Chapter 12-Kakayahan at Pagdating

884 38 0
                                    

YONA POV

"Huwag nyong hahayaan na makapasok ang mga mangkukulam dito sa ating bayan o kahit ang mga berdugong samurai na pinamumunuan ng anak ni Rakuda na si Rio na kamakailan lang ay nabalitang nasawi..Lahat ng makakasira sa subastahan ay kailangan nyong pigilan,maliwanag."

Lumabas na kami sa silid kung saan kami muling kinausap ni Ryuu.

Pupunta kami sa bayan..magmamanman kami sa paligid..Pero bukod doon ay lihim din kaming nagmamanman sa mga tao dito sa mansyon ng mga Lao.Hindi pa din namin alam kung sino ang nilalang na nakakaalam ng nangyari sa nakaraan.Ang misyon ng bawat isa sa amin ngayon ay ang alamin ang kakayahan ng bawat isa sa pamilya ng tagapaslang.

Kailangang makilala na namin ang nilalang na ipinapahanap ng emperador Hajime.Nung mga nakaraang araw ay kinamusta na din kami ni Roujin kung ano na ang nangyari sa lakad namin.Sinabi namin na hindi pa din namin nagagawa ang misyon namin.Nag-aalala ang palasyo ng Subeta para sa amin dahil nasa poder kami ng mga tagapaslang.Ipinapaabot sa amin ni Roujin na kung kailangan namin ng tulong ay agad siyang smagpapadala.

Natapos ang buong maghapon ng aming pagbabantay.Sumapit na ang gabi.Ipinasya kong lumabas at magpahangin.

Nang makita ko si Ren sa labas.

"Oh..Ren.."bati ko sa kanya.

Lumingon siya.Nagulat ako ng makita ko na may hawak siya na ibon.Patay na ibon na hawak niya sa kanyang mga kamay na may matatalim na kuko.Labas ang utak nito at sabog ang dugo.Nakakaawang ibon.

Napakunot ang noo ko.

"Hindi mo dapat pinatay ang ibon na yan.."sita ko sa kanya.

"Pakialam mo ba..!"inis niyang sabi."Umalis ka na nga lang!"

Pagsasabihan ko pa sana siya na matutong gumalang sa matanda nang madinig ko ang boses ni Liu.

"Hayaan mo na lang muna siya.."

"Pero..sobra na ang asal niya para sa isang bata.."naiiling ko na sabi.

"Nakikita ko ang sarili ko sa kanya..siguradong may dahilan kung bakit siya nagkakaganyan.."napatango ako.

Tama si Liu..Si Liu ay katulad din ni Ren nung bata pa siya.

"Kailangan niya ng malawak na pang-unawa."wala sa loob na nasabi ko.

"Miki..! Miki ano ba?! Lumabas ka na nga dyan sa gubat! Kanina pa kita tinatawag!" hiyaw ni Ren.

Kumaluskos ang paligid.Lumabas ang mabangis na si Miki.Pero mayroong kakaiba sa kanya.

"Mabuti naman at dumating ka na..Tayo ng maglaro."sabi ni Ren dito.

Umiling lang si Miki.

"Ayaw mo?"nakakunot ang noo ni Ren.

Matamlay ang mga mata ni Miki.Hindi kaya..

Naglakas ako ng loob na lapitan siya..Hindi naman siguro niya ako dadambahin na lang basta.Napaungol si Miki nung lumapit ako.Nadinig ko pa ang pagsinghap ni Ren nung hawakan ko ang katawan ni Miki.

Mainit siya.Sabi na nga ba at may lagnat siya.

"Hindi siya pwedeng maglaro..nilalagnat siya Ren."

"P-aano mo nagawang lapitan si Miki ha??"tila iyon ang unang beses na nautal ang batang tagapaslang na ito.Namimilog ang mga mata na nakatingin sa akin.

Hindi ko tuloy maiwasang mapahgalpak ng tawa sa hitsura niya.

"Hoy tumigil ka sa katatawa mo kung ayaw mong paslangin kita babaeng ubanin!"

Muryou:The Damn Cold Blooded Warrior[Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon