quia nunc, vale

11 0 0
                                    

Hi, I'm Clara. And if you are reading up to this part....I just want to thank you.

Natapos kong i-publish ang lahat ng kabanta ng The Protectors August 9, 2020 19:36. It took me six years to finally finish this. And instead of being happy finishing it, it was actually sad. Andami nang pinagdaanan ang story na ito. Pinaiyak ako nang paulit-ulit ni Michael. Pinakilig ni Gabriel at ng dimples niya (yes, may dimples siya). Pinangiti ako ni Raphael. Nainis kay Victoria habang ina-admire din ang kagandahan niya. And Veronica was my dream girl. Nick is my little sister.

Writing this was supposed to be fun and helpful for me to get away from the world were I was a nobody and a real boring potato. Ilang taon itong na-stuck sa notebook na pinadala pa ng Lola ko mula America bago ko nailipat sa Word at nai-publish sa Wattpad. Ilang taon din itong naging on-hold, nanatiling hanggang chapter 15 lang at naging kasama pa sa Wattys Shortlist noong 2018.

Marami ang nakapagbasa ng The Protectors magmula noon, pero dumami din ang madaming opinyon sa mga laman nito. Pinaghinaaan ako ng loob. Pero nagtuloy-tuloy pa din naman akon magsulat, hanggang nga sa maglipat-bahay ako sa account na ito, kaso na-stop na naman ang pagsusulat ko. Higit isang taon ang lumipas at na-stuck na lang hanggang chapter 44 ang kwento na ito.

Tapos, namiss ko si Michael, nagparamdam siya, nagmakaawa nang marevive mula sa pagkakatrap sa Hell. Pero sabi ko, babawiin ko muna yung sarili ko.

Nag-aral ako ng writing courses, very very light. Tapos nung tingin ko okay na yung skills ko (mga 5% nadagdag) binalikan ko 'to. Inulit ko sa simula, ikinwento ko nang mabuti kung paano gustong ikuwento ni Nick. Sana naman nakabawi ako sa kanya ano?

Kaso nitong isang linggo, sigurado na akong tapos na ang The Protectors, sigurado na rin ako sa mangyayari. Isusulat ko na lang. Ang iniisip ko na lang ay kung bakit may cross eh wala namang silbi? Bakit anjan si Gabriel eh hindi naman nagsasalita?

Kaya tinanong ko si Gabriel kung bakit tahimik siya. Tapos nung nalaman ko kung bakit, hindi ko na naman maisulat. Kasi natatakot na naman ako. Iniyakan ko si Gabriel. Kasi hindi ko siya kinausap agad.

Kung kinausap ko siya agad, baka naagapan. Di ba? Di ba? Kaso naalala ko din ang sinabi ni Death at Malaya, kailangang mangyari. So I continued telling everything on Nick's perspective no matter how painful.

The Epilogue is published before this part and each and everyone of you would ask very vital questions na hindi sinagot sa libro na ito. This is supposed to be a stand alone kaso....tinanong ko si Gabriel, nagkwento si Pandora, nagkwento si Malaya, nagkwento si Olivia, pati si Adam at Victoria. It was a mess and it is killing me. So.... you will meet these characters again. Some other time when they finally told me everything. And in that time, the questions will be answered.

Bibigyan ko kayo ng isa pang tease, pati yung Legendary Seeker na nauna kay Nick, may kinukwento. Mang-aagaw ng spotlight.

Alam mo yung nanunuod ka ng Avatar: The Legend of Aang...so si Aang yung focus di ba? Kaso minsan sumusulpot si Avatar Kyoshi tapos naku-curious ka din sa kanya? Ganoon yung feels ko sa previous Legendary Seeker. Madaldal kasi siya. Matalino. Mahangin. Pero cool. I swear.

After this story, may aasikasuhin akong timeline. Yes, a timeline. Hindi plot, kundi TIMELINE. Isang story lang dapat, ang kaso nagkwento na naman yung iba kaya ayun, aasikasuhin ko na sila kesa mabaliw ako.

Anyways, salamat sa pagbabasa ng The Protectors! There may be few but still, thank you! Kung tapos ka nang magbasa ng kwento na ito, magcomment ka sa part na ito. Para lang talagang alam kong nandyan ka talaga.

Salamat din pala sa dalawang nilalang na tatawagin nating Alien at Gangster. Kayong dalawa lang ang nakakaalam ng kabaliwan ko.

*finger hearts*

This is goodbye for Nick's adventure of being the Legendary Seeker. But not in the world of the Protectors.

Have a good day, young rebel.

Godspeed.

Sincerely thankful,

Clara

P.S. Huwag gagaya kay Nick na nagpakasal literally a day after she turned eighteen. Mag-aral muna at magtapos.

***

#080920201958

The ProtectorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon