Chapter 16: Midnight Talk

8 2 0
                                    

Chapter 16: Midnight Talk

"Meet a person at midnight where you could find them at their most vulnerable."

Nang makalabas sa opisina ni Victoria ay dumiretso ako sa kwarto. Naligo ako at nagsuot na ng pantulog. Inilibing ko na ang sa kumot pagkatapos.

Masakit ang tiyan ko sa tiniis na gutom simula pa kahapon pero mas pinili kong magkulong. Kapag lumabas ako ay may tsansang makasalubong ko sila Michael.

Nahihiya ako sa kanilang lahat. Tama si Victoria. Naiinis ako sa naging gawi niya pero wala din akong kinaiba sa kanya. I was playing victim. And I'm still playing victim. I basically hold the lives of all the people breathing in the face of the Earth and I chose to cry because I don't want that responsibility.

Ipinakita ko kanina kung paano umasta si Nick. Yung Nick na laging sakit sa ulo ni Mom. Yung Nick na kinamumuhian sa school.

A huge brat.

Sa kalagitnaan ng pagtitiis ng gutom at uhaw ay nakatulog na pala ako. Naalimpungatan lang ako nang may kumatok sa pinto. Madilim na ang kalangitan sa labas.

Hindi na ako hinintay ng taong kumatok at pumasok na siya sa kwarto.

Si Michael. Weirdly, in a shirt. Umayos ako paupo at sumandal ng headrest. Naupo naman siya sa dulo ng kama.

"Hi." Basag ang boses ko nang magsalita.

A mischievous smile is on his lips. May kalokohan na namang nagfo-formulate sa utak niya. "How's the meet and greet with the Four Horsemen?"

"Fine," tipid na sagot ko.

Dead silence.

Yumuko ako. Ramdam kong binubutas ng tingin niya ang ulo ko. Tiniis ko ang pangangati na tignan ulit siya.

Nagbuga siya ng hangin. "Gutom ka?" tanong na lang niya.

Hihindi dapat ako pero naunahan na akong sumagot ng tiyan ko. Natatawang tumayo si Michael at hinitak na rin ako paalis sa higaan. Nagpagiya na ako sa kanya palabas ng kwarto at papunta sa kusina.

Wala akong masyadong makita dahil kakaunti ang ilaw na bukas. Ang tanging pinaghahawakan ko na makakaabot sa tutunguhan ay ang kamay ni Michael. Hindi iyon bumitaw sa kamay ko.

"What do I seek?" I asked as we walked the dark hallways. I'm called a Legendary Seeker for a reason. And if I am not looking for something, I think it defeats the title.

"He's called the Dark Knight, one who could wield the cursed blade."

"What cursed blade?"

Parang narinig ko ang pagngiti niya. "You will know for some other time."

"Where did the Horsemen come from?" I asked next.

Masyadong tahimik ang paligid. Yabag lang namin ang tanging ingay. Naiinip ako. Ayokong pansinin ang dilim ng minamartsahang pasilyo. Nakakaapekto iyon para maisip ko ang mga nangyari kanina.

"They are born in this world," he finally answered.

Nakapasok na kami sa kusina. Higit na maliwanag iyon kesa sa dinaanan namin.

"You mean He—"

"No." Ngumiti si Michael. "He is God, the greatest form of life. He radiances goodness, justice, and love. They can't come from him."

"How were they born?"

"Humans are His most powerful creation...the most free. You get to have free will, a curious mind, a beating heart, and an infinite time to spend however you want.

The ProtectorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon