Chapter 6-Pilat ng Nakaraan

901 41 0
                                    

YONA POV

Naalimpungatan ako ng may maramdaman ako na malamig.Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko.Malamlam ang liwanag na bumungad sa akin na nagmumula sa lampara.Nakatunghay si Liu sa akin.Napangiti ako ng tila makita ko na may pag-aalala sa kanyang mata.Bigla naman siyang sumeryoso.Bakit ba ayaw niyang ipakita na nag-aalala siya?

Napansin ko ang malamig na bagay na nararamdaman ko sa aking tagiliran..Nang yukuin ko ito ay nakita ko na yelo pala iyon..yelo ni Liu..nakabalot ito sa sugat na natamo ko sa baliw na lalaki na nakaengkwentro ko.Napangiwi ako ng maalala ko kung paano niya hiniwa ang tagiliran ko.

"Sino ang may gawa sa iyo ng bagay na yan?"malamig ang boses na sabi ni Liu,nagbabadya ng galit ang mga mata.

Napaisip tuloy ako sa tanong ni Liu..sino nga ba ang mga nakaharap ko?

"Tinatanong kita Yona..sino ang may gawa sa iyo ng sugat na yan?"galit na ang boses ni Liu.

Itinukod niya ang kanyang isang kamay sa gilid ko at niyuko niya ako habang nakahiga pa din ako.

"Eh~~Hindi ko alam.."ang lapit-lapit ng mukha niya sa akin..kinikilig ako.

"Anong hindi mo alam?! Ang mga patapong samurai ba dito sa Shogun o ang mga mangkukulam?"

"Sa tingin ko ay malabo na mangkukulam sila pero sa tingin ko ay samurai din pero hindi basta samurai..ah ewan.."sagot ko kay Liu.

Matiim akong tinitigan ni Liu at saka muling tumuwid ng upo.

"Wag mo akong tingnan ng ganyan Liu..hindi ko nga alam kung sino ang nakalaban ko.."

Sa sinabi ko ay tila napaisip si Liu.

"Ito ba ang bahay nyo ha Liu?"untag ko sa kanyang pananahimik.

Para naman siyang bumalik sa huwisyo at tumango.Inilibot ko ang paningin ko sa buong kabahayan.Isang maliit na kubo tipikal sa isang mahirap.Nakaupo kami ngayon sa isang maliit na katre.Ang buong kubo ay naliliwanagan lamang ng isang maliit na lampara.

"Wala ka bang kapatid?"muli ko pang tanong.

"Pwede ba Yona napakadami mo talagang tanong."

"Kahit ngayon lang Liu sagutin mo naman ang tanong ko."nanghahaba ang nguso na sabi ko sa kanya.

"Tss,wala..wala akong kapatid."

"Sayang naman.."iniisip ko paano kaya kung may kapatid si Liu ano kaya ang hitsura saka kung katulad niya ba din ang personalidad."Grrrarr.."ungol ko at napahawak sa tagiliran ko.

"Bakit Yona masakit pa ba?"agad naman akong dinaluhan ni Liu habang sinisipat ang sugat ko.

"Hindi na.."

"Kung ganoon anong problema?"

"Eh~~pwede mo bang tanggalin na ang yelo sa sugat ko?masyado kasing malamig.."nakangiwi na sabi ko.

"Hindi maaari.."

"Pero kasi~~"

"Wala ng pero pero."putol niya sa sasabihin ko.

"M-alamig.."nanginginig ko na sabi.

Ramdam ko ang pangangatal ng katawan ko sa lamig.Pakiramdam ko pati labi ko ay maputla na.Nakatingin lamang sa akin si Liu.Nagulat na lang ako ng bigla na lang niya akong kinabig palapit sa kanya.Napasubsob ang pisngi ko sa kanyang dibdib.Niyakap niya ako ng mahigpit.

"Liu.."

Sukat noon ay unti-unting nawala ang aking panlalamig.Ramdam ko ang init ng kanyang katawan at mga bisig na nakayakap sa akin.Pati mukha ko ay ramdam ko ang pag-iinit.Dinig na dinig ko ang tibok ng kanyang puso ganoon din ang sa akin na tila may nagtatakbuhang kabayo.Tumatama sa aking mukha ang init ng kanyang hininga.Hindi ko napigilan na pumikit at damhin ang sarap ng pagkakayakap niya sa akin.

Ang sarap ng pakiramdam ko na para akong lumulutang sa alapaap.Tahimik lang si Liu..hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya at naisipan niya akong yakapin pero alam ko na kahit paano ay nag-aalala siya sa akin kaya naman natutuwa na ako sa bagay na yun. 

Ramdam ko ang pagbigat ng talukap ko..

**********

"Liu.."

