Chapter 12: Recitation

3 1 0
                                    

[Jean's POV]

"Ano nanaman ba 'to, Jean?" Hindi ko kayang sagutin 'yung tanong ni tita.

Parang mas mahirap pa 'yon sagutin kaysa sa assignment ko.

"Tita, wala po talaga akong—"

"Wala na'kong magagawa sa'yo, Jean. Principal na ang kinakalaban mo kanina! Hindi ka ba natatakot sa pwede nyang gawin?!" Napayuko nalang ako ng marahan.

"Tita, sorry."

"Puro ka nalang sorry! Jean, ayokong magalit sa'yo pero sinabihan na kita na umiwas na sa gulo—"

"Stop it mom." Nagulat ako ng may biglang sumabat sa'min.

Napalingon ako sa biglang nagsalita—ay wait. Ginagawa ni Sarah dito?

"Hindi siya 'yung nagsimula ng gulo. I have evidence to prove," sabi pa nya habang walang ganang tumingin sa'kin.

"Let's just talk pagkatapos ng klase. Jean, dumeretso ka sa lolo mo mamaya o pwede ring sumabay ka nalang sa'min pag-uwi?"

"Hindi na tita, sorry po ulit."

Nakita kong bumuntong hininga lang si tita bago kami iwanang dalawa ni Sarah.

"A-anong evidence pinagsasabi mo?" tanong ko agad.

Mas maganda sigurong deretsahan na 'no? Baka kasi may kapalit nanaman 'tong ginagawa nya.

"I capture a video. Pasalamat ka nalang sa'kin."
"At ano namang kapalit?"

Nagulat ako ng biglang humarap sa'kin si Sarah at ngumiti ng pagkayabang-yabang.

Sabi na eh, may masamang plano nanaman sa utak ng babaeng 'to!

"Transfer to Outclass, tutal bagay ka rin naman do'n. Isa pa, mas mababantayan kita do'n," sabi pa niya.

Ba't parang pilit na pilit sya sa part na 'yon?

"Pa'no kung ayoko?" boring kong sabi.

Gusto ko na matapos 'tong bwesit na araw na 'to.

"Then I'll find a way."

"Kung magawa mo." Napalingon ako sa likod ko. Para naman kasing mga kabute 'yung mga tao dito. Bigla-bigla nalang sumusulpot o kung hindi naman ay bigla-bigla nalang sasabat sa usapan.

"Oh, Kyzer, how's the fight?" ngiting pagkasarkastiko ni Sarah.

Ginagawa din ni Kyzer dito? Ano 'to reunion?

"It's fine, gusto mo makita?" Nagulat ako ng biglang pinatunog ni Kyzer 'yung kamao nya.

Hay*p 'to, gusto talaga ng away!

"Hoy, tumigil ka nga! Moment namin 'to, alis!" pagtataboy ko. Pinilit ko syang ilayo kay Sarah, mahirap na at baka sila naman ang magsapakan dito.

Wala naman siyang nagawa kun'di ang mag 'tsk' nanaman. Mahirap na at baka may gulo nanamang maganap at syempre madadamay pa'ko.

Ka-abnormalan talaga.

"You look like closed to each other?"

"Pake mo? Makiki chismis ka nanaman sa buhay ng may buhay?"

"Who cares? Bahala ka sa buhay mo."

Umalis narin sawakas si Sarah sa harap ko. High blood pa naman ako ngayon at baka masapak ko lang siya.

Sana talaga matapos na ang araw na 'to!

***

Nakauwi narin sawaks! Ay nakila lolo pa pala ako.

Between HerWhere stories live. Discover now