Chapter 15: Ghost

7 0 0
                                    

[Jean's POV]

Nawala naman na 'yung ulan kahapon. Mabuti nalang at mukhang okay na 'yung weather kasi nakauwi naman ako ng matiwasay. Hindi rin ako pinagalitan ni mama kahit ginabi na'ko ng uwi.

Kaso kanina pa'ko kating-kati na nag-aantay sa mga impakto dito sa maduming bodega. Ewan ko din bakit pa 'ko nagpa-uto at tumuloy pa sa ka-abnormalan nila.

Ilang minuto pa at wala parin akong nakikitang nga classmates ko. Kainis naman!

Alas kwatro na ng hapon oh!

Binuksan ko 'yung cellphone ko at tinignan 'yung bagong GC na ginawa pa mismo ni Sid.

MGA TAO

Sid: Asa'n na kayo? Nasa bahay pa 'ko, kumakain.

Jean: Mga bwisit kayo, dalian nyo! Mamamatay na 'ko kaka-antay!

Sid: Wow, ang aga mo naman, Jean?

Benjie: Excited.

Jdee: Asa'n pala lakad nyo?

Amay: Mag ghost hunt pre, sama ka?

Jdee: 'Di na.

Jdee left the group.

Luh, anyare do'n?

Jean: Ba't nag leave 'yon?

Primo: Ayaw kasi nyang maistorbo, maingay daw cellphone niya kapag maraming notification.

Jean: Edi sana nag mute nalang siya. Btw, asa'n na ba kayo? Wala akong kasama kahit isa.

Marlon: Coming.

Kyzer: Coming in 23 minutes and 33 seconds.

Jean: Gusto mo mamatay, Kyzer?

Kiro: Pass muna ako guys, sorry.

Hala, hindi siya pupunta? S'ya pa naman 'yung dahilan ba't ako sasama. Ano ba 'yan!

Jean: Wag nalang kaya nating ituloy 'to.

Ibinaba ko 'yung cellphone ko at malalim na huminga. Para narin akong shunga dito kaka-antay. Saksi 'yung mga lamok at langaw kung gaano ako katagal dito.

Tinignan ko ulit 'yung phone ko.

5:00 PM

Himala na pinayagan ako ni mama. Dinahilan ko kasi na may project kami ni Renzo.

Ay tama! Si Renzo! Sasama kaya siya?

MGA TAO

Jean: @Renzo sasama ka?

Marlon: Nasaan ka, Jean?

Jean: Dito malapit sa harap ng parking ng bodega.

Renzo: Next week na 'ko papasok. Wala rin akong time sumama, Jean. Sorry.

Marlon: Nakita na kita, Jean.

Ibinaba ko 'yung cellphone ko at luminga kaliwa't kanan. Napangiti nalang ako ng makitang may kasama na 'ko. May nakikita akong figure ng lakaki medyo malayo sa'kin.

"Marlon," pagtawag ko pero hindi ako pinansin ng lalaki.

Wait. Si Marlon na 'to 'diba? Naka black pants siya tapos naka brown t-shirt? Nakatalikod nga lang siya.

Between HerWhere stories live. Discover now