Chapter 10: Tempo

4 1 0
                                    

[Jean's POV]

Isang bucket ng chicken tapos napakaraming sundaes. Dagdagan mo pa pala ng family pan na spaghetti at tatlong box ng hawaiian pizza!

Hindi pa nakuntento ang mga impakto at bumili pa ng kanin sa canteen.

"Grabe naman kayo!" sigaw ko ng makitang andaming pagkain. Daig pa namin 'yung nag birthday 'tsaka fiesta.

"Asa'n nyo 'to nabili?!" dagdag ko.

Imposible kasi na sa canteen lang sila bumili. Hindi naman sila tumatanggap ng card do'n.

"Sa JOLLIBEE!!" sagot ba naman ni Sid.

Naghiyawan sila at para bang nag unboxing pa sa harapan ko.

Ang gulo! Para akong nasa birthday-han.

"Yey, kainan na!"
"Akin 'yung manok!"
"Sabi ko kasi pepperoni nalang eh!"
"Ba't parang tunaw 'yung sundae nila?"

Hindi na sana ako gagalaw kaso hinatak ako ni Renzo papunta sa kanila.

"Nakakahiya naman kasi, pera mo 'to tapos hindi ka kakain d'yan," sabi ni Renzo sabay hawak sa batok. Nagsimula narin siyang kumain.

"Sige na nga, kumain na tayo!" sigaw ko.

Sa section na 'to kailangan mo talagang sumigaw dahil sa ingay at andami namin. Kaya naman masisira talaga eardrums mo dito kasi halos sigawan lang ang ganap.

Naghiyawan nanaman sila tapos nagsimula ng kumain.

'Yung iba nag c-cellphone. 'Yung iba naman nakatutok sa pagkain, takot siguro maagawan. Antatakaw kasi ng mga peste.

Pansin ko lang din na ansaya pala ng ganito. Para ko narin silang mga kuya. Tapos ako 'yung bunso.
Matagal ko na kasing pangarap na magkaroon ng kuya o 'di kaya'y sana naging bunso nalang ako.

Kaso naging panganay pa nga.

Kung nagkataon kasi na may kuya ako, gusto ko 'yung protective sya sa'kin. Lagi nalang kasi akong napupunta sa gulo. Pero napapaisip din ako na baka magsapakan lang kami kapag sakaling nag-away kami.

Habang kumakain ay hindi ko inaalis ang tingin sa iba.

Ang totoo, hindi ko pa talaga sila kilala. Ni-hindi ko nga alam 'yung pangalan ng iba. Mas maganda narin ata 'tong time na 'to para magtanong.

"Mga classmates," pagtawag ko.

Classmates talaga? Para tuloy akong kinder kung magsalita.

Nakita ko namang lumingon sila agad sa'kin. 'Yung iba nga ay may laman pa 'yung bibig.

"Bakit, Jean? Manlilibre ka ulit?" sabat ni Benjie na halos dala-dala na 'yung isang bucket ng manok.

"Hindi ah! Baliw talaga 'to!"
"Eh, ano?"

"Ano kasi. . ." nakakahiya naman.

"Hindi ko pa kasi kilala 'yung iba," dagdag ko na sinabayan nila ng tawanan.

"Ah, 'yon lang ba?"
"Ako si Jenrick,"
"Castor nga pala!"
"Magpinsan kami netong si Azales,"
"Ako nga pala si Sid— ay kilala mo na pala ako 'no?"
"I'm Marlon!"

Mga abnormal! Ginawa ba naman akong computer! Mukha bang maiintindihan ko 'tong mga 'to? Hays, 'wag na nga lang. "Okay na, sa susunod nalang ako magtatanong, gugulo niyo!"

Pagkatapos no'n ay may mga lumabas para mag CR. 'Yung iba naman ay parang inaantok na kasi nakadapa o 'di kaya'y nakasandal na sila sa pader.

Mga 'to! Anong akala nila sa'kin, ako magliligpit ng pinagkainan nila?

Between HerWhere stories live. Discover now