kabanata 37

78 17 0
                                    




"Natapos na ang pangalawang antas ng pagtatasa!....binabati ko si Kaizen redvil sa kanyang pagtatagumpay.!" Hayag ni punong tagapamahala. Tinignan Niya ang mga batang adventurer na nabigong gawin ang pagtatasa. Makikita sa mga mata nito ang inggit at kalungkutan. Sa isip nila hindi sila nakapasa. Napangiti nalang ang punong tagapamahala at nagwika ulit. "huwag na kayong malungkot pa mga bata, dahil kahit hindi niyo nagawang mabuksan ang pintuan ay hindi ibigsabihin nun na lahat kayo ay hindi nakapasa."

Biglang napatingin ang mga bata sa punong tagapamahala at naguguluhan sa sinabi nito. Kaya ipinaliwanag Niya nalang ng mabuti upang maintindihan ng mga ito ang ibig niyang sabihin. "Lahat ng batang nakagamit ng enerhiya at nagawang kontrulin ito patungo sa Isa o higit pang parti ng katawan upang mapaunlad ang kakayahan tulad ng di pangkaraniwan bilis sa pagkilos at nagawa pa itong patagalin ay kinukunsidirang tagumpay. Dahil katulad nga ng sinabi ko bago magsimula ang pagtatasa. titignan dito kung nagagawa niyo bang makuntrol ng mabuti ang inyong Pag higop sa natural na enerhiya, nagagawa niyo ba itong padaluyin sa mga parti ng inyong katawan at kung kaya niyo ba itong patagalin. Sa kabuuan sa pamamagitan ng mga ito ay malalaman kung matibay na ba ang inyong mga pundasyon sa inyong star system." Paliwanag Niya.

Nalinawan naman ang mga bata, kaya mayroon na sa kanilang nabuhayan ng loob dahil ibigsabihin lang nun hindi sila bagsak. May pag-asang makasama pa sila sa ikatlong antas ng pagtatasa.

Di nakatiis si zenki at nagtaas ito ng kamay upang magtanong.  Pinahintulutan naman siya ng punong-tagapamahala kaya nagsalita na siya. "Kung ganuon punong tagapamahala, pasado kami?" Umaasang tanong Niya rito.

Tumango naman ang punong tagapamahala. "Oo dahil naipakita niyo ang inyong kakayahan sa pagkuntrol ng inyong enerhiya at nakakamanghang  na kaya niyo itong ipadaloy sa dalawang parti ng inyong katawan ng matagal" sagot Niya rito. Bumaling siya sa lahat ng bata. " Makinig, ang mga batang nabigo sa pagtatasang ito ay hindi maaaring makalahok ----" naputol ang nais Sana Niyang sasabihin ng maramdaman Niya ang presensya ng hari. Lumingon siya rito at nakita niyang sinisinyasan siyang lumapit dito.

Agad siyang lumipad patungo rito "bakit po mahal na hari?" Magalang niyang tanong rito. May ibinulong ang hari sa kanya, at makikitang sa reaksyon ng kanyang mukha ang pagkabigla. At maya-maya lamang ay inayos ang sarili at nagwikang. "Masusunod mahala na hari". Tumango lang ang hari at umupo na ulit ng maayos. Habang siya ay lumipad pababa at bumalik sa dati niyang puwesto.

Tumingin siya sa lahat Pati na rin sa mga batang nakaupo sa mga upuan sa likod nina arthon at Adelina. "Makinig kayo Pati narin sa mga batang hindi nakapasa sa unang antas ng pagtatasa. Nais ng hari na sa huling pagtatasa ay bibigyan ng pagkakataon makalahok ang lahat ng mga batang adventurer nakapasa man sa una at pangalawang antas  o hindi ay bibigyan pagkakataon ipakita sa hari ang Angkin kapangyarihan tinataglay." Lahad Niya sa pagbabagong utos ng hari.

Nabuhayan ang lahat ng batang naroon, ibigsabihin lang nito ay may pag-asang pang manatili sila sa pag-aaral sa goldbath academy at kung magugustuhan ng hari ang kanilang kapangyarihan tinataglay ay maaari rin Silang mapili na maging kabilang sa elite quads. Lahat ay naging masaya at umaasa na Sana ay mapili sila.

"Ano ang plinaplano ng hari?" Nagtatakang tanong ni Adelina

Hindi tumugon si arthon, sa halip ay pinag-aaralan niya ang biglang  pagbabago ng disisyon para sa pangatlong antas ng pagtatasa. tantiya Niya kaya gusto ng hari na makita lahat ang kapangyarihan ng mga bata ay marahil gusto nitong malaman kung espesyal ba at kapakipakinabang ang mga tinataglay na kapangyarihan ng mga bata.

"Magpasalamat kayo sa ating butihin hari, dahil sa pagbabago Niya ng desisyon ay magkakaroon ulit kayo ng pagkakataon mapanitili ang pag-aaral niyo dito o kung suwe-swertihin ay mapabilang sa elite quads. Yan kung magagawa niyo siyang mapahanga sa inyong kapangyarihan." Pahayag Niya partikular sa mga batang nabigo sa unang pagtatasa.

The Prophecy From Lower Realm Where stories live. Discover now