Chapter 18-Pinagtagpo

1K 35 0
                                    

"Inuulit ko Liu..sino ba talaga kayo at ano ang pakay nyo dito sa Yuhan?Umabot sa kaalaman ko ang matinding pakikipaglaban mo kay Jin..at base sa nakarating sa akin ay hindi kayo mga ordinaryo lamang."

Mula sa madilim na bahagi ng pasilyo sa labas ng silid ni Yona ay nakita ko na lumabas ang isang nilalang.Sa tono ng boses niya ay mababadya ang panganib.

Wala na..sukol na kami..alam na nila ang pagpapanggap namin.Huminga ako ng malalim bago nagsalita.

"Mula kami ni Yona sa Emperyo ng Libre at ang dalawa naming kasama ay mula dito sa emperyo nyo."diretsong sagot ko.

"Emperyo ng Libre?ano at naligaw kayo dito?"nakataas ang kilay na tanong nito.

"Mga mandirigma kami ng Libre ganoon din ang mga kasama namin..mula sila sa palasyo ng Subeta."

"Mandirigma?!"dinig ko ang pagtagis ng kanyang bagang.Ang mahinahon niyang anyo ngayon ay nababalutan ng malakas na aura.Ang kanyang buhok ay nag-aalsahan.Alam ko na anumang sandali ay susugudin na niya ako.

"Oo..wag kang mag-alala dahil hindi kami pumunta dito para makipaglaban o kung ano pa man na ikagugulo ng Yuhan."sukat sa sinabi ko ay nakita ko na kumalma siya..bumaba ang enerhiya niya pero alam ko na alisto siya dahil ganoon din ako.

"Kung ganoon ay ano ang ipinunta nyo dito? Alam nyo ba na dahil sa ginawa nyong pagpasok sa teritoryo namin ay maaari namin kayong paslangin?"matalim ang mga mata na sabi pa niya.

Huh..?! Iyon ay kung kaya niya..nila..sa loob-loob ko ay napangisi ako pero hindi ang bagay na iyon ang sinabi ko.

"Ang nilalang na makakapagsabi ng nangyari sa nakaraan..yun ang pakay namin dito sa Yuhan.Ikaw ba ang taong yun ha Ryuu?"tiningnan ko siya..mata sa mata.Si Ryuu..siya nga ang nilalang na kausap ko ngayon.

Nakita ko ang pagkagulat sa kanyang mata..siya na nga kaya?

"Hindi..wala dito ang taong hinahanap nyo kaya mabuti pa ay umalis na kayo dito bago pa kayo mamatay."may pagbabanta sa tinig niya.

"Tss..hindi kami aalis dito ng hindi kasama ang nilalang na iyon kung kinakailangan na labanan namin kayo ay lalaban kami."nakangisi na sabi ko.

"Liu?"napalingon ako sa nagsalita.Si Yona na lumabas sa kanyang silid at nagtatanong ang boses niya.Palipat-lipat ang tingin sa amin ni Ryuu.

"Wala nga dito ang hinahanap nyo!"may kakaiba sa boses niya.

Bakit parang natatakot siya?

"Ako ang taong iyon..ako ang nilalang na may kakayahang malaman ang nakaraan.."napabaling ako ng tingin sa nagsalita maging si Yona.Nadinig ko ang pagsinghap ni Ryuu.

"Yuri.."anas ni Ryuu.

Mula sa madilim na bahagi ng pasilyo ay lumitaw din si Yuri.Tila siya isang dyosa sa ilalim ng liwanag ng buwan pero hindi ako naaakit sa kanya katulad ng pagkaakit ko kay Yona..mayroon akong kakaibang pakiramdam sa kanya...hindi maipaliwanag na pakiramdam.

Hinawi niya ng isang kamay ang buhok na nakatabing sa kalhating bahagi ng kanyang mukha.

Napasinghap ako..maging si Yona..

************

Pagkatapos kong maligo ay lumabas ako nung hindi ko makita sa kwarto mo si Liu..ang aking si Liu..hindi maiwasan na pamulahan ako ng mukha sa alaala ng mga pagtatalik namin ni Liu..Wala na yatang sasaya pa sa nararamdaman ko ngayon..

Naabutan ko sila na nagtatalo o sabihin na nag-uusap ni Ryuu.Sobrang seryoso ang hitsura nilang dalawa..

Ano kaya ang pinag-uusapan nila?..pero may hinala na ako..marahil ay alam na ni Ryuu ang tungkol sa amin..

Muryou:The Damn Cold Blooded Warrior[Complete]Where stories live. Discover now