Chapter 8: Skirt

5 0 0
                                    

[Jean's POV]

Kailan kaya ako matatapos dito? Nakakainis naman! Nakaka- ilang kusot na'ko pero ayaw matanggal no'ng bubble gum sa palda ko.

Bwesit.

Kasalukuyan akong nasa CR, malamang naglalaba ako sa palda ko. Naka cycling nga lang ako eh.

Ang pagkaka alam ko yelo ang makakatanggal dito pero wala namang yelo sa CR. Ayoko rin namang lumabas ng ganito ang suot.

What if dito nalang ako tumira?

Napatigil ako sa pagkukusot ng biglang bumukas 'yung pinto ng CR. No'ng una kampante lang ako pero katagalan ay natulala ako kay Kyzer na seryosong nakatingin sa'kin.

Hala bakit 'to nandito?!

Nagulat pa'ko ng bigla siyang pumasok sa loob ng CR.

"Hoy, anong ginagawa mo dito? Girls lang pwede dito!" sigaw ko pero tuloy-tuloy lang siya sa pagpasok.

Ano bang trip neto? Dito pa talaga sa CR ng girls!

"Pinapasabi ng tita mo na dumeretso ka daw sa lolo mo," tipid nitong sabi.

"Oh, tapos? 'Yon na 'yon?" sarkastiko kong sagot. "Nag abala ka pa talagang pumunta dito? 'Di sana naghintay ka nalang sa labas."

Nagulat ako ng bigla nyang inagaw 'yung palda ko at tinignan ang bubble gum.

"Sinong gumawa nito?"
"Aba, nagtanong ka pa talaga? 'Edi malamang ikaw!"

Hindi sya nagsalita bagkus ay kinusot niya 'yung palda ko.

"Teka. Akin na nga 'yan!" Bigla kong inagaw sa kaniya 'yung palda ko.

"Okay na 'ko dito. Umalis ka na."

Nakakahiya naman kasi eh. Palda ko kaya 'yon!

"Ipa laundry nalang natin 'yan." Bigla nanaman nyang inagaw sa'kin 'yung palda.

"Wala akong pambayad! Akin na kasi!"

Itinaas nya 'yung palda kaya naman hindi ko maabot. Mas matangkad kasi siya. Kainis! Kasalanan ko bang kinulang ako sa height?

"Sino ba kasi gumawa nito sa'yo?"
"Adik ka ba?"
"No."

Napapikit nalang ako. Isang-isa nalang masasapak ko na 'tong lalaking 'to. Puro na nga sugat 'yung mukha niya tapos balak pa niyang dagdagan.

"Huwag ka na nga mag-maang-maangan d'yan. May nakita akong yellow notes sa bag ko. Eh, kanino pa ba galing 'yon, 'edi sa'yo!"

"Yes, akin 'yung note pero wala akong alam sa bubble gum na 'yan." Natigil ako sa sinabi nya.

"Hindi ako naniniwala sa'yo."

Kung hindi talaga siya. Malamang 'yung mga classmates ko ang may topak na gawin sa'kin 'to! Pwede ring prank nanaman 'to ng mga impakto.

Mabilis kong kinuha 'yung bag ko at kinuha 'yung note. Ipinakita ko 'yon kay Kyzer kaya naman nakita kong kumurba ang kilay nya.

"Himala palang nag sorry ka sa'kin sa note na 'to," panimula ko.

"It's just a prank."
"Eh no'ng nasa clinic ako kanina, prank din ba 'yon?"
"Kaya nga ako nag so-sorry!"

"Gusto ko sa personal ka mag sorry," sabi ko at pinunit 'yung note sa harapan niya.

"Pa'no kung ayoko?"

Napaisip ako sa sagot niya.

"Edi mag sorry ka nalang kay Kiro," sagot ko nanaman. "Kung ayaw mo mag sorry sa'kin, kay Kiro nalang."

Between HerOnde histórias criam vida. Descubra agora