Chapter 16: Show off

3 0 0
                                    

[Sid's POV]

Natatakot ako. Hindi parin bumabalik si Jean. Kanina pa 'yon siya eh, pero bakit hanggang ngayon wala pa?

"Primo!" Napatingin ako sa taong nagsalita. Si Marlon lang pala, kasama na niya sila Kyzer at iba pa.

Napangiti ako ng makitang kumpleto na kami. Except kay Jean, asa'n na ba kasi 'yon? Nag aalala na 'ko. Lagi nalang kasing nasa gulo 'yong babaeng 'yon. Ewan ko ba sa'n siya pinaglihi.

"Where's Jean?" tanong ni Kyzer ng mapansing walang babae sa'min.

"Tumakbo siya kanina do'n, tara puntahan natin!" sabi pa ni Primo.

Mabilis kaming naglakad at sumunod sa kaniya. Hinding-hindi na talaga ako babalik sa bodegang 'to kahit kailan!

"Si Jean oh!" sigaw ng isa sa'min.

Naningkit tuloy ang mata ko at napanganga ng makitang nakahandusay si Jean at. . . Sarah? Anong ginagawa ng isang Outclass dito? Atsaka anong nangyari?!

"Guys, anong gagawin natin!?" sigaw ni Benjie.

"Ba't nandito 'tong si Sarah? Nahulog ba sila?" sabi ni Marlon.

"Oh baka naman nag away sila tapos nahulog?" Natigil sila sa pag-galaw at bahagyang napatingin sa'kin.

"Tamang hinala ka rin eh 'no?" pagbasag ni Jenrick sa katahimikan.

"What if 'yon nga ang dahilan?" singit naman ni Kyzer.

"Ano pang inaantay niyo, dalhin na natin sila sa hospital!" sigaw ko na agad naman nilang sinunod.

"Marlon, ihanda mo 'yong kotse! Pupunta tayo sa hospital ng dad ko," alalang sabi ni Kyzer na pawang nakatingin kay Jean at nag-aalala.

***

"Anong nangyari sa kanila?" tanong ng nurse na nakasalubong namin.

"N-nahulog po sila sa hagdan," tanging naisagot ko habang dinadala ng ilang nurse sa stretcher sila Jean.

"May mga guardians ba kayo? Please, contact them. Kailangan ko silang makausap, mga minor pa kayo—"

"Isa sa mga doktor dito ang dad ko," singit naman ni Kyzer.

"I remember you, pero gusto ko ring makausap ang mga magulang ng dalawang bata na nahulog sa hagdan."

Ba't andaming alam, hindi ba pwedeng gamutin nalang nila agad sila Jean? Malalagot nanaman ako sa mama ko nito kung sakaling malaman niya.

"Doc, ano po'ng lagay nya?" Napatingin ako sa isang babae na hindi naman katandaan. Nandoon sila sa gilid kaya madali ko lang napansin. May katabi syang batang babae na umiiyak din.

"Sa ngayon kailangan pa nyang magpahinga, babalitaan ko nalang po kayo," sagot ng doctor sa babae.

"Jusko, ano ba naman ito. Hindi pa ma-contact 'yung ate mo, asa'n nanaman kaya 'yon?" alalang sambit ng babae habang hindi mapakali sa cellphone nyang dala.

Inalis ko nalang ang atensyon sa kanila at marahang napahinga.

Hays, Sid masyado ka ng maraming nalalaman. Focus ka muna sa nangyari kay Jean. Baka kami pa na mga scholars ang maambunan ng sermon sa mga magulang nila. Lalo na sa parents ni Sarah.

Ilang sandali pang pag-aantay ng biglang bumukas 'yung pintuan ng hospital at iniluwa no'n ang ilan sa mga parents ng mga classmates namin. 'Yung iba nagalit, meron namang nag alala at 'yung iba ay umuwi na.

Pero ako, hindi ako uuwi. Hihintayin kong magising si Jean.

"Uy, andito pala kayo! Asa'n si Jean?" Nagulat kami ng biglang bumungad si Renzo na naka-pambahay at may dalang pagkain.

Between HerWhere stories live. Discover now