Chapter 18: Spy

4 0 0
                                    

[Jean's POV]

"Ah, so bakit ka pala naka wheelchair?"

Natigilan si Noah ng gisingin ko 'yung topic na 'yon.

"Ay mali, sorry, sorry!" bulalas ko. "Ibig kong sabihin, anong pakiramdam ng nasa wheelchair?"

"Syempre malungkot kasi lagi ka lang naka-upo."

Ngumiti nalang si Noah habang sumusubo ng spaghetti.

Nasa cafeteria pala kami ngayon. Taray 'no? Nilibre lang naman ako netong lalaking 'to. Which is napaka bless ko kasi feel ko first and last libre ko na 'to sa kaniya.

"Jean, masaya ba do'n sa section mo? Sa section Scholars?" Out of the blue naitanong niya 'yon.

"Masaya naman sila kasama," sagot ko habang inaalala 'yung mga away na ganap namin. Naalala ko pa nga 'yung umuulan tapos nagpapatugtog kami ng music.

"Hindi ka man lang ba nila sinasaktan?" usisa pa niya.

"Bakit mo naman natanong? Mukha ba silang mamamatay tao?" natatawa kong sabi. "Mukha lang silang mga impakto pero once na makilala mo sila  parang nagiging memorable 'yung school year mo dito."

"But they'd once bully you," singit niya.

Atsaka ako napakunot-noo.

"Ano palang point mo?" tanong ko.

Medyo sumeseryoso na 'yung usapan ah.

"I hate to say this pero you really need to stay away from those fighting sh*t." Medyo nagulat ako ng marinig siyang mag-mura.

"No offense, pero sa bawat gulo kasi na pinapasukan mo, mas pinapatunayan mo lang na mahina ka. Because it all means that you can't even control yourself."

Bwisit nasermonan pa nga.

Pero may point siya.

Napanguso tuloy ako habang nakatingin sa mukha niya.

"Iniisip mo bang war freak ako?" Akala ko seryoso padin siya pero nagulat ako kasi bigla siyang tumawa.

"Sorry, sorry, nagmumukha tuloy akong tatay na nanenermon," tawa niya.

Parehas nalang kaming natawa.

"Seriously, Jean. I've once defended you to my mom no'ng naka encounter mo siya 'diba? And for some reason hindi na kita magagawang ipagtanggol sa kaniya once na maulit 'yon," singit niya. "Kaya please 'wag ka ng mag-paka war freak."

Marahan akong natawa.

"Pramis hindi na!" bulalas ko sabay taas ng kanang kamay.

Babalik na sana ulit kami sa pagkain ng biglang tumunog 'yung alarm ng phone ko.

3:00 na pala ng hapon.

Ilang sandali nalang papasok nanaman ako sa next subject ko.

Pero nagsabi kasi si Kyzer sa sulat na magkita kami after lunch.

What if puntahan ko na?

"Bakit Jean? May problema?" Nahalata ata ni Noah na may iniisip ako.

"Um. . . ano kasi, may kailangan lang akong puntahan. Thank you sa palibreng lunch! Na appreciate ko 'yung sermon mo," pagpapa-alam ko sa kaniya.

"Sa uulitin!" sigaw ko sabay takbo papalayo sa kaniya.

Hindi ko na hinintay 'yung reaction niya basta kusang dumeretso 'yung katawan ko papunta sa gate.

Nang makarating na'ko sa gate e nakikita kong nakatayo do'n si Kyzer. Nakapamulsa pa ang impakto. Mukhang kanina pa niya ako inaantay.

"Psst! Kyzer!" sigaw ko sabay lapit sa kaniya.

Between HerWhere stories live. Discover now