Chapter 4-Panaginip

1.1K 43 0
                                    

yuki_tin13

Read the last part at your own risk..Read,Vote,Comment..Thanks!

YONA POV

Naglalakad ako ngayon sa pasilyo ng palasyo.Pupungas-pungas pa ako at naghihikab pa.Maaga pa kasi na sinadya ko naman na gumising kaagad.Wala kasi akong balak na sayangin ang bawat oras na nananatili ako dito sa Emperyo ng Subeta.

Bukod sa iniuutos ng aming emperador ay may misyon din ako.

Ano ito?

Operasyon saliksik ng buhay ni Liu.

Masyado kasi siyang tahimik at hindi nagkukwento.Kung hindi niya gusto na magkwento sa iba ko aalamin ang kwento ng buhay niya..ang talino ko talaga**maarteng tawa na nakatakip ang likod ng palad sa bibig**

Nang may makasalubong ako na dalawang lalaki.Ang isa ay may mahabang tsokolateng buhok na nakapuyod paitaas,may nakasuksok siya na napakalaking espada sa kanyang likuran..habang ang isa naman ay may maiksing kulay kahel na buhok,may hikaw sa magkabilang tenga at may palakol naman na nakasuksok sa kanyang likudan.

Ah! Natatandaan ko na..sila ang dalawa sa mandirigma ng Subeta..si Kagure at Hiroku.Maingay silang nag-uusap habang naglalakad kaya naman lalagpasan ko na lang sila ng bigla na lang silang tumigil sa pag-uusap at pati na din sa paglalakad.Muntik na nga akong mauntog sa kanila.

Eh..ang lapit lapit nilang dalawa sa akin..

Umiwas ako ng daan para lagpasan sila pero humarang ang matangkad na si Kagure.

"Teka lang magandang binibini..taga dito ka ba sa palasyo?"nakakunot ang noo na tanong ni Kagure sa akin na yumuko pa at pinakatitigan ako ng husto.

Mukhang hindi nila ako natatandaan.

"Oo nga..para kasing naliligaw ka.."tama si Hiroku naglalakad ako kanina pa na hindi alam ang tungo ko.Nakangisi itong nakatingin sa akin.

"Teka parang pamilyar ka.."nag-isip ito pagkaano ay muling nagsalita."Siguro ay dahil isa kang kaakit akit na babae kaya ka pamilyar dahil kung nagkita na tayo dati ay ikaw ang tipo na hindi madaling kalimutan.."pagkasabi noon ay kinindatan ako ni Kagure.Napaikot tuloy ang aking mata.

Lalaki nga sila.Nagsisimula na akong mainis sa inaasal ng dalawang ito.Konti na lang..

"Ah! alam ko na!"bulalas ni Hiroku kay Kagure."Natatandaan ko na..siya yung mandirigma ng Libre na may malaking dibdib na nakalaban ni Rakuda.."paliwanag ni Hiroku pero sa dibdib ko na nakatingin.>////<

Nagnanasa na nakatingin si Hiroku sa aking dibdib na tila tutulo na nga ang laway kaya naman napasipol na napatingin din si Kagure.Nagyuko ako ng ulo habang pinipigil ang inis.Nakakuyom ang aking parehas na kamao sa aking tagiliran.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako na malaki ang dibdib ko na hinahangad naman ng mga babae o maiinis dahil lagi na lamang ito ang madalas na tinitingnan o mas tamang sabihin na tinititigan hindi lang ng mga lalaki kundi pati mga babae ay napapahabol din ng tingin.Maliit din kasi ang aking bewang at matambok din ang aking pang-upo.Tanging si Liu lamang ang hindi tumitingin sa katawan ko..kung sino naman ang gusto kong tumingin sa akin..*pouts*

"Maaari ba kaming makipagkilala sa'yo binibini?"hinawakan na ni Hiroku ang aking braso.Bastusin pala ang mga gagong to..>_<

"Pipi ka ba?"nakakaloko na tanong ni Kagure.

Naramdaman ko na tila hindi ko na mapipigil ang aking sarili..mahina pa naman akong magkontrol ng emosyon..pati kapangyarihan ko ay lumalabas na lang kahit hindi ko pinapalabas.

Muryou:The Damn Cold Blooded Warrior[Complete]Where stories live. Discover now