kabanata 25

78 20 2
                                    



Sa taas ng Isang puno, ay matyagang nagtatago at naghihintay ang Isang nakaitim na lalaki na nakasuot ng maskara. Minamatyagan nito ang gusaling Principiante kung nasaan ang mga batang nasa bronze rank. Hinihintay nito makitang lumabas ang batang nakalaban Niya noong nakaraan. Sinusubaybayan Niya ang bawat taong pumapasok at lumalabas dito. Maya-maya pa ay naalerto na siya, nakita niyang lumabas narin sa wakas ang batang hinihintay niya.

Makikitang mabilis ang paglalakad ng bata at palingon-lingon pa ito, tahimik Niya lang itong sinusundan, gusto niyang malaman kung saan ito patungo, at Pag nagkaroon siya ng pagkakataon, pasurpresa Niya itong aatakihin ng sa ganun hindi na nito magawang magamit pa ang mataas na Uri ng entrenamiento na ginamit nito nung huling laban nila kung saan biglang may lumabas na Harang patatsulok palibot dito.

Kailangan Niya itong matapos ng agaran ng makaalis na agad siya dito sa lumulutang na isla, mahirap na baka mahuli pa siya. Napakunot-noo siya ng mapansin niyang  patungo ang bata sa pinagbabawal na gubat, ang red hunt forest. Ito ang Isa sa mga gubat na pinamumugaran ng mga iba't ibang klasing halimaw na ginagamit ng mga estudyanteng taga silver at golf rank para sa kanilang aktuwal na pakikipaglaban bilang pagsasanay. 'anong meron dun at dun siya patungo, di bale, mukhang pabor naman Sakin kung sakali magagawa ko siyang tapusin dun agad ng hindi malalaman ng mga taga Principiante.' sa isip Niya .

Nararamdaman ni kiazen na may sumusunod sa kanya. Pero hindi Niya nalang ito pinansin at nagkunwaring walang nararamdaman presinsiya. Nakapasok na siya sa gubat na sinasabi sa kanya ng kanyang guro. Mabilis siyang tumakbo dahil Alam niyang anumang oras ay aatakihin na siya ng kalaban na sumusunod sa kanya. Kailangan niyang makapunta sa pinakagitna ng gubat dahil naroon naghihintay sina Adelina at ang guro Niya. Doon nila isasagawa ang kanilang plinano.

Ngunit hindi pa siya nakakarating sa pinakagitna ng gubat ay may naramdaman na siyang malakas na enerhiya ang papalapit sa kanya mula sa kanyang tagiliran. Pagtingin Niya ay nanlaki ang kanyang mga mata, sapagkat ito'y isang bolang enerhiya na gawa sa kuryente at napakali nito. Wala na siyang panahon para mailabas ang kanyang entrenamiento, kaya ginamit Niya nalang ang kanyang bagong teknik na itinuro sa kanya ni Chen. Ang Flash rapidez teknik. Kung saan ang kanyang bilis ay katumbas ng bilis na nagaggawa ng 5th level gold rank. Kaya Lang mas malaking enerhiya ang nababawas sa kanya Pag ginamit Niya ito ng kahit   ilang segundo lamang.

Booom!

Malakas na pagsabog ng Tamaan ang malaking bato ng bolang kapangyarihan ng nakaitim na lalaki. Napamaang naman ito ng makita niyang parang bola na wala ang bata bago pa man ito matamaan ng kanyang ball electric tiknik. 'mas trepli ang bilis nito ngayon na kahit ako na nasa 3rd level gold rank na ay di ko agad nakita ang kanyang bilis sa pag-iwas.' sa isip Niya. Mabilis siyang naglabas ng mga patalim, at ng makita Niya na kung saan patungo ang tumatakbong bata ay mabilis narin siyang humabol. Ginamit Niya na ang Kanyang tunay na lakas.

