kabanata 4

86 24 0
                                    

"Sa wakas na tapos na rin,,," tuwang- tuwa niyang pinagmamasdan ang laman ng kanyang hawak na baso. Dito Niya isinalin ang ginawa niyang gamot mula sa palayok. Tinunaw lang naman Niya ang mga sangkap Pero kailangan sakto lang ang lakas ng apoy upang hindi ito sumingaw o matunaw ng lubusan. Kailangan matira ang Isang purong likido na kulay asul. Kailangan Niya nalang ito ipainum sa kanyang ama tulad sa ginawa niya sa kanyang ina. Sa ngayun matutulog na muna siya. Pasalampak siyang humiga at mayamaya lang maririnig na ang kanyang mahinang Paghilik.

Sa malalim niyang pagtulog, ay napunta ang kanyang kamalayan sa loob ng kanyang star system.
Nagtataka siya sa kanyang paligid, hindi niya maaninag ang hangganan ng kanyang kinaruruonan. Napakadilim sana kung wala lang ang batong nagliliwanag na nasa kanyang harapan. At nang tumingin siya sa taas ng nagliliwanag na bato ay nakita niya ang isang hugis tala nakulay ginto. At sa bawat dulo ng Tala ay mayroon limang dyamante na iba-iba ang kulay, Pula, asul, puti, berde, at kayumangi. Hindi Niya Alam kung para saan ang mga iyon , hindi niya alam kung ano ang sinisimbolo ng bawat Isa. May isa pa siyang napansin sa Tala na ito, ang gitna nito ay may isang  butas na pabilog, Hindi Niya naiintindihan kung bakit may butas doon o para saan. Bigla siyang nagulat ng maramdaman niyang parang may tao sa kanyang likuran. Dahan-dahan siyang humarap dito, nabigla siya sa kanyang nakita, Isang hugis bata na kasing-tangkad niya lang ang unti-unting nabubuo, wala itong mukha pero nararamdaman niyang ito'y nakatitig sa kanya.

"Sino ka?" Takang tanung Niya dito, wala siyang maramdaman panganib sa nilalang na kaharap niya kaya kampanti siyang hindi siya nito sasaktan.

"Ako ay ikaw, ikaw ay ako" tugon nito

naguluhan siya sa sagut nito. "hindi kita maiintindihan?" Nagugulumihanan tanung niya.

Hindi siya pinansin ng batang walang mukha sa halip ay nagsimula itong magpaliwanag. "Ang lugar na ito ay ang ating star system. Iba ang ating star system kaysa sa star system ng ibang pangkaraniwan adventurer."

"Paanong kakaiba?" Sumilay ang Kanyang kuryusidad, hindi niya mawari kung paanong naging iba ang kanyang star system kaysa sa pangkaraniwan adventurer. Di siya sinagot nito, sa halip ay patuloy lang ito nagsasalita, kaya nakinig nalang siya.

"Darating ang panahon, ang bawat bato na iyong nakikita sa talang iyan ay magliliwanag. Malaki ang maitutulong nito sa atin kapag tuluyan na iyang mabuhay."

"Ang butas na nasa gitna ng star system ay ang walang hangang imbakan. Dito mapupunta ang mga enerhiya sa tuwing lilinangin mo ang iyung kakayahan para sa pagpapataas ng ranggo. kinakailangan mo nang tripling pagsipsip ng enerhiya mula sa natural na kayaman ng mundo, kayamanan gawa ng tao o kayamanan mula sa mga halimaw. Dahil sa walang hangganan ang iyong imbakan, hinding hindi ka basta basta mauubusan ng enerhiya sa tuwing ikaw ay lalaban. Alam mo bang napakaswerte natin," Tinuro nito ang bato,, "dahil sa batong ito Maaari itong maging alternatibo  sa pagsuplay ng enerhiya sa iyo sa tuwing ikaw ay mauubusan ng enerhiya mula sa iyong star system. Halika, lumapit ka sa bato at iyong hawakan." Utos nito sa kanya. Nagtataka man ay sumunod nalang siya sa pinagagawa nito. Ng hawakan Niya ang nagliliwanag na bato ay bigla nalang may lumabas na pintuan. Nagtataka siyang tumingin sa bata.

"Ako ma'y nagtataka kung anung meron sa pintuang iyan. Kaya ikaw ay pinapunta ko dito upang sabay natin buksan at alamin kung anung meron sa likod ng pintuan iyan." Pahayag nito. Tumango nalang siya, sabay Silang humawak sa siradura ng pintuan at sabay nilang binuksan. Tulala Siyang nakatitig sa parang walang hangang kadiliman. Lumingon siya sa kanyang kasama. "Susubukan ba natin pumasok?" May pag-aalangan niyan tanong rito.

"Wala namang mawawala Kung susubukan natin pumasok". Suhesyon nito.

Kinakabahan siya, napalunok nalang siya ng laway at unti-unti na siyang pumasok, napapikit pa siya dahil biglang may nakakasilaw na liwanag. Nang unti unti na niyang dinilat ang kanyang mga mata ay di matatawarang gulat ang makikita sa kanyang mukha. Ang nasa harapan niya ngayun ay parang isang paraiso. Pero bakit parang  pamilyar siya sa lugar na kanyang nakikita.biglang may sumagi sa kanyang isip.
Tama, bigla na niyang natatandaan. Ito ang kaharian ni haring Amer. At ito ang dati niyang mundo. Pero diba nawasak na ito ng mga dyablo? Takang tanung niya sa sarili.

The Prophecy From Lower Realm Where stories live. Discover now