Chapter 17: Love Letter

3 0 0
                                    

[Jean's POV]

At nakapasok na nga ako sa gate ng campus.

Sa totoo lang, natatanaw ko na 'yung room ko at ando'n 'yung mga impakto, mukhang nag-aantay sila sa'kin.

Napahinga nalang ako at marahang naglakad.

"Ililipat na kita sa Outclass, si Sarah na ang magpapaliwanag sa'yo about their privileges one's na maging okay na siya."

Magugulat ba kayo kapag sinabi kong um-oo ako kay lolo?

Bwisit, wala akong choice! Baka ilipat pa 'ko sa ibang planeta kapag hindi parin ako sumunod sa kaniya.

Ngayon kailangan ko nalang pumunta sa room ng Outclass. Lalo na kay tita, baka ma-convince ko pa siya na 'wag nalang ako ilipat.

"Jeannnn!"

Grabe nasa hallway palang ako rinig ko na 'yung bunganga ni Sid.

"Jusko, Jean, buhay ka pa!" rinig kong sigaw ng iba.

Mga letse.

At bago pa nila ako lapitan ay kusang lumiko 'yung katawan ko para sa ibang direksyon pumunta.

Kailangan ko muna silang layuan! Ansasama ng tingin ng ibang tao sa'kin eh, baka sabihin kapag kasama ko sila nagiging war freak ako.

"Luh, sa'n pupunta 'yon?"
"Hoy, Jean!"
"Wala d'yan 'yung room, hoy!"

Hindi ko namalayan na habang naglalakad ako ay sinusundan na pala ako ni Kyzer.

"Where you going?" At bago pako makatakas e naka singit pa siya at pumunta sa harapan ko.

Problema nanaman kaya neto?

Atsaka akala ko si Sid 'yung humahabol sa'kin, siya lang pala.

"Lilipat na 'ko ng section," tipid kong sagot habang nakasimangot.

"Because of?" tanong pa niya.

Napansin ko din 'yung dugo sa labi niya. Hindi siguro 'to nag pa clinic, dumudugo padin 'yung sugat niya oh!

"Kyzer, sorry pala sa ginawa ni lolo," bigla kong singit.

Nakaka konsensya kasi 'yung ginawa ni lolo.

"It's fine," sagot naman niya. "Bakit ka nga ulit magpapalipat? Sinong may sabi na lilipat ka?"

Ininterview ba naman ako sa gitna ng mga tao.

"Ah ano kasi. . . alam mo na." Hindi ko magawang sabihin.

"Dahil hindi ka totoong Jimene—"

"Hindi 'yon," pagputol ko.

"Then what?" usisa pa niya.

Bakit parang curious 'tong impaktong 'to?

Nakipag eye to eye ako sa kaniya at pilyong ngumiti.

"Kasi ayoko ng madamay pa kayo sa gulo," sabi ko sabay takbo. "Magpa clinic ka na, dumudugo pa sugat mo!"

Ni hindi ko na siya nilingon basta tumakbo lang ako papalayo sa kaniya.

Habang tumatakbo ako ay pinagtitinginan ako ng mga ibang studyente na parang naging normal na habit na sa'kin.

Ng makarating ako sa malapit na CR ay agad akong pumasok sa cubicle.

Atsaka nawala 'yung ngiti sa labi ko.

***

[Kyzer's POV]

Is she crying right now? Sana hindi.

"Ano boss, bakit daw siya magpapalipat sa Outclass?" tanong ni Reneboy.

Between HerWhere stories live. Discover now