Mabilis na napahinto si Kaizen at mabilis nagpasirko-sirko paiwas sa mga patalim na inihagis ng lalaking nakamaskara. Ito ay nasa unahan Niya na pala. Mabuti nalang at gumagana pa ang kanyang Flash rapidez teknik kaya madali Niya lang naiwasan ang mga patalim.

Huminto siya ilang metro ang layo mula sa lalaking nakamaskara. Nagkaroon ng kumplikasyon sa expresyon ng kanyang mukha, dahil parang maiiba ang kanilang plano sapagkat nabigo siyang makapasok sa pinakagitna pa ng gubat tulad ng kanilang pinagplanuhan. Mukhang hindi na siya papaalisin pa ng lalaking nakamaskara, kailangan niyang makaisip ng paraan upang malaman nina Adelina at gurong arthon ang nangyayari. 'pero papaano? Wala naman siyang kakayahan magpadala ng mensahe sa mga ito?' kumplikadong isip niya.

"Naabala ba kita bata? Mukhang nagmamadali ka, mayroon ka bang importanteng pupuntahan?" Ngising tanong nito.

Hindi na tumugon pa si kaizen, wala siyang panahon para sagutin ito. Hinanda niya nalang ng mabuti ang lahat ng kanyang lakas at enerhiya para sa kanyang kapangyarihan at mas pinatalas pa ang kanyang mga pandama. Sapagkat Nararamdaman Niya kasi sa inilalabas nitong awra at sa mga kilos at tingin nito, mukhang mamadaliin nitong patayin siya. At aminado siyang hindi Niya ito mapipigilan dahil sa napakalaki ng agwat ng kanilang antas at kapangyarihan. Ang tangin magagawa Niya nalang muna ay umiwas at pilitin tumagal pa sa magiging laban nila. Hindi Niya ito pweding labanan ng harapan.

Unti-unti itong naglakad habang nagsasalita. "Nakikita Kong ayaw mong makipag-usap, hmm kung ganun mabilisan nalang kitang tatapusin, kaya maghanda ka ng mabuti bata!". Mula sa Paglalakad ay mabilis na itong tumakbo patungo Kay Kaizen.

Mabilis pinagana ni Kaizen ang kanyang Flash rapidez teknik. Pilit niyang iniiwasan lahat ng atake ng kalaban, gumagawa siya ng Harang gamit ang kanyang kapangyarihan apoy, ngunit madali lamang itong nawawasak mula sa kapangyarihan nitong kidlat. Kaya minsan tumitilapon siya dahil napakalakas ng kapangyarihan nito. Hindi na talaga ito nagpipigil, para bang nagmamadali itong tapusin siya.

"Electrico filum cultro!" Sigaw ni Neryum, inihagis Niya ang kangyang limang maliliit na patalim habang nakakunekta ang kanyang kapangyarihan kidlat sa mga dulo nito mula sa kanyang mga daliri. Kaya para siyang may limang latigong Kadena na ang bawat dulo ay patalim. Ito ang Isa sa mga malalakas niyang teknik.

Patuloy lang iniiwasan ni Kaizen ang mga patalim Pero dahil napapagud na siya at unti-unti ng humihina ang kanyang skill ay natatamaan na siya. Sa Pag iwas Niya sa dalawang patalim na pasugod sa kanyang kanan ay tinamaan siya ng Isang patalim sa kanyang kaliwang braso. At dahil dito kaya nakuryente na naman siya.

Tinitiis Niya ang sakit, at pilit hinawakan agad ang patalim na nakatarak sa kanyang braso dahil nakikita Niya ang mabilis na paggalaw ng apat pang patalim na pasugod na sa kanya.

'patay ka na ngayon bata, imposibling maiwasan mo pa ang apat Kong patalim kahit matanggal mo pa yang Isang nakatarak sayong braso.' napabuntong hininga saisip  niya. Makikita sa kanyang mga mata ang paghingi ng tawad para sa batang ito. 'Pasensya na Pero ito lang ang paraan para makalikom ako ng maraming perang ginto. Ng sa ganun mabili ko ang gamot na kailangan ng aking nag-iisang kapatid. Sayang dahil magaling pa naman ang batang ito, malaki ang potensyal nitong maging malakas at higitan pa siya balang-araw.' may panghihinayang Saisip Niya.

Ugh!

Hindi na gawang matangal ni Kaizen ang patalim, kaya ang apat pang natitira ay mabilis na tumarak sa kanyang dalawang paa, sa kanan braso Niya at ang Isa ay maswerte niyang nahawak bago pa man tumarak sa kanyang dibdib. Dahil dito kaya bolta-boltahing kuryente ang kanyang nararanasan.

Aaahhhh!

Hindi mapigilan sigaw ni Kaizen dahil sa sakit at kirot nanararanasan mula sa kapangyarihan ng kanyang kalaban. Maya-maya pa ay binalibag na siya ng lalaki. Tinangal na nito ang mga patalim at pinabalik na sa mga kamay nito. Nanghihina na siya Pero pilit siyang bumabangon. Duguan na siya, matagal maghilom ang kanyang mga natamong pinsala dahil sa kulang na ang Kanyang enerhiya at wala na siyang sapat pa na lakas. Napaluhod nalang siya, ng Pag-angat niya ng tingin ay nakita niyang may iniipon ang nakamaskarang lalaki sa mga palad nito. Kaya mabilis niyang inilabas ang kanyang aspis-triangulum, ito na ang Kanyang huling alas, kaya Lang nagamit na Niya ito kaya hindi na siya sigurado kung ang epekto nito ay kasing lakas parin nung una.

Napansin ito ni Neryum. "alam Kong ilalabas mo yan, kaya Lang sigurado akong hindi na yan kasing lakas nung una, hindi ka na magagawang protektahan pa ng iyong aspis-triangulum dahil ang aking kapangyarihan ay mas pinalakas pa sa pamamagitan nito.!" Seryusong  Saad nito habang inilabas ang Isang kulay puting bato. "At dahil dito kaya magagawang sirain ng aking kapangyarihan ang iyong aspis-triangulum! Patawad bata Pero hanggang dito la nalang!." Pinalutang nito ang puting bato at ipinasok sa kanyang bolang kuryente. Mas lumakas pa at lumaki ang bolang kuryente. Malakas na Inihagis nito ang bolang kuryente patungo Kay Kaizen.

Habang  nagulat naman si kaizen  sa kanyang narinig, 'kung ganun Alam nito ang tungkol sa kanyang entrenamiento'. At sa nakikita Niya, mukha Ngan napakalakas nito, Nawalan na siya ng pag-asa. 'ito na ba ang katapusan ko?,' tanung Niya sa isipan, habang papalapit ang bolang kuryente ay sumasagi sa isipan Niya ang kanyang inay at itay, napapikit siya, at tumulo ang kanyang luha. 'patawad inay, itay. Napakahina ko talaga, wala akong kwenta'. Ayaw Niya pang mamatay, Pero wala naman siyang magagawa, wala siyang kalaban-laban.

Bang!

Boommm!!!!!

Malakas na pagsabog ng tumama ang bolang kuryente ni Neryum sa maraming puno. Halos makalbo ang Isang bahagi ng kagubatan dahil dito. Ang mga halimaw na naroon ay mabilis na nagsitakbuhan dahil ayaw nilang madamay sa nagaganap na labanan.

Samantala mariin parin ang pagkakapikit ng mga mata ni Kaizen. Hinihintay nito ang pagtama sa kanya ng bolang kuryente, ng wala siyang maramdaman ay unti-unti na niyang minulat ang kanyang mga mata. Napangiti siya at nakahinga narin sa wakas.

"Guro!" Masaya niyang sigaw.

Lumingon ito sa kanya at ngumiti. "Pasensya na Kaizen, nahuli kami".









The Prophecy From Lower Realm Where stories live. Discover now