Chapter 5-Shogun

1K 43 0
                                    

YONA POV

"Ahh..aray!"daing ko ng bumangon ako sa pagkakahiga.

Ang sakit kasi ng balakang at pang-upo ko.Inilibot ko ang paningin ko.Hindi ko na alam kung paano ako nakauwi kanina.Masyado kasi akong napagod sa pamamasyal namin ni Lira kanina kaya marahil ay nakatulog ako at nag-utos na lang siya malamang ng magdadala sa akin sa aking silid.Pero bakit naman parang nakipaglaban ako?Eh..napakamot tuloy ako sa ulo ko.

Pagtingin ko sa bintana ay nakita ko na gumagabi na pala.Nagpasya na akong bumangon.

Habang naglalakad sa pasilyo ng palasyo ay may nadinig akong impit na palahaw ng isang babae?Dahil inatake ako ng kuryusidad ay sinundan ko ang aking nadidinig.Habang palapit ako ng palapit ay palakas ito ng palakas.

"H-indi ko na uulitin pangako.."nahihirapang sabi ng babae.

"Ang panaginip ay hindi pinaglalaruan."malamig na sabi ng boses na kilalang kilala ko.

"Liu..Lira!?"bumungad sa akin si Liu..at si Lira na nakapako ang mga paa sa sahig na nababalutan ng yelo upang hindi siya makagalaw habang may tubig na nakapaikot sa kanyang leeg na sumasakal sa kanya.Nanlalaki ang mga mata na pinaglipat-lipat ko ang paningin ko sa kanilang dalawa.

"Y-ona..t-ulong.."mangiyak-ngiyak ng sabi ni Lira.

"Ano ang ginagawa mo sa kanya Liu?!Pakawalan mo siya!"pagkaano ay bulalas ko.

"Tss.."tangi lang sinabi ni Liu at unti-unting nawala ang yelo sa mga paa ni Lira at kasunod noon ay ang tubig sa kanyang leeg.Napaubo naman ito ng tuluyang makawala.

Tinapunan lamang ako ng kakaibang tingin ni Liu na tila nailang ako at pagkatapos ay umalis na siya.

"Ayos ka lang ba?"tanong ko kay Lira.

"Eh..ayos na..salamat at dumating ka."

"Ano ba kasi ang ginawa mo?Anong panaginip ang sinasabi ni Liu..yung ginawa ba natin sa matabang lalaki na tindero sa bayan?"naalala ko kasi yung sinabi ni Liu kanina.Siguradong may dahilan kung bakit siya nagalit.

"Eh..hindi..sinubukan ko kasing basahin ang panaginip niya kanina nung nakaidlip siya sa puno.."sabi ni Lira pero hindi makatingin sa akin.

"Ano nalaman mo ba??"

"Hindi nga e..nahuli niya ako kaya nagalit siya."hindi pa din siya makatingin."Sige ha magpapahinga na muna ako sa aking silid.."

"Sige mabuti pa nga.."sinundan ko na lang ng tingin si Lira na papalayo sa akin.

Si Liu talaga kahit babae pinapatulan.Napailing na lang ako.Pagbaling ng tingin ko sa bintana ay nakita ko si Liu sa labas.Napakunot tuloy ang noo ko.Bakit pa siya lumabas saan siya pupunta?Bakit siya patungo sa kulungan ng kabayo?

Dali-dali tuloy akong bumaba para puntahan siya.Nagtago ako habang pinagmamasdan ang gagawin niya.Kumuha siya ng isang matikas na kabayong itim.Inilabas niya ito at sinakyan kasunod noon ay pinatakbo palabas ng palasyo.

Saan ba talaga siya pupunta ngayon e gabi na?Sa babae niya?! Oh..hindee! Kailangan ko siyang sundan!

Dali-dali din akong kumuha ng kabayo ko..kulay tsokolateng kabayo.Sinundan ko si Liu pero nasa malayong distansya lang ako na hindi niya mahahalata ang pagsunod ko.Huhulihin ko siya sa akto kung may babae siya huh! Hindi pa ako kasintahan ni Liu pero magiging kasintahan niya din ako ano!

Teka..bayan na ito ng Xera ah..

Nagpatuloy lang ako sa pagsunod sa kanya.Hanggang sa makarating siya sa hangganan ng Xera.Mula sa malayo ay nabasa ko ang karatula na 'Bayan ng Oto".Kung ganoon ibang bayan naman ito.Saan ba talaga pupunta itong si Liu?

Muryou:The Damn Cold Blooded Warrior[Complete]Where stories live. Discover now