Chapter 20-Kaguluhan

881 35 1
                                    

Napahigpit ang hawak ko sa kamay ni Jin habang nakatingin sa mga dumating.

Nakakaramdam ako ng panganib.

"Sino sila?"

"Ang mga berdugong samurai..mga pipitsugin..wala naman silang mga kakayahan..ang lakas ng loob nila na sumugod dito."tiim bagang na sabi ni Jin.

Sila pala ang mga berdugong samurai na sinasabi nila..wala na din silang ipinagkaiba sa mga pirata at tulisan.

"Hanapin ang pakay!"nadinig naming hiyaw nung lalaki na nasa pinakagitna.Mukhang siya ang pinuno ng hukbo nila.

"Masusunod amo!"hiyaw ng mag tauhan nito.

Hindi malaman nina Jin kung ano ang pakay ng mga ito sa kanila..ang mga mangkukulam alam nila ang pakay..ang espada ni Kenshin.. habang ang mga ito ay hindi nila matukoy.

Napatingin kami nung sumigaw sila at tila nakita na ang pakay.Lahat sila ngayon ay nakapalibot kay Ryuu..

Bakit si Ryuu?

"Ako pala ang pakay nyo dito Aki? Ano ang kailangan nyo sa akin?"seryoso ang mukha na sabi ni Ryuu.Aki pala ang pangalan ng lalaking iyon.

"Ikaw nga..at tinatanong mo kung ano ang kailangan namin sa iyo?"nakangisi na tanong nito."Kailangan ka lang naman naming patayin..katulad ng ginawa mo kay Rio! Pinatay mo ang matalik kong kaibigan!"matalim ang mga mata at nagngangalit na sabi ni Aki na pumuno sa buong lugar.Natahimik lahat.Nangawala ang ibang mga bisita sa subastahan.Inilikas na sila ng mga kasama ko at ng mga tagapaslang.

Nakita ko ang pagtataka sa mata ni Ryuu maging si Jin..May mali sa nangyayari..

"Pinaslang? Hindi ako ang pumaslang kay Rio berdugo."seryosong sabi ni Ryuu.

"Sinungaling ka! Nakita mismo ng mata ko na ikaw ang pumaslang sa kanya! wag mong sabihin na mga tagapaslang kayo dahil hindi namin kayo uurungan!"

Agad naman na nakalapit si Yuri kay Ryuu..

"Maaaring tagapaslang kami pero hindi kami sinungaling!"pagtatanggol ni Yuri.

"Tumabi ka Yuri..ako na ang bahala dito.."

"Pero.."

"Wag na kayong magpaliwanag pa..kung inaakala nyo na pumunta kami dito ng walang kalaban-laban ay nagkakamali kayo..maaaring nasa teritoryo nyo kayo pero.."bigla na lamang may bilog na ibinato si Aki sa lupa.May sumabog na usok.Pumalibot ito sa buong lugar subastahan at gumawa ng malaking harang."..hangga't nasaloob kayo ng harang na ito..hindi nyo magagamit ang kapangyarihan nyo.."nakangisi na tila demonyo na sabi nito. "..at Yuri...wag mo ng subukan humarang dahil wala akong balak na paslangin ka ni ang saktan...."nakakapagtakang lumambot ang ekspresyon ng berdugong samurai kay Yuri?

Napamura naman si Jin na nasa tabi ko.

Mano-mano ang laban kung ganoon..?Sinubukan ko ngang gamitin ang kapangyarihan ko pero hindi ko nga ito magamit..Nadinig ko na ang tungkol sa 'potion' na iyon na nakakapagpawalang bisa ng kapangyarihan pansamantala habang nasa ilalim nito..Pero paanong magiging patas ang laban kung isang hukbo sila..napakadami na hindi mabilang habang kami ay sampu lang.Sila ay sampung doble.

Nagsimula na silang sugudin si Ryuu.Kami naman ay sumugod na din.Nakita ko na madami ang nasugod kay Ryuu.Malakas siya at magaling makipaglaban pero kapag ganito kadami ay tiyak na hindi niya kakayanin.Napamura ako ng makita ko na tatamaan siya ng palaso sa likod ng hindi niya namamalayan sa dami ng pinauulan na palaso at sinasangga niya.Sasalagin ko ito.Kaya ko itong saluhin bata pa lamang ako ay pinag-aralan ko ito..Mabilis akong nakalapit sa likudan niya.Napatingin na naman ako kay Liu..nagkatama ang tingin namin..bumalik na naman ang sakit..sukat noon sa halip na masalo ko ang palaso ay tumusok ito at bumaon sa palad ko..

