Chapter 9: Allergy

7 2 0
                                    

[Jean's POV]

Pasukan nanaman.

Ako lang ba 'yung nakakaramdam na hindi sila napapagod pumasok? Para kasing tinatamad ako ngayon— ay lagi pala akong tinatamad.

Ni-hindi nga ako nakatulog ng maayos kagabi. Hinatid lang ako ni Kiro sa bahay tapos umalis na sya agad. Hindi ko rin chinika kay mama 'yung ganap namin kila lolo.

Mahirap na.

Kanina pa pala ako naloloka kasi andaming tao ngayon sa school. May pa event ata 'yung mga first year. Nakakainggit naman. Sana kami rin!

Pagod na 'ko sa mga lectures na ituturo! Sana bumagyo nalang para suspended, sana wala nalang pasok, sana absent si sir or ma'am, o 'di kaya'y magkunyari nalang akong nahimatay!

Kaso another record nga pala 'yon sa clinic.

Napahinga nalang ako habang tinatanaw 'yung room ko.

Teka.

Nanlaki 'yung mata ko ng makitang naglilinis ng corridor'yung mga impakto kong classmates!

Luh, totoo ba 'to?!

May tumung-tong pa sa upuan para lang alisin 'yung mga alikabok sa kisame.

Hala, hindi ba 'to panaginip? First time 'to ah!

Maya-maya pa'y nakikita kong lumabas si Sid dala-dala ang isang kahon. Sinundan din 'yon ni Benjie na may dalang walis tambo.

May cleaning operations ba ngayon? Baka kasama 'to sa subject namin? Or baka trip nilang maglinis ngayon? Siguro nadudumihan narin sila sa room kaya naglinis ang mga mokong.

Napangiti nalang ako habang mabilis na naglalakad papunta sa room.

Sana hindi rin ako palinisin.

***

"Ang ganda nga ng kulay ng room niyo pero ang kalat! Sino ba mga cleaners dito?!"

Hindi ko sure pero 'yon 'yung naririnig ko sa room namin. Medyo malapit na kasi ako sa room pero ayoko lang pumasok.

"Ma'am, pagod na kami!"
"Bukas nalang 'to ma'am!"
"'Daming alikabok dito mga boy!"

Hays, bahala na. Papasok nalang ako sa loob.

"D'yan kayo magaling! Pagkatapos niyo d'yan, mag floorwax kayo!"

Natigil si ma'am Viola ng makita ako.
Kung makatingin naman sila sa'kin parang hindi ako Scholar ah!

"Ms. Jimenez," pagtawag ni ma'am.

Bumalik tuloy 'yung iba sa ginagawa nila at hindi na nagreklamo pa.

Nakikita ko pa nga si Kyzer na nagpupunas ng bintana. Kaso parang may kulang. Wala si Kiro? Absent kaya siya?

"B-bakit pala may pa-ganito ma'am? May cleaning operations po ba?" tanong ko na sinabayan ng hagikhik nina Amay at Reneboy.

Teka, anong nakakatawa do'n?

"One week tayong advisory, Ms. Jimenez. May event kasing ginagawa kaya wala muna 'yung mga subject teachers niyo," pagpapaliwanag ni ma'am.

"Hoy kayo! Bakit kayo nakaupo?!" suway ni ma'am kaya naman nabaling sa iba ang atensyon niya.

Ibinaba ko nalang 'yung bag ko tapos pumunta ako sa gilid ng blackboard. Kumuha nalang ako ng isang pamunas.
Balak ko din kasing linisin 'yung reading corner namin, nasobrahan na sa alikabok.

Habang nagpupunas ay hindi ko maiwasang hindi maubo o ma-hatsing dahil sa alikabok ng libro.

Na over na talaga! Parang one year na ata 'tong hindi nalinisan! Eh, samantalang nilinis ko 'to noon.

Between HerWhere stories live. Discover now