Chapter 11-Sigaw ng Pagmamahal

1K 39 0
                                    

YONA POV

Kinausap pa kami ni Ryuu ng masinsinan ng siya lamang sa isang silid.Inatasan niya kami nina Liu,Shikamaru at Fujiwara na magpunta sa bayan at bantayan kung may sasabotahe man sa lugar subastahan at kasama na din doon ang pagbabantay sa kapatid nilang babae. Bakit naman kaya iyong babae lang at hindi kasali iyong bata na si Ren?

Ngayong nakilala na namin ang mga Lao masasabi ko na sa hitsura at dating nila ay walang duda na papatay sila..pero nung makausap naman namin sila kanina ay mukha naman silang patas na ginagawa lang talaga nila ang bagay na yun bilang trabaho..maliban na lang siguro..kay Yasu..hindi ko naiwasang mapangiwi sa isip ko..Mukha kasing ginagawa ng isang iyon na laro ang pagpaslang.

Matapos kaming kausapin ni Ryuu ay lumabas na kami ng silid na iyon.Sa labas ay nabungaran namin ang isang bulto na nakasandal sa dingding habang nakahalukipkip.

Si Yasu..kakasulpot pa lang niya sa isip ko tapos ngayon nasa harapan na namin siya.

Nagulat na lamang ako ng bigla ay nasa harapan ko na siya..ang bilis niya.At eh..hinawakan niya ang kamay ko?

"Ikaw si Yona hindi ba..ipagpaumanhin mo ang nagawa ko sa iyo nung nakaharap kita sa bayan ng Shogun..Madilim noon kung kaya hindi ko napansin..kung nalaman ko lamang na isa kang magandang binibini ay hindi ko ginawa sa iyo ang bagay na yun..paumanhin."at ang ikinawindang ko ay hinalikan niya ang likod ng palad ko! 

Err..kinilabutan ako sa ginawa niya..Kung tutuusin may hitsura siya..nakapagbigay nga lamang ng malupit na dating ang pilat niya sa mukha.Brusko.Pero hindi sapat iyon para halikan niya ang kamay ko..hindi siya si Liu!

Nakadinig ako ng 'ahem'..akala ko ay si Liu..si Fujiwara at Shikamaru pala.Nakatingin sila ng nakakaloko kay Liu habang nakangisi.Malamig na pares ng mata ni Liu ang aking nabungaran.Nahila ko tuloy ang kamay ko sa pagkakahawak ni Yasu.Masama ang tingin na ipinukol nito kay Liu.

"Hindi ko mapapatawad ang ginawa mo sa akin mayabang na lalaki."naiinis na sabi ni Yasu kay Liu.

"Pininsala mo si Yona kaya ganoon din ang kabayaran ng ginawa mo..at isa pa..kung may mayabang man dito hindi ako yun kundi ikaw."malamig na sabi ni Liu..hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin..pero natuwa ako sa sinabi niya.Kahit hindi maganda makitungo sa akin madalas si Liu ay ramdam ko naman na ayaw niya akong naaagrabyado.

Nawala sa harapan ko si Yasu..iglap ay nasa harapan na siya ni Liu..nakaamba na pakawalan ang kamao upang suntukin ito.Hindi naman natitinag si Liu pero alam ko na hindi siya papayag na magalusan ni Yasu ng ganun na lamang.

"Anong?!"hindi pa man nakakakilos si Liu ay si Yasu ang hindi nakakilos.

"Hindi lang si Liu ang makakalaban mo dito."nakangisi na sabi ni Fujiwara na yumuko.

Naapakan kaagad ni Fujiwara ang anino ni Yasu kaya hindi siya nakakilos.Naningkit ang mata ni Yasu..sinundan niya ang tinitingnan ni Fujiwara.Ang paniningkit ng mata ni Yasu ay napalitan ng pagngisi.

"Hmmm..umaapak ng anino pero ito lang ang masasabi ko sa inyo..Hindi nyo alam ang kakayahan ko..mag-ingat kayo sa pananatili nyo dito dahil hindi ako papayag na lapastanganin ng mga tauhan lamang ang kanilang amo."madiin na sabi ni Yasu.

Napigil ang pagsagot pa ni Fujiwara nang mawala ang inis na ekspresyon ng mukha ni Yasu.Lumampas ang tingin nito sa balikat ni Liu.

May dumating.

Inalis na ni Fujiwara ang pagkakaapak niya sa anino ni Yasu.Antimano naman ay ibinaba ni Yasu ang kanyang kamao.Lumapit siya kaagad sa dumating.Isang babae na may puting buhok na nakatakip sa kaliwang mata ang ilang hibla.Walang emosyon na mababakas sa kanya.

Muryou:The Damn Cold Blooded Warrior[Complete]Where stories live. Discover now