Epilogue

1.7K 47 7
                                    

Nagdiriwang ang lahat ng samurai sa palasyo ng Subeta.Nandito lahat ng angakan ng Rashida.

"Ipinakikilala ko sa inyo ang anak ng yumao kong kapatid na si Reiko Rashida"tinanguhan nito si Yuri at Liu na lumapit naman."Si Yuri at Liu..nais ko na bigyang pugay nyo sila."

"Mabuhay! Mabuhay!"

Tipid na ngumiti naman si Yuri habang si Liu ay poker lang.Ano ba naman yan wala talaga siyang reaksyon kahit kailan.

Walang sinuman ang bumanggit sa masamang nangyari sa pamilya noon.Masaya ako para kay Liu at Yuri.

Magkasintahan na kami ngayon.Ayaw niyang madaliin ang lahat pero kung ako lang ay nais ko ng magpakasal kami sa tagal ng ipinaghintay ko sa kanya.*nguso*

Tinawag ni Lira si Yuri.Tuwang-tuwa siya nung makilala niya si Yuri.Kinulit nga niya ito ng kinulit.Lumapit sila kay Roujin na kausap si Aki.Mukhang nagpapapansin si Lira kay Aki maging ang ibang babaeng samurai.Ganoon din naman kay Ryuu,marahil ay dahil bagong mukha.Agad namang lumapit si Ryuu kay Yuri nung makita niya na kasama ng mga ito si Aki.Napangisi ako.Seloso ang tagapaslang na iyon.

Nakita ko naman na palapit sa akin si Liu.Hindi ko talaga maiwasang tumibok ng mabilis ang puso ko kapag palapit siya.May dala siyang dalawang kopita ng alak.Iniabot niya sa akin ang isa na tinanggap ko naman.

"Masyadong maingay dito."ayaw niya talaga ng maingay pero kapag naman nag-iingay ako kapag ginagawa namin iyon ay gustong-gusto niya.Hindi ko tuloy maiwasang pamulahan ng mukha.

Sumunod ako sa kanya nung lumabas siya sa balkonahe.Nakatanaw kami ngayon sa bayan ng Xera.

"Siguro kung nabubuhay si ama at ina ay matutuwa ang mga iyon lalo na kapag nalaman nila na may kakambal ako..Nakakalungkot lang na hindi nila nalaman ang tungkol kay Yuri.."bumuntong hininga siya.Unti-unti ay nagiging bukas na siya sa pagsasabi sa akin ng nararamdaman niya.Hindi naman ako nagmamadali.

"Kung nasaan man sila ngayon ay sigurado ako na nakikita nila kayo at masaya sila..masaya din ako para sa iyo Liu.."

Nakita ko na ngumiti siya habang nakatanaw pa din sa labas.Pagkaano ay bumaling siya ng tingin sa akin.

"Hanggang kailan mo ako mamamahalin Yona?"nagulat ako sa tanong niya pero ngumiti ako ng ubod ng tamis.

"Habang buhay Liu..habang ako'y nabubuhay ay ikaw lamang ang mamahalin ko..mahal na mahal kita.."

Kumislap ang mata niya.

"Salamat at ibinigay ka sa akin ng kapalaran..mahal na mahal kita Yona..ikaw lamang ang babae para sa akin.."

Hindi maipaliwanag ang saya ng puso ko..

[END]

******

yuki_tin13

Up next "Muryou:The Witch Memories"..yun yung na-tripan kong unahin*grin*

Muryou:The Damn Cold Blooded Warrior[Complete]Where stories live. Discover now