kabanata 47

106 17 4
                                    

Nakarating narin sa wakas ang barkong sinasakyan nina Kaizen sa unang bayan ng magton. Ang  Pluma ang pinakasentrong bayan sa bansang magton. Kasalukuyan Silang bumababa kasabay ang ilang mga pasaherong negosyante. Ilan sa mga ito ay nagpapasalamat kina kaizen bago umalis at magtungo sa Kani-kanilang distinasyon. Tangin Pag ngiti at tango ang kanilang nagiging tugon sa mga ito.

Namamanghang pinagmamasdan ni Kaizen ang kanyang paligid. Makikita ang naglalakihang mga gusali, mga taong abala sa pamimili at pagbebenta, mayroon din siyang nakitang mga adventurer na nagtatanghal ng kani-kanilang kapangyarihan o kakayahan na nakapagbibigay kaaliwan sa mga manunuod.

"Ang saya naman dito sa kanilang bayan!" Natutuwang bulalas ni Kaizen.

Ngumiti naman si hara at tumugon. "Tama ka Kaizen napakaabala ng mga taong naninirahan dito, ito kasi ang pinakasentro ng kanilang bansa, marami ang dumarayo rito mula sa iba't ibang lugar upang makipagtransaksyon o makilahok sa mga patimpalak na pinangangasawian ng ilang makapangyarihang indibiduwal rito." Paliwanag Niya sa bata.

"Deon sa tingin mo nasaan lugar si guro ngayon? Saan natin siya pupuntahan?" Tanong ni Ella sa kanilang lider.

Bago pa man makasagot si Deon ay may nagsalita na sa kanilang likuran. "Hindi na kailangan, kahapon ko pa kayo hinihintay, bakit ngayon lang kayo nakarating?" Malumanay na Saad ni Lexington na may pagtatanong.

"Guro!" Natutuwang Sabi naman nina Kaizen, hara at xim.

"Ahm gurong Lexington nagkaroon po kasi ng aberya nung habang naglalayag ang aming barkong sinasakyan." Tugon naman ni deon rito

Napakunot noo naman si Lexington, "aberya? Bakit? Anong nangyari?" Kuryusidad na sunod-sunod na tanong niya. "Pero ipaliwanag mo nalang iyan sa akin mamaya, wag tayo dito magkwentuhan. Halina kayo, doon tayo sa bahay tuluyan mag-usap-usap." Dagdag nito ng sisimulan na Sana ni deon magpaliwanag.

Tumango nalang ang lima at sumunod sa kanilang guro. Masyadong magulo ang kanilang kinatatayuan hindi angkop upang makapag-usap sila ng masinsinan.

Habang naglalakad sila patungo sa bahay tuluyan kung saan umupa ng silid ang kanilang guro ay nalilibang naman si Kaizen sa pagtingin tingin sa paligid.

Natatawa Nalang sina Ella at hara sa iba't ibang reaksyon ng mukha ni Kaizen sa tuwing nakakakita ito ng kakaibang bagay. Naiintindihan nila na ito ang unang beses makapaglakbay ng bata, hindi tulad nila na ilang beses na Silang nakakapaglakbay sa iba't ibang lugar dahil minsan ay sinasama sila ng kani-kanilang mga magulang tuwing namamasyal ang mga ito sa ibang bayan o bansa.

Napabuntong hininga si hara. "Bata parin si kaizen, kaya hindi nakakapagtakang ganyan ang reaksyon Niya sa mga nakikita Niya sa paligid." Kuminto Niya.

Napangiti naman si Ella. "Tama ka hara, sa murang edad, namulat na siya sa tunay na estado ng buhay sa mundo, kapag mahina ka, tatapaktapakan ka ng nasa itaas, kaya naintindihan ko kung bakit kahit napakabata Niya pa ay ninais na niyang maging malakas, kung bakit ninais niyang mapabilang sa elites quads. Napakahirap ng kanyang kinamulatang angkan. Iyon ang rason kung bakit siya nagsusumikap." Lahad Niya.

Hindi lingid sa kanilang kaalaman na ang angkan redvil na pinanggalingan ni Kaizen ay Isa sa pinakamahina at pinakamahirap na angkan sa kanilang bansang goldbath. Minsan narin nakapunta si Ella sa nayon ng mga redvil, nung isinama siya ng kanyang tiyo upang makipagtransaksyon tungkol sa sandatang nais bilhin nito. Nakita Niya mismo ang kahirapan sa lugar, ang mga batang naroon ay walang sapat na nutrisyon sa katawan, kaya nung malaman niyang si Kaizen ay isang redvil ay labis siyang nagduda dahil papaanong magkakaroon ng malakas na batang adventurer ang angkan na iyon Samantalang salat ang mga ito ng kayamanan ni ang pang-araw araw na pagkain ay wala ang mga ito. Kaya malaking palaisipan sa kanya kung papaanong naging malakas si Kaizen sa napakamurang edad.

The Prophecy From Lower Realm Where stories live. Discover now