Chapter 15-Pag-iisa[WARNING]

1.2K 39 3
                                    

yuki_tin13

WARNING~~~SPG[Strictly Parental Guidance]..Read at your own risk..feel free to selfie..hahaha..mga kids..skip..wag basahin?


YONA POV

"Ano ba Liu?! Ibaba mo nga ako!"bulyaw ko habang nagpupumilit kumawala sa kanya.

Paano ba naman ay binuhat niya ako at isinampay sa balikat niya.Binayo ko ng aking kamao ang kanyang likudan pero hindi pa din niya ako ibinababa.Hindi siya umiimik at madilim ang mukha.

"Ayaw mo akong ibaba ha?!"nanghahamon ko na sabi sa kanya.

Unti-unti ay inilabas ko ang kapangyarihan ko.Lalabanan ko siya kung ayaw niya akong ibaba huh!

Nang maramdaman ko na lang na may bumalot na tubig sa paa at kamay ko na para akong nakaposas kaya naman hindi na ako lalo makapalag.

"Huwag mong subukan ang pasensya ko Yona..alam mong hindi ka mananalo sa akin."matigas na sabi ni Liu.

Bakas ang galit sa bawat himaymay ng kanyang pagkatao sa mga oras na ito.Hmp! Eh ano ngayon?! Galit din naman ako sa kanya! Bakit hindi na lang niya ako hinayaan kay Jin kanina,nakakainis talaga..hindi ko siya maintindihan!

Handa ko na sanang ibigay ang katawan ko kay Jin upang makalimutan siya pero bigla naman siyang sumulpot! Parang kabute lang,tss!

Nang maalala ko ang sinabi niya kanina nung magkaharap sila ni Jin..

'Makinig ka tagapaslang..walang maaaring umangkin kay Yona kundi ako lamang..dahil akin siya..'

Umalingawngaw sa isipan ko ang sinabi niyang iyon kaya naman pakiramdam ko ay namula ang mukha ko.

Ano ba ang ibig niyang palabasin doon?! Bakit niya sinabi ang bagay na yun?? Ang gulo niya talaga?! Pero hindi ko maiwasang kiligin sa sinabi niyang iyon..pero hindi! Galit ako sa kanya! Ano yun siya lang ang aangkin sa akin tapos may Kara pa siya at kung sino mang babae?! Takte siya!

Umagaw din sa alaala ko ang nangyaring paglalaban ni Jin at Liu.Oo naglaban talaga sila dahil sa akin..ang haba tuloy ng buhok ko?

Naalala ko pa ang usapan nila kanina hanggang sa magtunggali na sila.

"Paano kung ako ang gusto ni Yona at hindi ikaw?"nakangisi na sabi ni Jin kay Liu at bumaling sa akin para kindatan ako.

Iba ang hitsura ng mukha ni Jin kpag si Liu ang kaharap,nawala ang pagkaamo..bumangis..nasa aura niya na papaslang..samantalang pagharap niya sa akin ay bahagya pa siyang ngumiti at mapaglaro ang kindat na ibinigay sa akin.Maamo ang mukha niya.Eh..paano niya kaya nagagawang baguhin ang dating niya sa isang iglap lang?

"Wala akong pakialam sa kung ano ang gusto ni Yona..ang gusto ko lang naman ang masusunod dito."galit ng sabi ni Liu.Ang kapal niya! Nababalot ng yelo ang paligid.Napapaikutan siya ng tubig sa katawan at mayroong tatlong dragon na gawa sa tubig ang nakapaikot sa kanya.Malamig ang kanyang mga mata na nakatingin kay Jin.

""Huh..mayabang ka din eh ano..kung ganoon tingnan na lamang natin kung sino ang mananalo sa atin.."nakangisi pa din na sabi ni Jin.

Nabalot din ng enerhiya ang katawan ni Jin..Nabalot ng hamog ang paligid.Lumabo ang paligid hanggang sa unti-unting lumiwanag din..at sa gulat ko maging ni Liu ay..

Nababalutan din ng tubig ang katawan ni Jin at mayroon din siyang tatlong dragon na gawa sa tubig na paikot-ikot din sa kanya.

Tubig din ang kapangyarihan niya??

Pinasugod ni Liu ang kanyang dragon..ganoon din ang ginawa ni Jin.Nagtunggali ang mga ito hanggang sa lumikha ng pagsabog.Nawala ang mga dragon ng magkasabay.Ngumisi si Jin.Seryoso lamang ang mukha ni Liu.Gumawa si Liu ng bola ng enerhiya na gawa sa tubig..at sa mangha namin ay ganoon din ang ginawa ni Jin! Napagtanto ko na hindi tubig ang kapangyarihan niya kundi may kakayahan siyang manggaya ng kapangyarihan!

Muryou:The Damn Cold Blooded Warrior[Complete]Where stories live. Discover now