kabanata 22

102 23 7
                                    

Sa loob ng isang silid ay makikita si Kaizen na mahimbing na natutulog. Habang pinagmamasdan ito ng dalawang tao.

"Sino kaya ang umatake sa batang ito at mukhang gusto itong patayin?" Nakakunot noong tanong ni Adelina Kay ginoong arthon.

Mariing nag-iisip si ginoong arthon, dahil maging siya man ay walang alam sa kung ano ang nangyayari. "Marami siyang bali sa katawan, halos mabulag din ang kaliwa niyang mga mata, talagang pinahirapan ang batang ito, siguro kung nahuli pa tayo ng dating, bangkay na natin siyang maaabutan."

Lumingon si Adelina Kay ginoong arthon. "Wala ka bang ideya kung sino ang may gawa nito sa kanya? Isa ba sa mga naririto ang salarin o may tagalabas na ang nakapasok ng hindi natin nalalaman." Tanong Niya rito.

Tumalikod si ginoong arthon at lumapit sa bakanting upuan at umupo habang ang Isang kamay nito ay nakahawak sa ilalim ng baba nito, "hmm hindi ko masasabi, dahil masyadong malakas ang ating entrenamiento sa isla para basta-basta lang mapasok ng kalaban nang hindi natin malalaman, di bali nalang kung mayroon nagpapasok rito?" Tumingin siya ng deritso sa mga mata ni Adelina.

Napailing nalang si Adelina at tumingin Kay Kaizen. "kung sino man ang may gawa nito sa kanya tiyak babalikan siya, mukhang hindi basta-basta ang nakalaban ng batang ito."

"Tama ka" pagsang-ayun ni ginoong arthon, "para magawang maitago ng nilalang na iyon agad ang kanyang awra, tiyak kong ito'y malakas at hindi basta-basta."

Mayamaya pa ay napasinghap si Adelina, napamaang ito habang titig na titig Kay Kaizen. Napakunot noo naman si ginoong arthon ng mapansin niya ang kakaibang reaksyon ng mukha nito, kaya lumapit siya rito. "Ano bang nangyayari sayo at ganyan ka makatingin Kay kai-" naputol ang kanyang sasabihin ng tumingin siya sa bata.

Mapapansin ngayon ang mabilis na paggaling ni Kaizen, ang namamaga niyang mukha ay bumabalik na sa dati, ang mga bali niya sa kamay at sa  buong katawan ay maayos na uli. Ni hindi na kakabakasan pa ito ng kahit anong pinsala, para nalang talaga ito  natutulog.

Napahawak sa bibig si Adelina. "Papaano niyang nagawang gumaling agad!?" Tanong nito. "Tignan mo arthon, kahit ang mga bali niya sa kanyang mga buto sa katawan ay gumaling na, na parang hindi manlang na pinsala". Namamanghang pinagmasdan nito ng maigi ang katawan ng batang si Kaizen. Sinusuri kung tama ba siya sa nakikita o namamalikmata lang.

Maging si ginoong arthon ay napamaang din sa nasasaksihan. 'Masyadong napakabilis naman ng paggaling ng batang ito, sa pagkakaalam ko kahit sila  na nasa goldrank o sky rank ay hindi agad agad nila mapapagaling ng lubusan ang ganitong kalalang pinsala kahit na gumamit pa sila ng matataas na uri ng healing potion.' sa isip niya.

"masyadong mahiwaga ang batang ito Adelina, baka siguro may nais na pumatay kay Kaizen ay dahil baka nakikita siya bilang isang malaking hadlang". Kunklosyon niya

"Hmm, maaari," pagsang-ayun niya. "minsan lang magkaroon ng batang may ganitong kataas na potensyal sa goldbath Pag nalaman ito ng hari tiyak proprotektahan niya ito, baka ayaw ng mga taong  yun na makarating ito sa hari. Dahil magiging balakid ito sa kanilang mga plano balang-araw kaya ngayon palang eh gusto na nilang mawala." Paliwanag niya pa.

"Maaari yon", pagsang-ayun ni ginoong arthon. "Alam mo naman na may banta ang ating kaharian ngayon dahil sa bansang salham at whiyork. Gusto ng mga itong masakop tayo. Hindi lang nila magawang sumugod agad dahil sa may nakukuha pa tayong suporta sa ibang bansa."

"Kung ganun nga, kailangan natin protektahan ang batang ito. Kailangan Niya agad makapasok sa elite quads dahil naruon ang mga Tamang tao na tutulong na mas mahasa pa ang kanyang kakayahan at kapangyarihan. Nakikita Kong hindi basta-basta ang batang ito para pag-interesan patayin ng ating mga kalaban." Determinadong saad ni Adelina.

The Prophecy From Lower Realm Onde as histórias ganham vida. Descobre agora