Chapter 21: Care (christmas special)

5 0 0
                                    

[Jean's POV]

Sawakas, natapos nadin ang meeting!

Halos ako lang ata nakinig sa one hour na pagsasalita ni ma'am. Ako nalang din umatend sa sarili kong meeting kasi kailangan pala ng attendance ng parents. Nakiusap naman na 'ko sa adviser ko about kay mama, sinabi ko na hindi siya makakapunta kasi nga nasa hospital pa 'yung kapatid ko.

Marami ng mga tao na naglalabasan. Specially 'yung mga parents. Kaniya-kaniya na sila ng uwian.

Marahan akong tumayo sa kinauupuan ko 'tsaka nahagip ng mata ko 'yung papa ni Jdee.

Magkamukha talaga sila ni Jdee. Kaso feel ko hindi talaga sila same ng ugali.

Naririnig ko pa ngang nagbabangayan 'yung mag-ama.

"Andami mo ng record sa office. 'Yung totoo, aral ba talaga pinunta mo dito?"

"Hayaan mo nalang 'Pa, record lang naman 'yan!"

At hindi sila tumigil kahit na nasa harap na 'ko ng pintuan. Hindi ko nga alam kung uuwi ba 'ko o ano. Wala narin namang class kasi tapos na 'yung meeting. Kaya gustong guto ko 'yung meeting day e, walang mag le-lesson!

"Tabi!" Natigil ako sa pag-iisip ng bigla akong sinagi ni Jdee.

"Aray ko naman!" Sinalubong ko 'yung kunot noo niyang kilay.

"Nakaharang ka nanaman! Kasama na ba sa lifestyle mo 'yung mag overthink sa harap ng pintuan?" gatong pa niya.

Ay sori. Malay ko ba na nasa harap pa pala ako ng pintuan!

"Jdee! Aya'n ka nanaman! Stop bullying her!" At biglang sumingit sa usapan 'yung papa ni Jdee.

"Bully na ba 'yon? Ang OA niyo." 'Tsaka iritableng umalis si Jdee kahit pa nasa harap niya 'yung papa niya.

"Hays, talagang bata na 'yon oh," rinig kong bulong ng papa ni Jdee 'tsaka napasinghap pa ng hangin.

"H-hi po ulit," bati ko 'tsaka kumaway.

Infernes, matangkad din medyo itong papa ni Jdee.

"Ay, hija. Sorry talaga sa attitude ni Jdee. Madalas ka bang i bully no'n? Feel free to speak to me, kokotongan ko 'yon," tawa pa niya. "Just kidding."

"Um, ano nga po ulit pangalan niyo?" tanong ko. "Hindi niyo pa po kasi nasabi sa'kin kanina. Wala po akong idea about sainyo, maliban nalang sa alam kong papa kayo ni Jdee."

Marahan siyang ngumisi.

"I'm Ford. Since 'tito' naman na tinawag mo sa'kin kanina, you can stick to that," sabi niya.

"S-sige po," sagot ko.

"Um, tito, okay lang po if magtatanong ako? Hindi po ba kayo nagmamadali?" pag-iiba ko.

Kating kati na 'ko i chika if kilala ba niya si mama, if classmates sila dati o baka naman nagkataon lang na parehas sila ng kwento na nasabi sa'kin?

"Hmm, about what?" saad niya na para bang handa siyang maghintay sa itatanong ko.

"Kilala niyo po si—"

"Hoy, 'Pa! Antagal mo!" sigaw ba naman ni Jdee.

May kasama na siya ngayong babae na parang. . . mommy niya? Yayamanin ang suotan ha. Naka white fit dress siya ngayon habang may shades na nakasabit sa ulo niya. Kabog din 'yung heels niya. Pero bakit hindi nalang siya umatend sa meeting since naka OOTD naman na siya?

"Honey, why you took so long?" bungad ba naman niya atsaka napatigil ng mapansin ako.

"Who is she?" tanong nito 'tsaka napatingin kay Jdee.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 25, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Between HerWhere stories live. Discover now