Chapter 21-Natupad na Pangarap

1.1K 30 8
                                    

Tatlong araw na ang nakalipas.Tapos na ang subastahan.Nagawa pa namin itong maayos sa tulong ng kakambal ko na si Yuri at ng mga tagapaslang.Nalinawan na ang grupo ng berdugong si Aki.Nalinis na ang pangalan ni Ryuu.Nanatili sila hanggang sa matapos ang subastahan at nagpaalam din pagkaano.

Hindi pa din kami nag-uusap ni Yona ngayon simula nung pinutol ko na ang ugnayan namin bago maganap ang subastahan.Iniiwasan niya ako.May masakit sa parteng dibdib ko sa tuwing ginagawa niya iyon.May oras pa nga na ako na mismo ang lumalapit sa kanya kahit hindi niya ako pinapansin..hindi ko alam kung bakit ginagawa ko pa iyon gayong ako naman ang may gusto nito.Ito ang tama..Hindi kami maaaring magpatuloy ni Yona..hindi magiging maganda ang kalalabasan.

Nakausap ko si emperador Hajime sa pamamagitan ni Zak..Nandito ngayon si Zak na kanyang ipinadala para sunduin si Yuri at isama sa Libre ora mismo. Sakay siya ni Kai. Nga lamang ay ayaw pumayag ni Ryuu.

"Ayoko..hindi ka pupunta sa Libre."seryosong sabi ni Ryuu.

Napakunot naman ang noo ko.

"Hindi ba at napag-uapan na natin ito Ryuu."sabi ng kakambal ko na si Yuri.Nagpapaunawa ang kanyang mga mata.

"Hindi ka pupunta sa Libre ng hindi ako kasama."pinal na sabi ni Ryuu.

"Ah.."napaawang naman ang bibig ni Yuri.

"..lalo at may manyak kang kasama."masama ang tingin na ipinukol ni Ryuu kay Zak.

Tss,seloso din pala ang kumag.Akala mo kasintahan na ang kakambal ko e ni hindi pa nga nililigawan at isa pa kailangan niya ding dumaan sa akin.

"Sinong manyak ha?!"akmang susugudin ni Zak si Ryuu nahawakan lamang siya sa magkabilang braso ni Shikamaru at Fujiwara.

"Ikaw."nakangisi na sabi ni Ryuu kay Zak.

Dinuro naman ni Zak si Ryuu pagkaano ay ngumisi din.Si Yona ay nakatingin lamang sa amin.Hindi ko alam ang tumatakbo sa isip niya.

"Para sabihin ko sa'yo sa gwapo kong ito babae ang nangmamanyak sa akin huh!"mayabang na sabi ni Zak.

"Tss,basta hindi aalis si Yuri ng hindi ako kasama kung ayaw mong malagutan kaagad ng hininga."pinal na sabi ni Ryuu na ikinangitngit ni Zak.

Wala na kaming nagawa.Kasama si Ryuu bukas pag-alis nina Zak at Yuri.Kami nina Yona,Shikamaru at Fujiwara ay babalik pa sa Subeta.Inaasahan nila ang pagbalik namin pati na din si Yuri.Naibalita ko na din kasi na natagpuan ko ng hindi inaasahan ang kakambal ko.Tuwang-tuwa si Lira ng malaman na may kakambal ako.Inaasahan niya ang pagdating ni Yuri.Susunod na lamang sila ni Ryuu pagkagaling sa Libre.Ihahatid sila ni Zak sa Subeta.May pagdiriwang na magaganap para sa pagkakasama-sama ng mga angkan ng Rashida. 

"Ako din sasama na pagbalik sa Libre.."

Nabingi lamang ba ako?

Napabaling ang tingin ko kay Yona na nagsalita.Seryoso lamang ang mukha niya.

At babalik na daw siya sa Libre?

Talagang iniiwasan niya ako..Hindi ko alam pero hindi ko gusto ang mga nangyayari..Bakit ganito? Ito naman ang dapat..

"Sige ihahanda ko na ang mga gamit ko."hindi man lang ako binalingan ng tingin.

Tumalikod na siya at lumakad palayo.

"Hahayaan mo na lamang ba siya ha Liu?"nanghahamon na sabi sa akin ni Jin.Hindi ako umimik."Kung hahayaan mo lamang siya kukunin ko siya sa'yo.."

Napakuyom ang kamao ko.Masama ang tingin na ibinigay ko sa kanya..

************

Aalis na kami mamaya nina Kai, Zak,Yuri at Ryuu.Babalik na kami sa Libre.Bigla ay parang nasabik akong makita si ina.Ang tagal na din namin sa misyon at gusto ko na siyang makita.Kahit na nalulungkot ako e nagawa ko pa ding ngumiti nung maalala ko si ina.

