Chapter 6: Clinic

5 1 0
                                    

[Jean's POV]

Tapos na ang letseng reporting, ano naman kaya ang sunod?

"Tapos 'eto pa 'te, isa din neto, tapos ito! Masarap 'to ah! Idagdag mo 'to, 'te!" Halos sumakit ang ulo ko sa batang 'to.

Akala naman nya ATM 'yung dala ko eh.

Andaming inorder aanhin nya ba lahat 'yon? Nag promise pa kasi ako na ililibre ko siya, na sana pala hindi ko nalang ginawa.

Yari ako kay mama neto kung nagkataon.

"Okay na 'yan, 'te! Tama na," pagpigil ko sa kanila. Andami pa namang pumipila oh.

"Pero, Jean!"
"Hindi ako tumatae ng pera, Sid, tigil-tigilan mo 'ko."

Hindi naman na siya umangal at parehas na kaming bumalik sa room.

Kung hindi lang cute 'tong batang 'to wala naman akong balak na ilibre sya eh.

Kakain na sana kami kaso bigla ba naman kaming pinalibutan ng mga classmates namin. Kung makatingin eh parang hindi sila pinapakain sa kanila. Mga patay gutom!

Pero infernes, mabait din 'tong si Sid. Binigyan nya kasi 'yung iba. Kaya pala andami niyang inorder.

"Pwede ka na sa langit n'yan," biro ko sabay tawa.

"Ambaba ng score natin sa reporting, kainis!" pag-iiba ni Sid.

"Kasalanan ng impak— I mean kasalanan ni Kyzer. Abnormal kasi, gano'n ba talaga 'yan sya?"
"Minsan, sometimes,"
"Isa ka ring abnormal eh,"

Nagpatuloy nalang ako sa pagkain hanggang sa matapos kami.
Hinayaan ko nalang si Sid na lumabas kasama si Kiro.
Hindi ko nga alam anong gagawin ng dalawa.

P.E na pala ang next sub namin. Kakatapos lang ng reporting ganito nanaman? Mabuti nalang at nasabihan ako ng schedule kaya naman nakapag-dala ako ng damit pang sports.

Narinig ko din na batuhan ng bola ang gagawin namin. For agility and reaction time test daw. Aanhin ko 'yon pag nag college ako? Joke, aarte pa ba ako eh naka suot na'ko ng sports attire.

Pumunta na kami sa gymnasium ng university at nag start si sir sa pagsipol ng whistle nya. Ang totoo wala pang ilang minuto ay umalis din sya at iniwan kami. Pansin ko na gano'n lang ang setting palagi. Tamad ba sila magturo pag scholars?

Kaya itong mga impkato na 'to ay dumapa sa gym at nag cellphone. Ang gagaling!
Mga tamad din pala 'tong mga 'to sa sports eh.

Kaya naman nakisali ako. Pero hindi ako dumapa ah! Umupo lang ako sa gilid at nag cellphone nalang din.

Hindi ko rin naman nakita sina Sid 'tsaka Kiro kaya minabuti ko munang mapag-isa.
Kaso may titigil talaga sa kasiyahan ko eh 'no?

May umagaw ba naman sa cellphone ko!

"Hoy, akin na 'yan!" sigaw ko sa isang lalaking parang kapre. Napapansin ko sya sa room kasi nga dahil sa height nya. Nasa 6'1 siguro sya. Ewan. Basta antaas nya.

"Pa open ako! Kahit sandali lang!" angal pa nya. Ang kapal din eh. Akala mo sa kaniya 'yung gamit.

"Dalian mo ha!? Pag tayo nahuli ni sir sasakalin talaga kita!"
"Kala mo naman abot mo 'ko."

Patagal ng patagal naiinsulto na 'ko sa section na 'to. Nakaka highblood kasama 'yung mga lalaki. Para silang walang pakialam sa mundo, wala silang pake na may babae silang kasama.

Ni hindi nga sila marunong makisama.

"Oh 'eto na, salamat!" Nakakatakot talaga boses ng kapreng 'to. Mas deep pa boses nya kesa sa lolo ko.

Between HerWhere stories live. Discover now