Chapter 13-Labis na Selos

1K 38 4
                                    

yuki_tin13

Isang chaptie na lang after nito at BS na nila..

YONA POV

Pupunta kami ni Liu ngayon kay Ryuu.Nauna na sa amin si Fujiwara at Shikamaru.

Nakainitan nga pala ni Fujiwara si Yasu nung nakaraang araw.Naglaban sila at nagkasakitan kundi pa dumating si Ryuu ay hindi sila titigil.Parehas pa namang may pagkasadista ang dalawang yun.Napag-alaman tuloy namin na ang kakayahan pala ni Yasu ay gawing goma ang katawan niya.Naunahan niya tuloy si Fujiwara na hindi kaagad nakahuma sa pagkabigla nung humaba ang kanyang mga kamay.Pero agad din naman siyang nakabawi nung palakadin niya ang anino niya palapit kay Yasu.Nagagawa na pala niyang pagalawin ang anino niya upang makalapit sa kalaban hindi tulad dati na kailangan pa niyang lumapit sa kanyang puntirya.Naunahan niya si Yasu nang puluputan niya ng anino niya ang katawan nito kaya naman hindi na ito nakakilos hanggang sa dumating si Ryuu.

Sinulyapan ko si Liu.Napadako ang tingin ko sa kanyang mapulang labi.Ilang beses na naming pinagsaluhan ang matamis na halik..pakiramdam ko tuloy ay namula ang mukha ko sa kilig.

"Ay! Naman.."

Nang mabunggo ako sa isang bulto.

"Ano ba?! Ang tanga~tanga hindi tumitingin sa dinadaanan!"singhal sa akin ng nakabunggo ko.

Isang babae na may maiksing kasuotan at halos wala ng itago,maiksi pa sa kasuotan ko,hindi pa kasi ako nagpapalit ng uniporme.Kalahati ng hita ang iksi ng damit niya na may hiwa pa sa magkabilang tagiliran at kita na ang panloob.Sa itaas ay halos lumuwa na ang dibdib nito sa kimono na mababa ang leegan at kita na din ang tila lambat na panloob.

Napatingin siya kay Liu este napatitig kaya naman ngayon ay namumula naman ang mukha ko sa inis.Mukhang balak pa niyang landiin si Liu,kita sa mga mata niya na isa siya sa mga babaeng nagkakagusto kay Liu,hmp!

"At ikaw hindi tatanga-tanga? Pangita naman na hindi ka din tumitingin sa dinadaanan mo."nakataas ang kilay na ganti ko sa kanya kaya naman napabaling muli siya sa akin ng tingin na nakaangat din ang kilay.

"Aba't sumasagot ka pa?!"

"Tayo na Yona.."aya sa akin ni Liu..sasabayan ko pa sana ang pagtataray ng babaeng kalapati.

Bigla namang naging mapang-akit ang hitsura ng babae na binalingan si Liu.

"Pogi..pagsabihan mo yang katulong mo.."malambing na sabi nito kay Liu.

Katulong? Takte?! Sa ganda kong to! Ingudngod ko kaya sa pader ang bunganga ng babaeng to?!

"Halika na.."bulong sa akin ni Liu na hinawakan pa ako sa likod upang igiya palayo sa babaeng kaaway ko.Bakit 'halikan na' ang dinig ko? ihh....ano ba tong tenga ko? Tapos ramdam ko pa ang mainit na palad ni Liu sa likod ko kahit na may damit pa ako..waa..ang sarap sa pakiramdam..iniisip ko na hinahaplos niya ako doon..kyaa!

Ni hindi man lang pinansin ni Liu ang babae.Nilingon ko ang babae at nakita ko na nagngingitngit siya sa inis.Nginisian ko naman siya.

"Mabuti at nandito na kayo.."sabi ni Ryuu nung makapunta kami sa kanya.

Hindi siya nag-iisa.Nandoon si Fujiwara,Shikamaru..nakaupo sa sopa si Yasu habang nakadekwatro katabi niya si Ren.Sa tabi ni Ryuu ay nakatayo si Yuri.Maganda siya lamang ay laging nakaharang sa kalahati ng mukha ang buhok niya.Wirdo at misteryosa tuloy siyang tingnan?Napansin ko ang lalaking nakahalukipkip na nakasandal sa pader.

Si Jin..

"Nais ko nga palang ipakilala sa inyo ng pormal ang mga myembro pa ng pamilya Lao..kauuwi lamang nila mula sa Emperyo ng Shinobi.Si Jin..ang sunod sa akin."hinayon nito ng tingin si Jin.

Muryou:The Damn Cold Blooded Warrior[Complete]Where stories live. Discover now