Chapter 2: The Scholar Girl

9 1 0
                                    

[Jean's POV]

"Tapos kung may kailangan kayo, huwag kayong mahihiyang magsabi sa'kin ha?"

Tumango ako.

"Kapag nang-gulo 'yung mga classmates mo sa'yo, tell me agad para maparusahan ko,"

Tumango nanaman ako.

"Lastly, mag iingat ka, Jean, that section is worst than hell. Kung gusto mong makatapos ng isang semester kailangan mong maging matatag."

Napatango-tango nalang ako.
Amboring kasi.

Si tita Emily yung kausap ko ngayon. Shes's teaching in this school kaya naman may kakampi ako. Kapatid sya ni mama kaya ganito nalang sya kung mag-alala sa'kin.

"Also, tatlo kayong transfer student, may isang lalaki na late ng nag enroll, kaya naman we've decided to put him in Scholar," dag-dag pa ni tita.

"Thanks, tita," paalam ko.

Sumabay narin ako kay Renzo na nauunang maglakad.

"Psst, huy! Hintay!" sigaw ko habang humahabol kay Renzo sa hallway.

"Excited na'ko sa section natin," bulong ni Renzo na nakapamulsa pa.

"Ako hindi," may diin kong sabi.

Lalo na kapag naaalala ko yung mukha ng lalaki noong nakaraan sa room.

That guy. Nakakainis siya. Halata namang hindi kami magkakasundo.

"Ugh! Bakit ba ang kalat dito?" inis kong sabi ng makitang ang kalat nanaman sa harap ng room namin.

Parang binagyo 'yung corridor.

"Uyy! Anjan na yung transferee!" naririnig kong sigaw ng isang lalaki na nakasilip sa bintana. Dumungaw ako sa pinto at nakikita ko namang antahimik nilang naka-upo sa silya.

Para silang patay malisya lalo na ng naunang pumasok si Renzo.

"Psst, Renzo! Wait lang!" pagpigil ko pero huli na ng lapitan siya ng mga kalalakihan.

Ay shocks!

Wait.

Parang may mali!

Ba't lahat sila lalaki!?

"Hey!" May biglang umugong sa tenga ko na sana hindi ko nalang narinig. 'Yung lalaking masungit nanaman ang nagsalita. Lumapit siya sa pinto at tinitigan ako ng masama.

At syempre, tinitigan ko din siya ng masama.

"You're not welcome," sabi pa niya.

"Sino ba may sabing papasok ako sa bulok niyong room?" banat ko naman.

Tinarayan ko pa siya pero seryoso siyang tumingin sa'kin.

"Get out."
"Neknek mo, tabi!"

Sa pilitan kong pinagkakasya yung sarili ko papasok sa loob pero hinaharangan niya ako.

"Sabi mo ayaw mo pumasok?"

"Nagbago isip ko! Tabi d'yan!"

Tinulak ko siya pero ayaw magpatinag ang loko.

Hindi ko namalayan na kakatulak ko sa kaniya ay umamba din sya ng tulak sa'kin pero himalang hindi ako natumba.

"It's you again," sabi ba naman ng lalaking sumalo sa likod ko.

"At sino ka naman?" tanong ni impakto.

"I'm a transferee, dito ba yung Scholar?" tanong ni cute guy.

N-natatandaan ko siya!

Siya 'yung nasa mall kahapon. What a coincidence, charot. Baka tadhana na'to ha.

Between HerWhere stories live. Discover now