Chapter 7-Angkan ng Lao

885 38 0
                                    

YONA POV

Ngayong araw na ito na magsisimula ang misyon namin ni Liu.Kasama namin ngayon ang siyam na mandirigma ng Subeta sa silid pulungan..

..si Roujin,Kagure,Fujiwara,Shikamaru,Misuke,Shira,Uchiro,Kajiro at Hiroku.

Napakaseryoso naman ni Roujin ngayon.Mas madalas siyang nakangiti kabaliktadan ni Liu kaya naman nakakapanibago.Parang may nakukutuban akong hindi maganda..?

"May nakuha ka na bang impormasyon kung saan matatagpuan ang nilalang na makakapagsabi ng nangyari sa nakaraan?"panimula ni Liu.

Tumango si Roujin.Kung ganoon madali naming makikita ang nilalang na ipinahahanap sa amin..nakakatuwa naman..pero nakakapagtaka na lalong hindi maipinta ang mukha ni Roujin?

"Anong problema?"seryosong sabi ni Liu.

Kung ganoon may problema talaga at hindi lang ako ang nakahalata nun..?

"Matatagpuan ang misyon nyo sa..bayan ng Yuhan.."Roujin.

"Ano sa bayan ng Yuhan?!"bulalas ni Shira ang nag-iisang babae na kanilang mandirigma.

Napag-alaman ko na kapatid siya ni Fujiwara. Hindi halata na magkapatid sila dahil mukhang mabait si Shira habang si Fujiwara ay mukhang malupit.Ano ang mayroon sa bayan ng Yuhan at gulat na gulat siya?Napansin ko na nagulat din ang iba at sumeryoso ang mukha.Nangunot naman ang noo ni Liu sa reaksyon ng mga ito.

"Bakit ano ba ang mayroon sa bayan ng Yuhan?"hindi ko na napigilan na itanong.

"Mga tagapaslang.."Roujin.

Ano daw?? Tagapaslang? Binabayadan para pumatay?

"Teka..hindi ko yata maintindihan..tagapaslang katulad nating mga mandirigma?"tanong ko pa.

Tahimik lamang ang iba habang nakikinig.

"Oo..ang kaibahan lamang sila ay binabayadan para pumatay habang tayo ay pumapatay para magtanggol.."tiim bagang na sabi ni Roujin.

"Sampung taon na ang nakalipas ng umusbong at makilala ang pamilya Lao sa Emperyo ng Subeta.."sasagot pa sana ako ng magsalita ang bulag na mandirigma na si Kajiro na mayroong malakas na pakiramdam.Mukha ding siya ang pinakamatalino sa kanilang lahat."..matagal ng wala si Liu sa lugar na ito kaya marahil hindi niya alam ang tungkol sa mga Lao.."saglit na bumaling ng tingin si Kajiro kay Liu bago muling nagsalita."Sila ay lahi ng samurai na naninirahan sa Yuhan..ang bayan na maituturing na din na hindi nasasakop ng palasyo dahil ito ay sa pamilya Lao lamang..sila ang hari sa Yuhan.Ang trabaho nila ay pumatay.Binabayadan sila ng sapat na halaga para sa trabahong ito."paliwanag ni Kajiro.

"Nagtataka lang ako..bakit ganoon na lamang ang gulat nyo ng malaman nyo na sa Yuhan pala namin matatagpuan ang hinahanap namin?Tagapaslang sila..mandirigma tayo..walang ipinagkaiba..kayang kaya namin silang labanan."kompyansa kong sabi.

"Hindi mo alam ang kaya nilang gawin Yona..Mahirap silang kalabanin..nakalaban na namin sila minsan ngunit madami lamang sa angkan namin na Hashida at mga kawal ng palasyo ang napaslang.Maaaring parehas lamang tayong mga mandirigma ngunit naiiba sila..dahil sabik sila sa dugo.."kinilabutan ako sa sinabi ni Roujin.Naalala ko tuloy yung nangyari sa akin kahapon sa Shogun."Kaya naman nakipagkasundo ang ama kong emperador sa puno ng mga Lao na hindi na namin pakikialaman ang bayan ng Yuhan."dagdag naman ni Roujin.Hashida ang apelyido nila ni Liu.

"Pupuntahan namin ni Yona ang Yuhan sa lalong madaling panahon..wala akong pakialam kung mga tagapaslang man sila..ang sinuman na aantala sa misyon namin ay mamamatay."malamig na sabi ni Liu.

"Huh..kaya bilib ako sa iyo e pinsan.."nakangisi ng sabi ni Roujin na nawala na ang pagkakakunot ng noo."Kung ganoon pasasamahan ko na lamang kayo sa dalawa sa mandirigma ng ating palasyo."

"Ako na lamang ang sasama sa kanila!"masiglang prisinta ni Hiroku na sa dibdib ko nakatingin.>__<

"Ako naman ang pangalawa!"sabi din ni Kagure na kinindatan naman ako.>__<

Napakamanyakis talaga ng dalawa!

"Wala sa inyo ang sasama."

"Pero bakit naman?! Hindi ba at dalawa ang pasasamahin mo sa kanila??"sabay na bulalas ng dalawa.

"Isang kaakit-akit na binibini si Yona.."ehh..bakit naman ako napasali sa usapan?"Kayo lamang ang inaalala ko..kargo ko pa kayo.."makahulugan na tumingin si Roujin kay Liu na nakakunot ang noo..eh..hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin?"Si Shikamaru at Fujiwara na lamang ang pasasamahin ko sa inyo ha Yona.."pagkaano ay nakangiti ng baling sa akin ni Roujin.

Abot naman hanggang tenga ang ngiti ko sa kanya.Tahimik lang si Liu.Buti nga sa dalawa..sigurado naman na kukulitin ako ng mga ungas kung sila ang sasama.Napuno ng protesta ng dalawa ang silid pulungan pero sa huli ay wala din silang nagawa.

Kung ganoon si Shikamaru..Fujiwara..Liu at ako ang..

..pupunta sa Yuhan..

Muryou:The Damn Cold Blooded Warrior[Complete]Where stories live. Discover now