Chapter 11: Fight

5 1 0
                                    

[Jean's POV]

Marahan kong inangat 'yung ulo ko.

Mukhang wala na ang impakto ah. Tumahimik na kasi 'yung paligid.

Marahan akong tumayo. Ang totoo niyan, na b-bwesit pa talaga ako ngayon. Kaso mas mabuti sigurong ilayo ko muna sarili ko dito.

Ang pagkaka-alam ko kasi may away na ganap sa ibaba. So makiki chismis nalang ako.

Dahan-dahan akong sumilip sa may pinto at marahang tumingin sa labas. Nasa corridor ang mga classmates ko at halatang busy sa pakiki-chismis.

May mga nag cheer pa.

"Mga abnormal talaga," bulong ko.

"Sige go!"
"Go fight and win!"
"Talo na 'yan! Sapakin mo sa mukha!"
"Kung ako sa'yo paduguin mo 'yung bunganga!"

Hindi ata nila napansin na nakalabas na'ko ng room at nakababa na sa hagdan.

Feel ko ambilis ko talaga kumilos kapag chismis at away ang usapan.

Nakababa na ako ng second floor at kunot-noong tumtingin sa away ng mga lalaki.

May mga basag-ulo din pala maliban sa scholars? Teka. Ano kayang section 'tong nakikipag-away?

Inilibot ko ang mata ko at nakakaloka! May mga teachers naman pala sa gilid pero bakit wala silang ginagawa? Dahil nanaman ba 'to sa Outclass?

Imposible ring mga Meridian 'to? O baka naman. . .

Mga Base!

Mabilis kong hinanap si Zyra at sh*ta nakikipag-away din ang bruha! Kaya pala ang gaan ng loob ko sa kaniya, parehas din pala kami ng attitude eh.

"Zyra!" Lumapit ako sa kaniya pero nagulat ako ng bigla syang tinulak ng kaaway nyang lalaki.

Agad akong lumapit kay Zyra para alalayan sya. Kapal naman ng mukha ng lalaking 'to para manakit ng babae!

"Nakikisali kasi!" sigaw ng lalaki kay Zyra. Dinuro pa si Zyra kaya mas na b-bwesit ako.

"Inaawat ko lang kayo! Another record nanaman 'to sa section natin!" sagot naman ni Zyra habang inalalayan ko syang tumayo.

"Umalis ka na nga lang na b-bwesit ako sa mukha mo!" duro pa ng lalaki.

"Ikaw ang umalis!" Hindi ko napigilang makisali.

Lagot na. Hindi ka kasi nag-iisip, Jean!

"Anong sabi mo?! Sino ka ba ha?"

Natikom ang bibig ko at marahang hinigpitan ang pagkakahawak kay Zyra.

Jean, mag sorry ka nalang! Para wala ng record at guidance na maganap!

"S-sorry." Yumuko ako ng marahan. Gusto ko syang sapakin!

"Sorry ka rin pala eh. Akala ko lalaban ka pa." Bigla syang dumura sa harap namin ni Zyra tapos tumalikod na sya.

Sa ginagawa nya mas humigpit ang kamao ko. Hindi naman siguro pwedeng gano'n!

Kumawala ako sa pagkakahawak ni Zyra at mabilis na lumapit sa lalaki. "Hoy!"

"Teka, Jean!" pagtawag sa'kin ni Zyra pero hindi ko sya pinansin.

"Huh?— ugh!" Nakita kong napahawak 'yung lalaki sa pisngi nya. Sinapak ko ba naman ng malakas! Deserve nya 'yan!

"Sinusubukan mo talaga ako ha!" Bigla naman syang bumawi ng suntok kaya naman halos mapadapa ako sa lupa.

"Si Jean ba 'yon?"
"Pa'no sya napunta d'yan?"
"Go, Jean!"
"Tumayo ka!"
"Laban! Sapakin mo ulit!"
"Huwag ka magpapatalo sa pangit na 'yan!"

Between HerWhere stories live. Discover now