21

149 10 0
                                    

"ARAY..." napahawak ako sa ulo ko ng malaglagan iyon ng kung ano galing sa cabinet sa itaas ng kitchen counter. Pagtingin ko ay sandamakmak na tinapay pala. May mga matitigas at malalambot rin. Napabuntong hininga ako at inayos na lamang ang lagay noon.

Habang hinihintay na maluto ang ulam ay sumandal muna ako roon sa gilid ng lababo.

Hmm, kailan pa kaya siya nag-iisa rito? Saka bakit ang laki laki nitong mansyon na ito pero mag-isa lang siya? Ayaw niya bang bumuo ng pamilya rito?

Speaking of pamilya, bakit nga ba wala pa siyang pamilya? Ang tanda na niya, ah. Nasa 24 o 25 years old na ito, halos magkasingtanda lang naman kami. Sa kaguwapuhan niyang iyon, wala pa siyang pamilya? O baka naman nagkaroon na ito ng ex.

Pero hindi ko maisip o ma-imagine man lang na may anak na agad ito o pamilya kung sakali. Kung bakit? Ewan ko rin.

Totoo na gusto ko na siya noon pa man. Ang kaso ay hindi ko inaamin sa sarili ko, saka alam ko kasi noon na may patutunguhang hindi maganda ang buhay ko.

Naalala ko tuloy ay lalaki kung saan dapat ako ikakasal. Kinamumuhian ko pa rin iyon hanggang ngayon. Mukha pa lamang niya sa isip ko ay gusto ko na siyang patayin. Hindi ako mapalagay kahit ang angkan ko ay napunta sa kulungan. Dahil ligtas at malaya pa rin si Zafius. Kahit ang pamilya nito. Ginawa ko ang lahat , nag-witness rin ako pero wala akong laban. Kayang takpan ng pera ang hustisya. Hustisya na kapag wala kang pera, hindi mo makukuha.

Nang ibinigay namin ang mga information na nakuha namin dati, nakapagtatakang ibinasura lamang iyon ng korte. Dahil sa pagtulong sa amin ni Lurius ay nawalan ito ng lisensya sa pagiging abogado. Hindi ko naman rin alam ang pinagkakaabalahan nito ngayon, alam ko namang may kaya ito.

Wala akong magagawa. Pero dadating rin ang araw na ako mismo ang makakaharap ng hayop na sumira sa buhay ko.

MAY pumitik sa noo ko kaya napawi ang pagiging tulala ko. Naka-amoy ako ng kung ano, amoy sunog! Napatingin ako sa amo ko bago manlaki ang mata na tumingin sa niluluto kong isda. Nalungkot ako ng makitang nangingitim na ito.

"S-Sorry..." nakangiwi kong sabi sa lalaking nasa harap ko. Nakataas ang kilay nito bagama't seryoso pa rin. Siya na ang nag-ayos noon at nagluto ng panibago. Naupo na lang ako sa kitchen table tutal ay siya naman na ang naroon.

"Sir—I mean, Master, bakit kailangan na Master ang tawag sa 'yo?" tanong ko. Kasi hindi ba't ang 'master' ay parang ang kwan pakinggan? Ewan basta ay pumasok na lang sa isip ko iyon.

"Because I am a Master?" pamimilosopo nito. Umirap ako kahit siya ay nakatalikod. Nanahimik na lang ako tutal wala siyang maayos na isasagot. Nang tumahimik ay biglang naging awkward ang atmosphere. Hindi ba war kami? Bakit ko siya kinakausap?

"I'm a Master of a taekwondo class since then. And also, an oldest sibling in three of us. "napataas ang dalawang kilay ko. Three?

" And being an oldest child in our empire should be called 'master'. "dagdag nito.

" M-May kapatid ka pa bukod kay Sir Xylus? "tanong ko. Ngumisi ito at hindi sumagot. Nakapamulsa nitong pinatay ang stove at humarap sa akin, umupo siya sa katapat ko.

" Do you want to meet her? "tanong niya. Nagningning ang mata ko sa sinabi nito. Her?!

"O-Oo! Siguro, makaka-close ko siya, babae e!" ngiting ngiti na sabi ko. Nag-imagine ko na agad ang mga gagawin naming bonding. Haha!!

Nakangisi naman na tumingin sa akin ang lalaki.

"SAAN tayo pupunta, sir?" curious kong tanong sa lalaking nasa tabi ko. Pinagbihis niya ako ng disente at isinama ako kung nasaan man kami lupalop pupunta. Siya ang nag-da-drive at ako naman ay nasa tabi niya. Medyo malayo nga ang aming pupuntahan dahil maaga ay umalis na kami. Siguro ngayon ay tanghali na.

 Master's Servant (SIR Series #1) Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt