kabanata 51

58 16 4
                                    

Bago pa man Tamaan si Shaira ng bolang kapangyarihan nina tiko at Miko, ay may Isang nilalang ang lumitaw sa kanyang harapan di Niya ito agad nakita dahil nakapikit siya. Pero naramdaman Niya ang mabilis nitong Pag karga sa kanya at pag-lipad nila ng mabilis upang iwasan ang paparating na kapangyarihan.

Boom!

Malakas na pagsabog gawa ng kapangyarihan nina tiko at Miko.
Iminulat Niya ang kanyang mga mata ng tumigil ang nilalang at tumapak sa Isang Sanga ng puno.'nananaginip ba siya?' Parang huminto ang paligid ng masilayan Niya ang mukha ng nilalang na hiniling Niya na sana'y sumagip sa kanya. Nakita Niya itong nagsasalita Pero hindi Niya mawari kung ano ang isinasaad nito.

"Maayos ka lang ba Shaira?"

"Shaira?"

"Shaira!"

Tapik ni kiazen sa nakatulalang si Shaira. Napansin niyang Malala ang Tama nito, baka naapektuhan ang pandinig nito. Mabilis siyang naglabas ng mataas na Uri ng recupill. At ipinakain dito.

Unti-unting naging maayos ang pakiramdam ni Shaira. Nawawala na ang Kanyang mga natamong pinsala. Pati ang Lason na nakuha Niya sa itim na kapangyarihan ni wayom ay natanggal din ng recupill na ipinakain sa kanya ni Kaizen.

"Ano? Maayos na ba pakiramdam mo?" Nag-aalalang tanong ni Kaizen.

"Uhm, o-oo" ng mapansin niyang nasa bisig parin siya ni Kaizen ay mabilis siyang tumayo at lumayo. "Bakit ka nandito?" Tanong Niya rito, tumayo narin ito ng maayos.

"Dahil-"

Hindi na natuloy ang sasabihin ni Kaizen ng magsalita si wayom.

"Ang swerte mo naman Shaira diyan sa bago mong kaibigan, iniligtas ka na naman ulit.!" Pang-uuyam nito.

Napatingin sila rito, sumeryuso ang mukha ni Kaizen na tumingin sa tatlong lalaki.
"Sino sila Shaira? Mukhang ka-nayon mo sila basi sa Kanilang kasuutan." Pansin Niya sa pagkakapareho ng mga suot ng tatlo sa suot ni Shaira, at ang Isa pa niyang napansin ay pare-pareho ang mga ito na may marka na sumisimbolo ng liwanag sa kanilang mga leeg katulad ng Kay Shaira.

Napabuntong hininga naman si Shaira. "Ka-tribo ko sila, nais nila akong patayin dahil lang sa mababaw na dahilan." Paismid na bulong Niya.


"Basi din sayong kasuutan iho, ikaw ba ay nagmula sa bansang goldbath? Kung Tama ako, kayo ay narito sa aming bansa dahil sa misyon sa bayan ng Bura. Kung gayon, bakit ka pa narito, mukhang hinatid ka na naman ni Shaira kanina sa talon kung saan may daanan patungo roon.?" Nakakunot-noong tanong ni tiko.

Sumabat naman si wayom. "Ayaw namin idamay ka taga goldbath, dahil baka magkaproblima pa kami kapag nalaman ng inyong hari na may Isang batang paslit ang aming pinatahimik. Kaya hanggat may pagkakataon ka pa eh, umalis ka na" nakangiting Lahad nito.  Pero makikita sa mga mata ang kaserysuhan.

Tumingin naman si Kaizen Kay Shaira ng maramdaman niyang bumitaw ito sa pagkakakapit sa kanyang braso.

"Ta-tama sila, baka madamay at mamatay ka pa rito, umalis ka nalang Kaizen" malungkot nitong usal habang nakayuko. Aaminin Niya na nais Niya Sanang tulungan siya ni Kaizen, kaya Lang dahil sa sinabi ni wayom, ay may napagtanto siya, ano nga ba ang Panama nito sa tatlong malalakas na nilalang, imposibleng matulungan siya nito sa pagtakas, dahil kahit may kakaiba itong bilis, ay imposibling matakasan nito si Miko. sa kanilang tribo, si Miko ang pinakamabilis at pinakamaliksi.

Hindi tumugon si Kaizen sa sinabi ni Shaira, sa halip ay humarap siya sa Tatlo. "Pasensya na mga ginoo, Pero makikialam ako dahil kaibigan ko na si Shaira, hindi ko siya hahayaan mamatay dahil lang sa inyong kasakiman." Madiin niyang Saad.

The Prophecy From Lower Realm Where stories live. Discover now