Chapter 3-Pagbalik sa Subeta

1.1K 40 0
                                    

YONA POV

"Hmm..alin kaya dito..eto ba o eto..?"kausap ko sa sarili ko habang sinisipat-sipat ang bagay na hawak ko.

"Aalis na tayo Yona.."napatuon ang paningin ko sa paa sa aking harapan.Umangat ang paningin ko pataas sa mukha nito.Si Liu..nakakunot na ang noo.

Nakalupagi kasi ako sa sahig at nagkalat ang mga damit ko na pinaghahagis ko na lang habang naghahalwat.

"He~he~saglit na lang Liu..e kung tulungan mo na lang kaya akong pumili ng damit na dadalhin ko.."nginitian ko na lang siya."Sa tingin mo alin ba ang pares na maganda sa mga ito?Ito bang pula,itim o puti?"itinaas ko pa ang hawak ko.

Ang salubong na kilay ni Liu ay lalong nagsalubong.

"Ano bang klaseng kasuotan yan?Kasuotan pa ba ang tawag dyan? "

Hindi ko napigilan na mapatawa ng mahina sa reaksyon ni Liu.Nakakunot kasi ang noo niya at puno ng pagtataka ang mata habang nakatingin sa hawak ko.

"Ito ba..panloob ito..ibinigay ito sa akin ni Yumi..ito daw ang gamit sa kanilang mundo.Panty at bra daw ang tawag dito at tiyak na babagay daw ito sa akin.."

"Ang babaeng yun talaga.."sabi na lang ni Liu na napapailing pa din at hindi maintindihan ang tingin sa mga panloob na hawak ko."Bilisan mo kung hindi ay iiwan kita.."tinalikudan na niya ako at lumabas ng aking silid.

"Madala na nga lang itong lahat.."nanghahaba ang nguso na sabi ko na lang sa sarili ko.

Naabutan ko sa labas ng palasyo si Liu na kausap ang emperador kasama sina Kira,Akeru habang sina Rima at Mito ay nakagayak din para sa kanilang paglalakbay.

"Ikaw na ang bahala kay Yona ha Liu..kayo naman Mito at Rima..naipagbigay alam ko na kay Akashima ang inyong pagdating.."bilin ng emperador Hajime.

Tumango si Liu sa emperador at binalingan ako ng tingin.

"Aalis na kami.."sabi ni Liu sa emperador.

"Kami din po mahal na emperador.."paalam naman ni Mito.Hindi maipinta ang mukha ni Rima sa tabi niya.

"Aalis na po kami.."nakangiti na yumukod ako sa emperador.

"Mag-iingat kayo..bumalik nawa kayong tagumpay.."

"Opo.."sagot ko.

Sinundan ko na si Liu na nauna ng lumakad.Naghiwalay na kami nina Mito at Rima nung makarating kami sa pinakadulong bayan at hangganan ng Emperyo ng Libre.

Kabayo ang gagamitin nila sa paglalakbay habang kami naman ni Liu ay sumakay ng barko.Karamihan ay samurai ang sakay ng barko..mga samurai marahil na lumuwas at pauwi na ngayon sa Subeta.Ang iba ay mangangalakal na salamangkero na.

Kalahating araw din ang ginawa naming paglalakbay bago kami nakarating sa kapital na bayan ng Subeta..ang Xera.

"Yona..!"napabaling ang tingin ko sa kumaway tumawag sa akin.

"Shira.."isa siya sa siyam na mandirigma na nakalaban namin noon sa torre..partikular ni Rima..kinawayan niya kami gumanti din naman ako ng kaway habang nakangiti.Lumapit siya sa amin.Naiilang na nginitian niya si Liu na hindi man lang ngumiti.Nakakaintimida marahil para sa kanya ang presensya ni Liu dahil hindi naman siya sanay dito.

"Maaga kayong dumating ah..may dala kong karwahe..tayo na at hinihintay na kayo sa palasyo.."pinapasundo nga pala kami ni Roujin ang pinsan ni Liu.

Sumakay kami ng karwahe.Tahimik lamang si Liu.Ito ang unang beses na pupunta siya sa palasyo ng Subeta hindi bilang isang salamangkero kundi samurai na kadugo ng emperador sampu ng kanyang pamilya matapos naming makipaglaban sa kanila nung nakaraang magpunta kami dito.Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman niya ngayon..kung naiilang ba siya o kinakabahan o kung ano pa man..pero duda ako kung kinakabahan siya..yun yata ang salita na wala sa bokabularyo ni Liu.Ang hirap naman niya kasing basahin.Seryoso lang kasi ang mukha niya at walang emosyon na nakatingin sa labas ng karwahe.

Muryou:The Damn Cold Blooded Warrior[Complete]Where stories live. Discover now