Chapter 7: Transfer

3 0 0
                                    

[Jean's POV]

Pagkarating sa room ay halos hindi ako makahinga sa sobrang bilis ng pagtibok ng dibdib ko.

Ikaw ba naman makipag marathon sa lip thick na nurse na 'yon! Nagkahiwalay tuloy kami ni Jayzim.

Pati si Amay ay tinanggal ang isang butones ng polo niya.

"Hays! Ayoko na, pagod na 'ko!" sigaw niya.

"Hoy Amay, 'diba sabi mo may nag aaway? Asa'n? Ba't wala?!" tanong ko sabay lingon kaliwa't kanan.

Wala namang tao sa room namin eh.

"Teka, teka." Sumenyas sya ng sandali sabay habol sa hininga nya.

Hindi ko rin naman masisisi ang lokong 'to. Mainit nga naman kasi sa labas.

"H-hindi ko naman sinabing sa room natin eh! Sa room ng Outclass sila nag-aaway!" sigaw nya sabay sandal sa pader.

"Suko na 'ko! Mauna kana sa taas."

"Huh? Sa second floor pa pala? Aakyat pa pala ng hagdan?!"

"Malamang, wala naman tayong elevator."

"P-pero. . ."

Pero pagod na'ko! Ayoko na umakyat, ansakit na ng paa ko!

"Hayaan nalang natin sila," sabi ko sabay sandal sa pader malapit sa kaniya. "Ano ba kasing pinag-awayan ng dalawa?"

"Nagalit kasi si Kiro no'ng malaman na dinala ka sa clinic, tapos ayon," hindi na nagsalita si Amay, siguro pagod na siya sa buhay.

"Eh, ba't sila napunta sa room ng Outclass?" dagdag ko.

Isa rin sa dahilan na ayokong umakyat ay dahil kay Sarah. Sigurado akong magsusumbong 'yon kay lolo.
Madadagdag lang 'yung stress ko sa buhay.

"Inawat sila ni Marlon eh, tapos dumating 'yung president ng Outclass—si Sarah— tapos sinabi na sa room nalang daw ng Outclass tutal wala naman daw silang klase." Ang haba ng explanation nya be! Hindi ko kinaya!

"Adik ba si Sarah? Pumayag lang siya ng gano'n?!" inis kong sigaw.

"Maka-Sarah naman 'to, close kayo?"

"Pinsan ko sya."

"Ah, kaya pala magka ugali kayo,"

"Ah, talaga? Gusto mo matadyakan?"

Dumistansya si Amay ng kaunti kaso hindi pa kami inaabot ng minutes ay may naririnig na kaming kalabog sa taas.

"Kawawa si Kiro," giit ni Amay sabay iling na para bang alam na nya ang nangyayari sa taas.

No, hindi pwede! Baliw talaga 'yong impakto na 'yon eh!

Wala na 'kong choice kun'di ang umakyat sa taas. Iniwan ko na din si Amay dahil sa nagmamadali na ako.

Nang makaakyat ako ay bumungad sa'kin ang halo-halong mga studyante. Hindi ko na alam kung anong section at trip ng mga 'to.

Ang gulo, grabe! Palengke ba 'to?

"Tama na nga 'yan! Kanina pa kayo eh!"
"Tumawag kayo ng faculty!"
"Away! Away! Away!"
"Eyy, gandang palabas, ah."

Mga letse para akong nasa club. Kulang nalang 'yung disco ball na kumikinang-*na.

"Kiro!" Hindi ko na napigilang sumigaw ng makitang tumalsik sya malapit sa pader.

May dugo sa labi nya! Hala, kawawa naman oh.

Inis tuloy akong tumingin kay Kyzer na may pasa sa kaliwang pisngi.
Mukhang nagsapakan 'tong mga 'to.

"Ano, kaya pa?!" sigaw ni Kyzer at ang-yabang kung makatingin kay Kiro.

Between HerWhere stories live. Discover now