Chapter 20: Batch

7 0 0
                                    

[Jean's POV]

Akala ko malala 'tong lagnat ko.

Pero mas malala pa pala 'yung malaman mong si Primo 'yung naaksidente na ngayon e chinichismis ng ibang nurse dito sa clinic.

"Si Linares? 'Yung matalino na bata sa Scholar?" rinig kong chika ng isa.

"Oo, kawawa nga eh," sagot naman ng isa.

"Oh e, nasaan na siya ngayon?" tanong pa ulit ng isa.

"Nasa hospital malamang, iniisip ko nga kung buhay pa 'yung batang 'yon."

Marahan akong tumikhim sa harap nila.

Ginagawa nila akong design dito ah.

"N-nand'yan ka pala, Ms. Jimenez, 'eto, biogesic, inumin mo lang 'yan," sabi ba naman ng isa sabay bigay sa'kin ng biogesic.

Wow. Biogesic lang pala katapat ng lagnat ko?

Nilagyan narin nila ng band-aid 'yung sugat sa siko ko.

Medyo mahapdi lang no'ng nilagyan nila ng alcohol.

"S-salamat," tipid kong sabi tapos lumabas na ng clinic.

Sabi ko kasi kay Kyzer 'wag na 'ko dalhin dito sa clinic. Pero ayaw magpaawat ng impakto.

Sinama pa 'yung iba.

"Oh, ano? Okay ka na?" bungad ba naman ni Jdee na kanina pa nag-aantay sa labas ng pinto.

"'Eto, binigyan lang ako ng biogesic," tipid kong sabi sabay taray.

"Inumin mo na 'yan para hindi na lumala 'yang lagnat mo," singit ni Kiro.

Sina Kyzer, Kiro at Jdee lang 'yung nandito, 'yung iba kasing mga Scholars, lalo na si Sid, sumama sa ambulansya, dadamayan daw nila si Primo pero kanina anlakas makipag bardagulan.

"Magaling na 'ko, puntahan na natin si Primo!" bulalas ko na ikinawalang kibo nila.

"'Yaan mo na 'yong h*yop na 'yon," sabat ni Jdee.

"Kami nalang 'yung dadalaw sa kaniya. Rest first," si Kyzer naman 'yung nagsalita.

"P-pero—"

"Ihahatid na kita sainyo," biglang sabi ni Kiro na ikinatigil ko.

"Ako na," sabat naman ni Kyzer.

"Alam ko kung saan bahay nila, ako na maghahatid," pilit ni Kiro.

"Where's your address?" Gulat naman akong tumingin kay Kyzer na ngayon e seryosong nakatingin sa'kin.

"Ba'la nga kayo d'yan." Napatingin naman kami kay Jdee na walang pake na umalis sa harapan namin.

"Tara na, Jean." Bumalik nanaman sa pagsasalita si Kiro.

"Ako na nga sabi!" pagpupumilit namam ni Kyzer.

"Tumigil nga kayo! Away nanaman 'yang ginagawa niyo eh!" sigaw ko at pumagitna sa kanilang dalawa.

"Si Kiro na maghahatid sa'kin, tapos ikaw impakto—" Nakita kong tumaas 'yung kilay ni Kyzer.

"Este, Kyzer, ikaw na pumunta kay Primo. Update mo 'ko ha!?" bulalas ko na matamlay niyang ikinatango.

"Fine, una na 'ko," pagpapaalam pa ni Kyzer.

Tumamlay naman ata 'yon? Dahil ba hindi ko siya kinampihan?

OA naman kung gano'n.

"Tara na? Tatawagan ko muna 'yung driver ko," sabi ni Kiro sabay kuha sa cellphone niya.

"Tawagan ko lang din si mama," pagpapa-alam ko 'tsaka lumayo ng ilang distansya sa kaniya.

Ring. . .

Ay wow, kusang tumawag si mama.

Between HerWhere stories live. Discover now