Chapter 19: Fever

4 1 0
                                    

[Jean's POV]

Flashback.

"Hanggang dito lang kami, call us if may nangyaring hindi maganda," sabi ni Kiro na ikinangiti ko.

"Kaya ko 'to," sabi ko sa kanila atsaka bumaba na sa van.

Mabilis akong pumasok sa hospital at tinungo 'yung room ni Sarah.

Sa sobrang kakamadali ko e hindi ko namalayan na may nakabunggo akong doctor.

"Hala sorry po!" natataranta kong sabi.

"Ayos lang, hija. Sa susunod mag iingat ka," sagot naman ng doctor.

Ay wait! Si Doc! 'Yung doctor 'to ni Sarah 'tsaka siya rin 'yung kasama ni nurse Chang no'ng panahong nakaratay pa 'ko sa hospital!

"Wait po! Doctor kayo ni Sarah 'di po ba? Pa help po ako! Please po!" sigaw ko at kulang nalang lumuhod pa para magpakaawa.

"Ano ba 'yon, hija?" tanong niya.

"Feel ko po kasi pupunta dito si tita. Mama po ni Sarah. Pag pumunta po siya pwede pakisabi na pinapunta mo 'ko dito para asikasuhin si Sarah?" Maging ako hinihingal sa pag e-explain. "Magiging malaking utang na loob ko po 'to!"

Narinig kong napahinga siya.

"Ano ka ba namang bata ka, gulo nanaman ba 'yang pinasok mo? Parang no'ng nakaraang araw lang e nakipag suntukan 'yung lolo mo sa isang binatilyo. Lumikha 'yon ng eksena dito sa ospital," sabi pa ni Doc.

"Sorry po talaga!" bulalas ko.

"Pero kung tutuusin sakto ka ng dating. Balak ko naman talagang i contact 'yung guardians ni Sarah," ngiti pa ni Doc.

"Para saan po?" tanong ko.

"Pwede ng makauwi sa Sarah starting now. Maayos naman na 'yung mga assessments na ginagawa namin sa kaniya," sagot ni Doc.

Hays salamat naman!

"Basta Doc, kayo na bahala sa'kin! Ayokong mapagalitan!"

End of Flashback.

"Unfortunately yes, pwede ng makauwi si Sarah."

Thank you talaga ng marami Doc!

"Gano'n po ba? Salamat naman," komento ni tita.

"Kaya ka ba nag skip ng class Jean kasi pinuntahan mo 'tong pinsan mo?" tanong ulit ni tita.

"Yes po, si Jean 'yung pinapunta ko since siya lang 'yung unang sumagot sa call," pagsisinungaling pa ni Doc.

Masyado namang ginagalingan ni Doc.

"May kailangan lang tayong pirmahan na permit," dagdag pa ni Doc sabay kindat sa'kin.

"O'siya, Jean mauna kana sa labas, ando'n 'yung kotse, sumabay kana sa'kin pabalik sa school, ipapaalam lang kita," sabi ni tita na mas ikinangiti ko.

"Sige po," sagot ko nalang.

Jean, hindi ka dapat mag celebrate, may problema ka pa kay Primo!

Nang makalabas na sila Doc 'tsaka tita e mabilis akong humarap kay Sarah.

Na sana pala hindi ko nalang ginawa.

"Ngayong alam mo na, magsusumbong ka sa mga Scholars?" bungad ba naman niya.

Nadisgrasya na siya lahat lahat, gano'n padin ugali niya.

"Kanina ka pa pala nagpapanggap na tulog, huh?" sagot ko sabay ngisi ng pagkasarkastiko.

"Kung feeling mo mautak ka na kasi nagawa mong mabuksan 'yung cellphone ko, pwes nagkakamali ka. Mas tuso ako," sabi pa niya.

"'Edi ikaw na tuso, pakialam ko ba?" sagot ko sabay taray sa kaniya.

Between HerWhere stories live. Discover now