Pagmulat ng mata ko ay wala na si Liu sa tabi ko.Nakahiga na ako at nakabalot ng isang lumang kumot.Nakatulog na pala ako ng hindi ko namamalayan habang yakap niya ako sa bisig niya.Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko ng maalala ko ang nangyari kagabi.Kinikilig talaga ako ng sobra..sayang at yun lang ang nangyari,sa isip ay maktol ng isipan kong patay na patay kay Liu.Ay..ano ba 'tong naiisip ko..ipinilig ko nga ang ulo ko.

Niyuko ko ang sarili ko..tuyo na ang sugat ko kaya naman napangiti na ako.Magdamag ba naman kasi na nakababad ito sa yelo.

Inilibot ko ang paningin ko sa buong bahay.Maliit lang ito at wala namang dibisyon maliban sa kurtina.

Wala si Liu..nasaan kaya siya..?

Pinasya ko ng bumangon..

Lumabas ako ng bahay at hinanap siya.Hindi naman ako nabigo na makita siya.Nakatayo siya sa hindi kalayuan.Nakalagay sa bulsa ang isa niyang kamay habang nakayuko sa..

Eh..? Tama ba ang nakikita ko?

Puntod? Ng mga magulang niya?

Humakbang ako palapit sa kanya.Hindi siya kumibo nung makalapit na ako sa kanya hindi niya din ako nilingon basta nakatingin lang siya sa dalawang bato na may nakaukit na dalawang pangalan.

'REIKO' at 'KANAME'

Kaname ang pangalan ng kanyang ina..kung ganoon Reiko ang pangalan ng kanyang ama.

"Puntod ng mga magulang mo.."basag ko sa katahimikan.Hindi umimik si Liu."Ipakilala mo naman ako sa kanila Liu.."pangungulit ko na...pero hindi pa din siya umimik."Ako na nga lang magpapakilala.."bumaling ako sa puntod ng magulang ni Liu."Kamusta po..ako nga po pala si Yona..ako po ang magiging kasintahan ni Liu sa darating na hinaharap..sana po ay magustuhan nyo ako."nakangiti ko na sabi na tila kaharap ko nga ang mga magulang niya.

"Baliw..hindi ka na nila makikilala dahil patay na sila,tss."nakuha ko ang atensyon ni Liu.

"Kahit na..Sigurado naman na nakikita nila ako kung saan man sila naroroon.!"

 "Wala akong nagawa para iligtas sila..Hindi ko natagalan na makita ang bangkay nila..ni hindi ko sila nailibing at basta na lamang iniwan..wala akong kwentang anak."

Sa sinabi ni Liu ay napabaling ang tingin ko sa kanya.Umiwas siya ng tingin sa akin.May nakita akong kumislap sa kanyang mga mata.Agad din siyang tumalikod at naglakad palayo sa akin.

Tss..ang hilig niya talagang lumakad palayo kapag hindi na niya kayang harapin ang isang bagay.Hindi ako maaaring magkamali..luha ang nakita ko sa kanyang mata..alam ko na pinipigilan niya lamang ang kanyang nararamdaman,magaling siya sa bagay na yun.

"Liu makinig ka..!"sigaw ko sapat para madinig niya sa distansya na nakapagitan sa amin.Tumigil naman siya sa paglakad pero hindi humaharap sa akin."Wala kang kasalanan sa nangyari..bata ka pa ng mga panahon na yun..Hindi ikaw ang may hawak ng mga mangyayari..Alam ko na nasaktan ka sa nangyari sa pamilya mo kahit na pilit mo itong itago..pero hindi mo kailangang habangbuhay na pasanin ang sakit na nararamdaman mo..dahil may bukas pa na kailangan mong harapin..Sigurado ako na iyon ang gusto ng mga magulang mo..iyon din ang gusto ko..ang makita kang masaya Liu.."madamdamin kong sabi.

Ilang sandali pa siyang nakatayo lamang doon..

Hanggang sa magsimula ulit siyang lumakad..

Eh..pagkatapos kong mag-drama..talaga bang iiwan niya ako?Hindi man lang ako hintayin..

"Liu..hintay naman oh...talaga naman oh..oh.."tumakbo na ako para habulin siya hanggang sa nasa tabi na niya ako.

Sinabayan ko na siya sa paglalakad.May kasama na naman akong pipi.-__-

"Salamat.."nagulat ako ng madinig ko ang kataga na yun sa bibig ni Liu.Nakatingin pa din siya sa daan.

Hindi ko naiwasang mapangiti habang tinitingnan siya.Pagkaano ay muli akong bumaling ng tingin sa daan ng may ngiti pa din sa labi..

Alam ko balang araw magiging masaya ka din Liu..

Nandito lang ako..

Kung kailangan kitang tulungan ay gagawin ko..

Muryou:The Damn Cold Blooded Warrior[Complete]Where stories live. Discover now