Inaayos ko pa ang iba kong damit nang may madinig ako na pumasok sa silid ko.Si Zak malamang nainip na sa kahihintay sa akin.Magagawa mabagal talaga gumayak ang babae.

"Zak aalis na ba tayo?Pasensya na kung natagalan ako sa pag-aayos..matatapos na ito."

Hindi umimik si Zak.Nagkibit balikat na lamang ako.

Nagulat na lang ako at nanigas sa kinatatayuan ko nang may yumakap sa akin mula sa likudan.Ang init ng katawan..ang amoy..ang yakap..

"L-iu.."

"Mag-usap tayo Yona.."

Natauhan ako.

"Nag-usap na tayo hindi ba.."pilit kong pinakaswal ang pagsasalita ko kahit pakiramdam ko ay nanginginig na ang katawan ko."Hindi ba at umiiwas na nga ako sa'yo..lalayuan na kita Liu at sisimulan ko iyon sa pagbabalik ko sa LIbre..huwag kang mag-alala malinaw sa akin ang napag-usapan natin at sinabi mo.."mahina ang tinig na sabi ko.

Pilit kong inaalis ang kamay niya na nakayakap sa akin pero lalo lamang itong humigpit.

"Wag kang umalis..ayokong malayo ka sa akin.."

Bigla ay inatake ng mabilis na tibok ang puso ko.

Ano ba ang ibig niyag sabihin..Nalilito ako..

"B-akit.."nauutal na sabi ko.

Iniharap ako ni Liu sa kanya.Iniiwas ko ang mukha ko para hindi magkatama ang aming mata pero hinwakan niya ang pisngi ko kaya naman nagkatitigan kami.

"Mahal kita Yona..mahal na kita..hindi ko alam kung kailan nagsimula pero mahal na kita at hindi ko na kayang malayo ka pa sa tabi ko.."

Kumabog lalo ang dibdib ko.Natigilan ako.Paulit-ulit na umalingawngaw sa isipan ko ang sinabi ni Liu.

Mahal niya daw ako?

"Wag mo nga akong biruin Liu..baka maniwala ako..hindi ba at sinabi mo lamang na hindi mo ako magagawang mahalin.."tumawa ako ng bahaw.

Nakita ko na nangunot ang noo ni Liu.

"Mahal kita Yona at hindi ipinagbibiro ang bagay na iyon..nagkamali ako na putulin ang kung anumang meron sa atin..pero natakot ako.."

Kung ganoon mahal ako talaga ni Liu..

Literal na napaawang ang labi ko..

Pero sabi niya ay natakot siya?Hindi kapanipaniwala na ang tulad niya ay natatakot din.

"Natakot saan?"

"Alam mong isinumpa ako hindi ba.."tumango naman ako."Nung makita ko si Yuri at ang kanyang mga mata na higit kaysa sa mata na mayroon ako ay natakot ako..paano kung magbunga ang pagtatalik natin..kung magkaanak tayo at maging isinumpa din sila na tulad ko namin ni Yuri..Nakakaawa~~

"Kung magkaganoon man ay mamahalin ko pa din sila katulad ng pagmamahal ko sa'yo.."hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya.Malawak ang ngiti na ibinigay ko sa kanya.Nalinawan na ako ngayon kung bakit niya nagawang putulin ang kung anumang namamagitan sa amin.Ayaw niya lamang pala na matulad sa kanya.

Matagal na nanahimik si Liu pagkaano ay bahagya nang napangiti.

"Kaya mahal kita eh.."

Waaa..kinikilig na talaga ako lalo at paulit-ulit niyang sinasabi na mahal niya ako..kyaahh!

"Pero paano kung hindi ako maging mabuting ama? Paano kung hindi ko sila magawang mahalin?"

"Walang ama na hindi kayang magmahal ng anak Liu at kung nagawa mo akong mahalin..higit pa ang magagawa mo sa ating magiging anak."pinamumulahan naman ako ng mukha sa sinasabi ko..

Ano ba ito at anak na agad ang pinag-uusapan namin..>///<

Niyakap ako ng mahigpit ni Liu..

Niyakap ko din naman siya ng mahigpit.

"Salamat sa pagmamahal sa akin Yona..salamat.."

Ako ang higit na dapat magpasalamat..

...dahil..

Natupad na ang pangarap ko na mahalin ni Liu Rashida..

**********

yuki_tin13

Last chapter na po ang sunod..ending na ang Muryou:The Damn Cold Blooded Warrior..

Muryou:The Damn Cold Blooded Warrior[Complete]Where stories live. Discover now