Chapter 10-Pakikipagharap

844 33 0
                                    

YONA POV

Kagagaling ko lang sa kulungan ng mga kabayo.Nakita ko doon si Tandang Hinaya..tinulungan ko siyang magpakain ng mga ito.Nabanggit sa akin ni Tandang Hinaya na makakaharap daw namin mamaya ang magkakapatid at magpipinsan na Lao na naiwan dito sa mansyon.

Kung ganoon makikilala na namin sila mamaya..Iniisip ko kung sa personal ba ay talagang malupit sila bilang isang tagapaslang katulad ng sabi-sabi ng lahat?

"Arrgghh..naman..!"

Nang may mabangga ako..saka lamang bumalik sa kasalukuyan ang aking isipan.Napayuko ako sa nabangga ko.Isang bata.Batang lalaki na may puting buhok na gulo-gulo at tirik-tirik.Mayroon itong itim na itim na mga mata na masama ang tingin sa akin.At eh~~ ang dungis ng hitsura ng damit niya..

"Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo ha?!"iritang sabi nito.Siguro ay isa ito sa mga anak ng naninilbihan o tauhan dito sa mansyon.

"Pasensya na.."

"Pasensya? Ang tanga-tanga mo tumabi ka nga dyan!"singhal nito.

Aba't sumosobra na ang batang ito! Grr..!

Bubulyawan ko din sana ito ng mawalan ako ng balanse sa pagdagil nito sa akin para mawala ako sa kanyang daanan.Naiwan akong nagngingitngit at habol ng tingin sa bata.Magsisimula na akong muling maglakad ng may makabunggo na naman ako?! 

"Ano na naman ba?!"kahit ako naman ang hindi tumitingin sa daan ko ay singhal ko din sa nakabangga ko.Nadala kasi ako ng inis ko sa batang yun!

"May problema ka ba Yona?"kaswal na sabi sa akin ni Liu.

"Wala..may nakabunggo lamang ako na bastos na bata."

Nang maalala ko yung nangyaring paghalik niya sa akin kagabi..Nahihiya na natutuwa ang pakiramdam ko ngayon.

"Ah..eh..yung kagabi nga pala.."hindi ko alam kung paano ko sisimulan..bakit nga ba binanggit ko pa?

"Ginawa ko lamang iyon para alisin ang takot mo..hindi naman ako nabigo dahil natuon sa halik ko ang atensyon mo na tiyak kong nagustuhan mo."

Inis ang biglang bumangon sa akin sa sinabi ni Liu..kung ganoon ginawa niya nga lang talaga iyon para hindi ako matakot..

"Salamat ha.."sarkastiko kong sabi.

Hindi na nakasagot si Liu nung dumating sina Shikamaru at Fujiwara.

"Gusto daw tayong makita ng mga Lao."seryosong sabi ni Shikamaru.

Nakasimangot na sumunod ako sa kanila.Kasama namin si Tandang Hinaya papunta sa mansyon.Siya ang nagbukas ng pintuan para sa amin.Yumukod siya sa mga tao na nasa loob pagkatapos ay lumabas din.

Hinarap namin ang mga Lao.

Nang unang makuha ng atensyon ko ang batang nakatayo sa gilid ng sopa.

"Ikaw?!"gulat kong bulalas.

"Ako nga."nakaismid na sabi ng bata.

Ito yung batang nakabunggo ko kanina.Hindi katulad kanina ay malinis na ang kasuotan nito at mukha ng mayaman.Kaya naman pala arogante ang asta nito na tila siya ang may-ari ng lupa na tinatapakan ko.

"Akala ko..akala ko anak ka ng mga trabahador dito yun pala..yun pala.."

Bago ko pa matuloy ang sasabihin ko ay nadinig kong tumawa ang lalaki na nakaupo sa sopa.

"Masyadong matalas ang bibig mo babae baka hindi ko mapigilan ang sarili ko ay mapaslang kita ng wala sa oras."inis na sabi ng batang lalaki patungkol sa akin.

Muryou:The Damn Cold Blooded Warrior[Complete]Where stories live. Discover now