Chapter 9-Mabangis na Gabi

977 36 0
                                    

YONA POV

Nandito na kami sa tirahan ng mga Lao.Hindi naman pala kami sa mansyon mismo tutuloy.Dito kami sa isang bahay na malapit sa mansyon ng mga Lao titira sa buong panahon ng pagtigil namin dito upang isakatuparan ang aming misyon.Ang sabi ng mayordoma ng mga Lao hindi daw pinapahintulutan na pumasok ang sinuman sa mansyon ng walang pahintulot mula sa mga Lao.

Inilibot ko ang paningin ko sa silid ko.Maayos naman ito..tama lamang ang laki ng higaan,kulay puti ang pintura at may kurtina na kulay dilaw ang bintana.Mayroong maliit na kabinet sa tabi ng kama ko.Nasa sampu ang silid na mayroon sa bahay na tinutuluyan namin kasama na doon ang silid ng mayordoma ng mansyon.May iba pa din kasing tauhan ang mga Lao na nakatira din sa bahay na ito.

Bumangon na ako.Umaga na at kagigising ko lang.Pupuntahan ko si Liu sa kanyang silid.Walang umaga na hindi siya ang una kong naiisip kapag nagigising ako.

Itinulak ko pabukas ang pintuan ng kwarto ni Liu.Nakita ko na nakapikit at nakahilata pa siya sa kanyang kama.Tulog pa siya..Napangiti ako..

Nilapitan ko siya at pinagmasdan habang natutulog.Napakaganda talaga ng mukha niya.Hindi nakakasawang tingnan.Kung naging babae siya tiyak na mas maganda pa siya sa akin.Minsan nga nung magkasama kami na gumala sa Libre ay napagkamalan siya ng isang batang salamangkero na isang babae na ikinahagalpak naman ng tawa ko.Halos patayin niya nga ako sa tingin nung mga oras na yun..Napapangiti pa din ako kapag naaalala ko ang mga sandaling yun.

Napatitig ako sa labi niya.Ang pula ng labi niya..hindi ko alam pero tila magneto na hinihila ako palapit.Napapikit ako habang unti-unting yumuyuko palapit sa kanya.Nangyari na nga ang paglalapat ng labi namin.May kilabot na dumaloy sa katawan ko.Ninamnam ko ang bawat sandali na magkalapat ang labi namin.

Ilang segundo pa at dahan-dahan kong iminulat ang mata ko..

Para lamang makita si Liu na nakatingin sa akin.

Waaa..Naman..Biglang uminit ang aking mukha..

"G-ising ka?"nahihiya kong sabi na biglang lumayo sa kanya at naupo na lamang sa kanyang kama.Nag-iwas ako ng tingin..hindi ko magawang salubungin ang mata niya.

"Ngayon ka pa nahiya eh ilang beses mo na akong ninanakawan ng halik sa aking pagtulog.."bigla akong napaharap kay Liu kahit namumula ang mukha ko.Nakangisi siya sa akin.

"W-ag mong sabihin na gising ka sa tuwing g-inagawa ko iyon??"namimilog ang mga mata na sabi ko ni hindi ko magawang banggitin ang katagang halik.Kahit naman kasi hindi ako nahihiya na sabihin na gusto ko si Liu ay nahihiya pa din naman ako pagdating sa mga sensitibong bagay na tulad noon.

" Ganoon na nga."

Bigla na lamang bumangon si Liu kaya naman halos magkalapat ang aming mukha..kaunting kaunting distansya na lamang kaya naman napaurong ako..pero umangat ang kamay niya para hawakan ang mukha ko.

"L-iu.."

"Kulang pa sa aral ang halik mo."seryosong sabi ni Liu.

Eh~~sabihin ba naman na ganun.Dumukwang siya palapit sa akin kaya naman lalong nagkalapit ang mukha namin.Tila hahalikan niya ako..Napapikit tuloy ang mata ko.

"Sa susunod galingan mo para naman magustuhan ko.."

Napamulat ako ng mata ng mawala ang kamay ni Liu sa pagkakahawak sa mukha ko.Wala na din siya sa harapan ko at palabas na ng silid.Akala ko pa naman ay hahalikan na niya ako yun naman pala ay pupulaan niya lamang.

Naman..kung ganoon hindi niya nagustuhan ang halik ko..Lalo tuloy akong napapahiya.

Napasimangot tuloy ako.

Muryou:The Damn Cold Blooded Warrior[Complete]Where stories live. Discover now