Chapter 14: The Rain

5 0 0
                                    

[Jean's POV]

At umulan na nga ng malakas.

At ang mas malala? Na trap kami sa loob ng room. Kagaya ng sinabi ni Sid.

Letse, nagkatotoo pa nga ang sinabi niya. Okay naman kasi sana kaso sobrang baha na sa labas.

Private 'to 'diba pero bakit binaha ng ganito?! Dinaig pa neto 'yung school ko dati.

"Kainis naman, hindi ko marinig 'yung music!" sigaw 'yon ni Sid.

Nagdesisyon kasi sila na magpatugtog sa gitna ng bagyo. Anlakas ba naman ng trip!

Ansasaya kasama 'no? Hindi ko nalang din sila pinigilan sa gusto nilang gawin baka kasi sabihan pa'ko na paladesisyon sa buhay nila.

Napakamot tuloy ako sa ulo ko ng mapagtantong wala ng tao ni-isa sa building maliban sa'ming mga scholars. Wala narin ata si ma'am, iniwan kami sa ere.

"Psst, mababasa ka d'yan." Napatingin ako sa gilid ko.

Si Kiro lang pala.

Nasa harapan pala ako ng pinto kaya 'eto, nagmumukha akong iniwan ng jowa, kahit wala naman talaga akong jowa.

Hindi ko nga rin napansin na kanina pa pala ako nababasa dahil sa talsik ng ulan. Emote pa kasi, ayan tuloy napapala.

"Okay narin 'to kaysa sa mag lesson tayo," biro ko. "Alam mo ba habang nag lesson si ma'am kanina, nagdadasal talaga ako na sana bumagyo para ma suspend."

Kaso sh*ta wala pang ilang segundo eh bigla ba namang kumulog ng malakas.

"Ay hala, joke lang po!" sigaw ko.

Nakita kong natawa si Kiro at marahang tumabi at naki-upo sa tabi ko.

Ang gandang timing 'to! Feel na feel ko na talaga!

"Um Kiro—" Napatigil ako ng may bwisit na nagsalita.

"Tabi nga! Nakaharang sa pinto ang mga p*ta!"

Kunot-noo tuloy kaming tumayo ni Kiro para bigyan siya ng space palabas ng pinto. "Kailangan ba kaming murahin?"

"Wala ako sa mood umalis ka sa harapan ko."

Moment na namin 'to eh! Tapos sisingit si Jdee!? Pigilan nyo 'ko ililibing ko 'to ng buhay!

Marahan at pantay akong nakipag eye to eye kay Jdee. Kaso nauna siyang magsalita.

"Dadaan ako."
"Edi dumaan ka!"
"Nakaharang kayo, b*b* ka ba?"
"Wala akong pake."

Mabilis ba naman akong hinawakan ng hay*p sa braso at madiin pa talaga ang pagkakahawak.

"Aray ko! Ano bang problema mo!" Nagpupumiglas ako, mabuti nalang at si Kiro na ang humawak sa kamay ni Jdee.

"Problema mo ba?" maangas na tanong ni Kiro.

Mukhang may away nanaman na magaganap.

"Shhh! Tama na," pagpigil ko.

Nakita kong humarap si Jdee sa'kin dala ang seryosong mukha.

"Pautang ng bente."

Nag loading pa'ko kaya hindi ako agad nakasagot.

"P-para saan?"

"Basta! Magbigay ka nalang!"
"Luh, abnormal 'to."
"Magbibigay ka o magbibigay ka?"

Napahinga nalang ako at tinitigan siya ng matamlay.

"Pasensya na wala akong pera. Naubos na kakalibre sainyo."

Between HerWo Geschichten leben. Entdecke jetzt