06

222 11 0
                                    

NAGISING ako sa init dulot ng sinag ng araw sa bintana. "Ahhh!" nag-inat ako sa higaan at tumayo. Marami nang manok ang tumitilaok at ang hangin naman ay rinig na rinig sa paghampas ng mga puno.

Sumilip ako sa labas para silipin si Aling Vina. Baka kasi nandyan nanaman para ako ay bungangaan. Hindi pa pala ako nakakabayad ng renta! Kaya mamaya talagang pupunta na siya dito. Tumayo ako para maghilamos pero pagbukas ko ay isang tulo lang ang dumating sa kamay ko.

"Tanginang 'yan! Dinaig pa ang joy!" inis na sabi ko. Nagpunta nalang ako sa kubeta at doon naghilamos, aba syempre, malinis doon! Alangan namang sa inidoro ako hindi ba? Hindi naman ako ganoon katanga.

Magkakape sana ako pero ayun, wala na rin pala. At sa cabinet naman na nakadikit sa pader, pagkabukas ko ay wala akong nakita kundi sapot. Buti pa nga ang gagamba ay may nakakain! Puro lamok na ang sapot nito.

Inis kong ibinalibag ang mga iyon. Bwisit! Anong kakainin ko gutom na ako!

Hindi ko pa naman sweldo atmamaya pang 9:00a.m. ako papasok dahil umalis ang amo ko.

Kasalukuyan kong binubuhay ang sarili sa isang cafe na 1500 kada isang linggo. Dati ay pinagsasabay ko pa ang pag-aaral ng college pero hindi na talaga kaya ng lola niyo.

Heto, 3rd year na sana kaso lang ay wala na eh. Yung mga magulang ko nasa kulungan na at hindi na ata makakaalis. I mean, talagang hindi na. Matapos ngang maipanalo ni Lurius ang kaso ay naglaho nalang sila ni Mellaria. Pero nagpaalam naman sa akin si Mell noon, kaso dalawang minuto lang ata. Ayun, umiyak din ako. Pero babalikan daw niya ako, I'm not sure anymore.

Because it's been a 5 years. Wala akong pinakinabangan mula sa pera ng magulang ko dahil hindi ko iyon gagamitin kahit pa mamatay ako sa gutom.

Nagpatuloy ako sa isang public school ng sarili ko lang at nawala na rin ako sa top dahik minsan ay absent ako dahil sa trabaho. Halos gapangin ko lahat makatapos lang. Pero malas ko lang, hindi ko na kinaya.

Kaya ito, nasa isang saktuhan ang laki na apartment at sa isang cafe lang nagtatrabaho. At ang 1500 na sweldo ay hindi pa rin sapat.

Okay lang 'yan! Malapit na ako sumweldo at makakakain na ako ng burger na gusto ko.

Naka-isip ako ng maganda habang pinapakinggan ang tyan ko na kumulo. Mag-bake kaya muna ako? Saglit lang naman iyon.

Tumingin ako sa isa pang cabinet ng harina, baking soda and powder, mga tools at flavor. Kumuha na rin ako sa jug ng kaunting tubig.

Gagawa nalang ako ng tinapay. Tutal, wala akong pagkain.

Lagi ko itong ginagawa kapag may gamit ako. Kada sesweldo, hindi ko pinapalagpas sa convinient store ang mga baking tools at ingredients.

Itong apartment kasi ay simple lang. May banyo, maliit na kusina, medium sized bed at maliit na sala din. Si Aling Vina kasi nakilala ko sa daan, nagbebenta siya ng mga bibingka at puto tapos tinulungan ko ayun, nalaman ko na meron pala siyang apartment.

Mabait siya, pero walang personalan kapag tungkol na sa negosyo niya. Hindi ko rin naman siya masisisi.
Pero hindi ko naman siya kinakalimutan kapag nag-be-bake ako.

Inilagay ko muna iyon sa mini oven ko at i-si-net sa 10 minutes lang. Maliligo muna ako.

PAGKATAPOS makapagbihis ay kumain na ako. Ang ibang tinapay na nagawa ko ay inilagay ko sa paperbag para kay Aling Vina, idadaan ko nalang.

Nakasuot ako ng yelow na t-shirt na may tatak na Smiley Cafe at may kwelyo ito. Naka-black naman akong slacks at itim na flatshoes. Inilugay ko ang hanggang baywang na buhok at ini-hair clip ang golden side bangs ko.
Hindi na ako nag-make up dahil may natural beauty naman ako. Naka-tuck in ang aking t-shirt sa slacks kaya okay na! Fresh na 'ko.

 Master's Servant (SIR Series #1) Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin