Chapter 13: President

3 0 0
                                    

[Jean's POV]

Papasok. Uuwi. Papasok nanaman tapos uuwi. Papasok—

Ugh! Kainis!

Buong linggo atang gano'n ang ganap sa campus namin.

'Yung tipong kakapasok ko pa lang eh, gusto ko ng umuwi agad. O kung hindi naman inaantay ko lang matapos 'yung lectures or inaantay ko lang 'yung bell para makapag recess na kami.

"Psst, Jean!" Naririnig kong may tumawag sa'kin kaya naman walang gana akong humarap. Natigil tuloy 'yung pagmumuni-muni ko.

Si Sid lang pala.

"Oh bakit?" walang gana kong sagot.

Nakita kobg napanguso siya sabay turo do'n sa pintuan ng room.

Ano nanaman kayang trip ng batang 'to?

Humarap nalang ako sa pinto pero halos tumaas ang dugo ko ng makita si Kiro!
Buhay siya! I mean, pumasok siya! Sawakas, may kakampi nanaman ako dito.

"Good afternoon ma'am, I'm sorry I'm late," bungad ni Kiro. May dala syang black na payong kahit makulimlim palang sa labas.

Nakita kong tumango lang si ma'am tapos bumalik na sa pagsusulat sa board.

Kumaway ako kay Kiro kaso hindi naman niya ako pinapansin.

Luh, anong nangyari do'n?

"So that's it for today." Napangisi ako sa sinabi ni ma'am. Ba't parang ambilis lang ng lectures niya? Ni-walang test or assessment man lang?

Nakakapagtaka.

"I will give you a time to nominate your wanted officers in this class. Since, kayo nalang ang walang president sa buong section I will gave you a time para makapag usap at magbotohan." Nakita kong dahan-dahang kinuha ni ma'am 'yung bag niya at marahang lumabas.

Ah, wala pa pala kaming officers 'no? Ngayon ko lang kasi napansin. Busy kasi ako no'ng nakaraang araw. Bwesit kasi si Kyzer.

"So guys, sinong gustong mag vote sa'kin?"
"Uy pre, secretary tayo!"
"Ako na sa treasurer."
"Pwede ako nalang 'yung halaman sa gilid?"

Nagsisimula nanamang tumahol ang mga impakto kong classmates.

Nakikita ko pa ngang nakikisali pa si Sid sa hiyawan ng iba.

Kaya naman. . . minabuti kong lumapit kay Kiro na kanina pa naka silent mode.

"Kiro," pagtawag ko.

Sinubukan kong ngimiti pero tumingin lang siya sa'kin at tipid na kumaway.

"Uy, galit ka ba? Iniiwasan mo ba ako?" deretsahan kong tanong.

"H-huh? H-hindi! Masakit kasi lalamunan ko. Paos ako," sagot niya.

Well, halata namang paos siya. Pero bakit siya napaos?

"Dahil sa concert. Mas pinili ko nalang manood ng live concert kaysa pumasok sa school." Wow, ang strong naman niya sa part na 'yon.

Samantalang ako gusto ko ng ilibing 'yung sarili ko sa lupa.

"Ba't 'di mo 'ko sinama!" bulalas ko na ikinatawa niya.

"Maybe, next time. I can treat you if you want." Ay sh*ta! Basta libre go na ako d'yan!

"Hoy babaita. Puro ka landi, mag vote ka na." Kusang gumalaw 'yung katawan ko at mabilis na tinignan ang lakaking nagsalita no'n.

"Inggit ka, Jdee?" Nagulat ako ng biglang naghiyawan 'yung mga impakto.

"Bakit naman ako maiinggit? Alam ko kayang crush mo—" hindi na natapos ni Jdee ang sasabihin dahil sa mabilis syang sinunggaban ni Kyzer.

Between HerWhere stories live. Discover now