Chapter 14-"Akin Siya"

1K 47 11
                                    

LIU POV

"Nakita nyo ba si Yona?"

Nagkatinginan si Fujiwara at Shikamaru sa tanong ko.

"Ikaw na yata ngayon ang naghahanap kay Yona ha Liu..dati rati'y si Yona ang laging naghahanap sa'yo ah.."umangat ang sulok ng labi ni Shikamaru.

"Ang sabi ko kung nakita nyo?"nagsalubong na ang kilay ko.

"Hindi namin nakita baka naman may nagawa kang masama at pinagtaguan ka.."nakangisi din na sabi ni Fujiwara.

Ang lakas lang makaradar ng mga to?

Galit nga sa akin si Yona dahil sa nakita niyang eksena namin ni Kara na hindi ko naman ginusto.

Hapon na ngayon.Naalala ko pa ang naging pag-uusap namin kaninang umaga.

********

"Yona sabay na tayong kumain..?"hinawakan ko ang kamay niya.

Nakasalubong ko kasi siya.Hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin,diretso lamang ang kanyang paglalakad.Akma pa niya akong lalagpasan kaya naman hinawakan ko na siya sa braso upang pigilan.

Hindi siya umimik at pinalis ang kamay ko na nakahawak sa kanya tinalikudan ako at lumakad muli.Nainis ako.Sa unang pagkakataon binalewala niya ako.Pero kasalanan ko din naman..naiintindihan ko na galit siya.Bumuntong hininga ako.Kailangan kong ipaliwanag sa kanya ang nangyari.

Malalaki ang hakbang na sinundan ko siya at hinawakan muli sa kamay.

"Kain tayo?"ulit na aya ko.

Mula sa kamay ko na nakahawak sa kamay niya ay umangat ang malamig niyang tingin sa mukha ko.Nagkatama ang aming mga mata.Ang ganda talaga ng kulay tsokolate niyang mata nga lamang ay walang sigla ito ngayong nakatingin sa akin,walang emosyon.

"Kumain na ako kasabay si Jin at isa pa hindi ko gustong makasabay ka o makausap man lang..si Kara na lang ang yayain mong kumain."malamig niyang sabi.

Parang sinaksak ng punyal ang puso ko sa kanyang sinabi lalo na nung nadinig ko ang pangalan ni Jin.At sabay silang kumain ha?!

"At si Jin gusto mo?"inis ko na sabi.

"Oo gusto ko siya."

"Nak ng..yan ba ang sinabi mo na mahal mo ako ha?? Nakakita ka lamang ng iba ay iba na ang gusto mo?"hindi ko na napigilan ang umalsa ang boses ko.Nag-iigting ang bagang ko.Dumiin ang kuko ko sa pagkakahawak ko sa kanya.Nakita ko na medyo napangiwi siya.

"Hindi ko na maalala na sinabi ko pala ang bagay na yun.."pilit niyang inalis ang kamay ko na nakahawak sa kanya.

Para akong natuklaw ng isang haring kobra sa sinabi niya.

"Yona sabihin mong nagbibiro ka lang.."madilim ang mukha na humakbang ako palapit sa kanya.Malapit na malapit.Hanggang sa halos magdikit na ang mukha namin.

"Bakit naman ako magbibiro?"

Walang emosyon na sabi niya.

Hindi ko sinagot ang tanong niya.Napatingin ako sa labi niya.Wala akong gustong gawin ngayon kundi ang halikan siya.Yuyuko sana ako upang maglapat ang labi namin nang umurong siya.

"Lalayo ka ba o gusto mong pilitin pa kitang lumayo?"malamig na sabi niya.

Naramdaman ko ang pagtaas ng aura niya.Nabalutan ng puting enerhiya ang katawan niya.Nasa mga mata niya ang kagustuhan na labanan ako.

Napabuntong hininga ako.Hindi na ako nagsalita pa.

Hindi ko na siya hinabol pa nung umalis na siya.

Muryou:The Damn Cold Blooded Warrior[Complete]Where stories live. Discover now