Napaluhod ako.Umaagos ang dugo.Ang sakit.Argg..

"Yona.."agad akong dinaluhan ni ryuu at Yuri..nag-aalala silang nakatingin sa akin.

Sa gulat ko ay agad ding nakalapit si Liu.Nakita ko ba na nag-aalala siya?

"Ang tanga-tanga mo talaga.."inis niyang sabi.

Hindi na lang ako sumagot..hindi ko din kasi magawang ibuka ang bibig ko.

"Kailangan na natin itong tapusin.."sabi ni Liu matalim ang mga mata..lumalabas ang mga ugat.

"Tama kailangan na natin itong tapusin Liu.."sang-ayon naman ni Yuri..nakita ko din na lumalabas ang ugat sa mata niya..

Napasinghap kami ni Ryuu..ang kanilang isinumpang anyo..? Pero?

"Maaaring kaya nyong pigilan ang kapangyarihan namin ngunit hindi ang aming..isinumpang anyo.."nakangisi na sabi ni Liu..si Yuri ay nakangisi din..

Bakit ganoon parang nakakakita kami ngayon ng kambal na demonyo?

Err..nakakatakot ang kombinasyon nila..

Lumabas ang matutulis nilang kuko..Sa mabilis na kilos ay tila ipo-ipo na dinaanan ng dalawa ang mga berdugo at isa-isang nagbagsakan ang mga ito..

Hanggang sa ang natira na lamang na nakatayo ay si Aki na napaurong habang humahakbang palapit sa kanya si Yuri at Liu..Parang bigla ay naawa ako sa kanya lalo at hindi pa naman namin alam ang nangyari..may mali alam ko..sa sinabi pa lamang ni Ryuu na hindi sila ang pumaslang sa Rio na iyon ay alam ko ng may mali..

"Liu tama na..!"buti at kahit paano ay may kontrol pa din sila ni Yuri.Tumigil sila ng madinig ang paghiyaw ko.Napangiwi ako ng maramdaman ko ang sakit ng kamay ko.

"Nakakatuwa naman kayong panoorin na nagkakagulo.."napatingin kami sa nagsalita.

May mga dumating na naka-itim at may malaking dimensyon na nakabukas sa likudan nila..

"Si Dilan! Ang mga mangkukulam!"bulalas ko.

"Magandang araw sa inyo..salamat dito ha.."nakangisi na sabi nito sa amin at iniangat ang hawak.

"Ang espada! Gago ibalik mo yan!"bulalas ni Jin.

"Nasa akin na eh kaya sa akin na ito.."nakangisi na sabi nito.

Nagulat kami nung bigla na lang mag-iba ang anyo nito..naging si Ryuu ito!

"Kuhang-kuha ko ba ang hitsura mo ha?"

"Kinopya mo ako!"galit na sabi ni Ryuu.

"Ikaw ang pumatay sa matalik na kaibigan ko!"galit na galit na hiyaw ni Aki at sinugod si Dilan na hindi nakahuma.Tinamaan niya ito sa mukha.

Matalim na tiningnan ni Dilan si Aki at susugudin din nang bigla na lamang lumitaw si Nobu at pinigilan ito..

"Nakuha na natin ang pakay at pinababalik na tayo ni Ketsuya."

"Tss."wala itong nagawa kundi ang sumunod.

Pumasok sila sa dimensyon at nawala sa aming harapan.

Wala kaming nagawa..natangay nila ang espada..nasira ang subastahan..

Nakita ko na napaluhod sa lupa si Aki at pinagsusuntok ito..

Wala na kaming magagawa..nangyari na ang lahat..kailangan namin itong maayos..

Pero may isang mabuti na nangyari..nalinawan ang mga berdugo..

Nalinis ang pangalan ni Ryuu...

Muryou:The Damn Cold Blooded Warrior[Complete]Where stories live. Discover now