16

138 11 0
                                    

"WHAT are you two doing? What a childishness!" naiinis na sabi ng lalaki. Lumipat ang tingin nito sa akin. Lumalim ang kunot ng noo niya.

"Why are you just sitting there? Why aren't you stopping them?" seryoso pero may irita na tanong nito sa akin. Napaismid ako sa kanya. Ano, referee ako nila? Ayoko nga! Baka madamay pa ako.

Bigla namang lumapit si Laileigh sa lalaki. Kumapit ito sa braso niya.

" Don't blame her. Pinulikat kasi siya, kaya sinamahan ko siya rito. But Aurora followed us! She's the one who started this." pagsusumbong ng babae. Ha? Sa pagkakaalam ko ay nanahimik na si Aurora pagkaupo namin. Si Laileigh naman ay nagsimula pa ulit, at doon na nga nangyari ang trahedya.

" What the hell?! Me?! What a liar! " tatayo na sana ako ng manlaki ang mata ko dahil nasa harap ko na ang magaling kong amo! Lalong nalaglagang panga ko ng buhatin nito ako pa-bridal style. Nakanganga lamang ako na nakatingin sa kanya.

"Pinupulikat ka? You should rest, mamaya pa naman ang dinner. Or I can cook for us." nakanganga pa rin ako at ramdam na ang nanunusok na tingin mula sa likod ko. Malamig at seryoso pa rin ang boses niya. Kunwari lang iyon! Pero bakit hindi ako makaalis?! I should stop him! Nang tumingin siya sa akin ay ngumiti lang ito. Nakatutunaw ang ngiting iyon na minsanan lang sa isang taon lumabas. At ang guwapo niyang mukha ay kitang kita ko ng malapitan, side view pa lang, nakakapanglaglag na ng panty.

Nakikiliti rin ay baywang ko na hawak ng kanang kamay niya. Kahit na may tela sa pagitan ng kanyang kamay at ng aking balat, tumatagos pa rin ang payapang init ng kanyang mga palad.

Hindi na rin ako nakapagsalita ng ibaba niya ako sa kama. Nagsimula na niya akong hilutin sa binti. Kahit wala namang masakit roon! Nang matauhan ay napatayo na lang ako.

"O-okay na! Salamat na lang. Magluluto pa-"

Tumayo siya ng nakapamulsa. Tiningala ko siya dahil sa tangkad niya, ang hininga naman niyang mabango ay tumatama sa noo ko.

"You should rest. That's the order from your handsome Master." laglag ang panga ko sa sahig hanggang siya ay maka-alis.

ANG kapal, ano?

Kanina pa ako rito sa banyo at nagpasyang maligo bago lumabas, na-i-stress ang kilay ko sa kanila. Pagkatapos ay lumabas na ako para maglakad lakad tutal ay mahaba pa naman ang oras bago pa mag-dinner. Nakaalis na rin ang mga peste.

May narinig akong kumaluskos sa kusina. Parang may hinahalungkat! Agad akong naghanap ng pamalo at nakitako nga ang base ball bat sa kung saan. Mahigpit ang hawak ko roon, hindi naman kasi ugali ng mga aso rito ang mangalkal. Lalo na si Xander! Hindi iyon madalas rito sa kusina-

Dahan dahan akong sumilip, nakahinga ng maluwag dahil amo ko ito. Pero bakit siya nagkakalkal sa cabinet? Anong hinahanap nito?

Napahawak ito sa bridge ng matangos niyang ilong, tila naiinis siya. May hinahanap ba siya?

"Ehem," pagtikhim ko upang kuhanin ang kanyang atensyon. Nakita ko ang panandalian niyang pagkagulat bago sumeryoso ulit. Tumingin ito sa akin pero lumipat rin sa lababo. Ha?

"What are you doing here?" malamig nitong tanong. Napalipat ang mata ko sa plastic na hinahalungkat niya kanina -at muntik na akong matawa.

"Wala na palang tinapay?" tanong ko. Nakangiti lang ng maliit , baka kasi mabira pa ako kung sakaling tumawa pa ako. Umakyat ang pamumula niya mula leeg hanggang mukha. Marunong pala itong mag-blush? "Bibili na lang ako," sambit ko. Tatalikod na ako ng may maalala. Hmmm...

"Or pwede ring ako na ang gumawa." nakangiti kong sabi.

NANDITO pala ako sa pamilihan para bumili ng dapat bilhin. Naalala ko ulit ang kanyang sinabi.

 Master's Servant (SIR Series #1) Where stories live. Discover now