Chapter 1-Invasion

1.7K 58 0
                                    

YONA POV

Mabilis akong tumatakbo patungo sa kwarto ni Liu para gisingin siya at ayain na kumain at sabay ng pumunta sa sanayan.Masyado kasing takaw tulog ang taong yun.Madalas din ay nasa itaas siya ng puno sa likod ng palasyo at natutulog.

Bata pa lang ako noon nung makilala ko si Liu.Tatlong taon ako noon at lima naman siya.Unang kita ko pa lamang sa kanya ay nagustuhan ko na siya.Pangalawa lamang ang kanyang buhok sa aking nagustuhan dahil unang una kong nagustuhan sa kanya ay ang kanyang mata..sa puti nito ay para itong nyebe sa tag-lamig.Sa tuwing tumitingin ako sa kanyang mga mata ay tila hinihigop ako nito sa ibang mundo.Para bang napupunta ako sa mundo ng mga nyebe at ako ang prinsesa ng nyebe.Nais ko tuloy matawa sa layo ng tinatakbo ng isipan ko.

Nakarating din ako sa harap ng pintuan ng silid ni Liu.Inihanda ko na ang malawak kong ngiti.Nang makadinig ako ng mahinang ungot..Bigla akong nakaramdam ng pag-aalala.Binabangungot na naman ba si Liu?Ang alam ko ay napatigil na yun nung mapatay niya si Rakuda nung maglakbay kami sa Emperyo ng Subeta ang bayan ng kanyang ama upang kumuha ng asul na hiyas.Doon ko nalaman ang pagiging isinumpa niyang bunga pero hindi yun nakabawas sa pagkagusto ko sa kanya.

Hindi ako nag-aksaya ng oras at ipinorma ang mga kamay ko na tila magcacame hame wave.Bumwelo ako at buong pwersa na inilapat ang mga palad ko sa pintuan.Pabalya itong bumukas.

Nagkatama ang mata namin ni Liu na tila nagulat sa pagpasok ko.Gising na pala siya ang inaasahan ko pa naman ay tulog pa siya at binabangungot nga.Nahalinhan ng pagkairita ang pagkagulat niya?at agad siyang tumalikod.Nilapitan ko naman siya kaagad.

"Anong nangyari sa'yo?Ayos ka lang ba?Nadinig kasi kita na tila binabangungot?"sunod-sunod na nag-aalala kong tanong sa kanya.

"Ayos lang ako."nahihimigan ko ba siya talaga ng pagkainis?wala namang problema kahit magsungit siya dahil hindi naman ako naaapektuhan basta ng pagsusungit niya.

"Talaga bang ayos ka lang?pinagpapawisan ka.."pangungulit at puna ko.Sinipat-sipat ko pa ang katawan niya pero tila may itinatago siya sa akin at parang namumula ang mukha niya?ehh..

"Ang kulit mo talaga..ayos lang sabi ako..basta ka na lang pasok ng pasok sa kwarto ng lalaki..hindi magandang tingnan sa isang dalaga ang ganoon."

"Hindi ka na nasanay sa akin.."tapik ko sa hita niya.

Nagulat ako ng bigla niyang tinapik palayo ang kamay ko na nakapatong sa hita niya.

"Gawin mo pa ulit yun.."bulong niya.

"Ha?"hindi koyata naintindihan ang sinabi niya.

"Ang sabi ko pasok ka ng pasok ng wala sa oras,tss."

Haayyzz..ano ba talaga ang ikinaiinis niya e dati ko na tong ginagawa.

"Paano na lang kung nakahubad mo na naman akong datnan dito kunsensya ko pa kapag nahimatay ka ulit,tss."

Oo,nadatnan ko na si Liu na hubad ang pang-itaas na damit lang naman niya at ang nakakahiya ay hinimatay ako nung unang beses na nakita ko ang kanyang katawan.Nasilaw ako sa matipuno at balingkinitan niyang katawan.Pakiramdam ko tuloy ay namula ang mukha ko ngayon.Napakaganda ng katawan niya at hindi ko napigilan na magnasa..Hindi ko maiwasang maglakbay ang isipan ko sa eksenang yun.

"Ang laway mu tumutulo na."

"Ehh.."sabay pahid ko ng laway ko..nakakahiya.-__-"ang laki ng problema mo..e di magtatakip ako ng mata.."

"Magtatakip pero kita naman,tss..halika na nga.."

Tumayo na si Liu naglakad na palabas ng kanyang silid.Mabilis naman akong sumunod sa kanya.Nagpunta muna kami sa silid kainan at nag-umagahan.Pagkatapos ay nagpunta kami sa sanayan.

Kasama naming nagsasanay sina Akeru,Mito at Rima.Si Kira ay wala pa.Samantalang sina Ken,Shugen at Shin ay nasa mundo nina Yumi..ang dalagang napadpad dito sa aming mundo ilang buwan na ang nakakalipas na naging dahilan ng paglalakbay namin sa Emperyo ng Subeta,Shinobi at Jumon upang kumuha ng hiyas ng kanilang emperyo para makabalik siya sa kanilang mundo.Sinundan ni Miyata si Yumi sa kanilang mundo nang siya ay umuwi.Natutuwa ako para sa kanilang dalawa.Alam ko kung gaano nila kamahal ang isa't-isa..lalo na si Miyata kaya naman nagawa niyang tawidin ang mundo nina Yumi para makasama lamang ito.Masaya ako para sa kaibigan kong si Yumi.

Isinama ni Miyata ang tatlo nung umuwi siya dito sa aming mundo nang ipatawag siya ng emperador upang ipaalam ang presensya ng puting mahika sa mundo nina Yumi.Nagulat ako ng malaman ko ang bagay na yun.Hindi ko pa din alam ang kwento tungkol sa pagkakapunta ng mahika sa mundo nina Yumi.Isa daw iyong makapangyarihang mahika na pag-aari ng emperyo at isa sa makakapagpakawala sa emperatris sa salamin.

Kasalukuyan na kaming nagsasanay.Ako laban kay Rima habang si Liu naman laban kay Akeru.Si mIto ay nagmamasid lamang sa aming laban.

Nang dumating si Kira.Napatigil kami sa aming paglalaban.

"Mga kasama tapos na ang pagsasanay.."bungad ni Kira.

"Kasisimula lang namin ah.."sabi ko naman.

"Ipinatatawag tayo ng emperador..pupunta tayo ngayon sa bulwagan ng palasyo."seryosong sabi ni Kira.

Ipinatatawag?

..bakit naman kaya..

Ano kayang mahalagang bagay ang sasabihin ng emperador..

Muryou:The Damn Cold Blooded Warrior[Complete]Where stories live. Discover now