The Prophecy From Lower Realm Where stories live. Discover now