kabanata 52

81 17 5
                                    

Boom!
Boom!
Boom!

Sunod sunod na pagtira ni wayom sa batang si Kaizen. Pero hindi Niya ito matamaan. Sa bilis ni Kaizen ay halos di na niya ito makita. Nakakaramdam na siya ng pagkairita.

"Ahhhhh! Letsing bata ka! Pagnahuli lang talaga kita, lagot ka sa akin!"

Napangisi naman si Kaizen at tumugon. "Kung... mahuli mo ako" pang-aasar Niya pa rito.

Alam ni Kaizen ang kanyang sitwasyon, napansin niyang may kakaiba sa kapangyarihan ng lalaking Kanyang kalaban, ito ang unang beses na nakasaksi siya ng itim na kapangyarihan na parang Lason na kahit awra lang nito ay nagagawa nitong matuyo, malanta at tuluyang mamatay ang mga halaman, puno o kahit ang ilang mga maliliit na hayop o halimaw na natatamaan dahil sa paulit-ulit niyang pag-iwas sa kapangyarihan nito.

Biglang tumigil si wayom, at mayamaya pa ay maririnig ang paghalakhak nito.
"Ngayon naintindihan ko na!," napangisi ito at tumingin Kay Kaizen. "Hmm matalino ka bata, hindi mo nga naman kami kayang matapatan sa lakas ng aming kapangyarihan kaya ang ginagawa mo ay pagurin nalang kami at sairin ang aming mga enerhiya ng sa ganun ay magagawa mo na kaming matalo."

Nawala ang ngiti sa mukha ni Kaizen. Sa kanyang isipan 'lagot, Alam na Niya na ang ginagawa ko' muli sanang mag-iisip si Kaizen ng panibagong plano dahil mukhang hindi na uubra pa ang ginagawa Niya. Ng biglang may nangyayaring kakaiba Kay wayom.

Napamaang Sina Kaizen at Shaira sa nasasaksihan. Unti-unting nagbabago ito ng anyo, nagiging mapula ang balat nito, ang mga Tenga ay naging patulis, ang mga mata ay nagkulay pula, at ang labi nitoy naging itim. Ang mga kuko nito ay humaba at naging matulis.

Pamilyar Kay Kaizen ang ganitong itsura parang nakita na Niya ito, at biglang bumalik sa alala Niya ang mga alalang ipinakita sa kanya ni haring Amer ng ilipat sa kanya nito ang kapangyarihan.

Nagkaroon ng pangamba si Kaizen, ito ang unang anyo ng Isang pagiging demonyo. Hindi pa ito ang ganap na anyo dahil mukhang hindi pa lubusang nagpapasakop si wayom sa itim na kapangyarihan.

"Hmm gusto ko ang ganitong pakiramdam," nakapikit pa ito na parang ninanamnam ang lakas na dumadaloy sa mga kalamnan nito.

Napalunok naman si Shaira bago magsalita. "Ang pangit ng anyo mo wayom! Hindi kaaya-aya sa mata ang tignan ka!" Panglalait Niya rito.

Bigla naman nagmulat si wayom ng mga mata ng marinig ang mapanglait na saad ni Shaira. Tumingin siya rito. Sa Isang kumpas lang ay nasira ang entrenamiento ni kaizen kung saan kasalukuyan prinuprotiktahan si Shaira. Tumilapon si Shaira patungo sa mga puno. "Pangahas ka! Ito ay magandang anyo, dahil sa anyong ito ako ay malakas! Masarap sa pakiramdam ang ganitong klasing lakas!" Pagmamalaki nito habang humahalakhak ng malakas.

Mabilis naman lumipad si Kaizen patungo Kay Shaira para alalayan ito. "Ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong Niya rito.

Tumango naman si Shaira at umayos ng tayo. "Oo, ayos lang ako, mukhang trumepli ang lakas ng halimaw na ito." Napaismid na Saad ni Shaira.

"Mag-iingat ka, mukhang hindi magiging madali ang paglaban sa kanya." Tumingin si Kaizen Kay Shaira. "Kung maaari, habang nilalabanan ko siya ay umalis ka na rito."

Napakunot noo naman si Shaira at mariing tumutol sa ideyang pagtakas at Iwan ito."hindi kita iiwan sa laban na ito Kaizen, kung tutuusin nadamay ka lang dahil ako lang naman ang kailangan nila." Napabuntong hininga siya. "Kaya dapat ikaw ang tumakas at pabayaan nalang ako, mukhang hanggang dito nalang talaga ang buhay ko." Pagsuko Niya.

Biglang humarap si Kaizen sa kanya at tumitig sa kanyang mga mata. "makinig ka Shaira, hindi dito magtatapos ang buhay mo, maging matapang at malakas ka para sa iyong mga magulang o sa mga taong nagmamahal at umaasa sa iyo." Huminga Ito ng malalim at tumingin sa kanilang kalaban bago mag wika ulit. "Ito ang plano Shaira, bibigyan kita ng pagkakataon makatakbo, pumunta ka sa Inyo at humingi ng tulong, hindi natin kakayanin itong ka-angkan mong mukhang nagpasapi na sa demonyo. Kaya kong makipaglaban sa kanya, Pero hindi ako sigurado kung kakayanin ko siyang matalo. Kaya pakiusap,  tumakas ka na muna" huling sulyap nito nama'y pakikiusap sa mga mata sa kanya bago lumipad patungo Kay wayom.

The Prophecy From Lower Realm Where stories live. Discover now